CASSANDRA'S POV~" No, Zay. Bumalik ka na sa trabaho mo. Hindi porque ikaw ang anak ng may ari ng kompanya ay pwede ka ng bumalik kung kelan mo gusto"
Nakasimangot naman syang lumapit sa akin pero umatras ako kaya mas lalo syang napasimangot
" Zay, okay naman na ako, kaya ko na to"
Halos ilang months narin kasi syang tigil sa trabaho at okay naman na ako kaya wala na syang dapat ipag alala.
" Pero Cass--
" No more pero-pero Zayden. Babalik ka sa trabaho, That's final. End of conversation "
Malakas namang napabuntong hininga si Zayden
" Fine but please, let me hug you first"
Isinenyas ko naman yung isa kong kamay para palapitin sya at mabilis naman syang lumapit sa akin at niyakap ako
" Sure ka na--
" Zay"
" Oo na po Ma'am"
Humiwalay ako sa kanya sa yakap
" Bukas. Promise" dagdag pa nya saka tinaas yung isang kamay
Tumango-tango naman ako
" Magluluto na muna ako ng lunch natin"
" Hmm. Ligo lang ako then sunod narin ako sa inyo"
" Ah, Punta tayo kina papa later ah?"
Tumango-tango naman sya kaya lumabas na ako ng room namin at pumunta sa baba ng bahay
Agad ko namang nakita si Kaede na nakaupo mag isa sa couch at may hawak na libro
Hindi ko na lang sya inabala at sa kitchen na tumuloy, si Cassy naman ang nadatnan ko sa kitchen at kung si Kaede, ang hawak ay libro, to namang si Cassy, kutsilyo ang hawak.
Wait, what?! Kutsilyo?!
" Cassidy!"
Agad napatingin sakin si Cassy at saka ngumiti ng parang wala syang ginagawang kakaiba
Mabilis akong naglakad papalapit sa kanya at saka maingat na inagaw sa kanya yung kutsilyong hawak
" Wait mo---
" Diba sabi ko sayo hindi laruan ang Kutsilyo, huh?! What if nasugatan ka?!"
Napatungo naman si Cassy at pinag laruan ang sariling kamay
" S-sorry po"
" Basta next time wag mo na ulit gagawin to, okay?"
Tumango-tango naman sya
" Sige na, pumunta ka sa kuya mo at sa kanya ka makipag laro"
Walang imik namang umalis si Cassy sa kitchen kaya naman naiwan ako
Napabuntong hininga na lang ako.
Alam kong nagtatampo parin sakin ang batang yun kaya babawi ako mamaya.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagluluto ng pang lunch namin
Mga ilang minuto ang nakalipas ng may mga brasong pumulupot sa bewang ko
" Ang sarap naman ng niluluto ng asawa ko"
Ipinatong nya ang chin nya sa balikat ko
" Ako pa ba? Lahat naman ng lutuin ko masarap sayo" nagmamayabang na sagot ko kaya napatawa si Zayden
BINABASA MO ANG
ACQKM 2 : BORN FOR YOU ( COMPLETED )
FanfictionTandaan! HINDI LAHAT NG LOVE STORY NAGTATAPOS SA HAPPY ENDING .