CASSANDRA'S POV~Sa dalawang linggong nagdaan, hindi nabigo ang mag aama ko na pasayahin ako. Palagi silang may pasorpresa sa akin, ginagawa nila ang lahat para maging okay ako.
" Zay, ano na naman bang pakulo to?" natatawang tanong ko kay Zayden ng pinagbihis nya ako at may pupuntahan daw kami
" Basta, malalaman mo mamaya" kinindatan pa ako ng loko
" Mommmyyy! Let's goo! Let's goo!"
Napangiwi na lang ako dahil sa kaingayan ni Cassy
" San ba kasi tayo pupunta?" tanong ko ulit ng makasakay na kami sa kotse
" Wife, surprise nga diba?"
Hindi na lang ako nagtanong dahil alam ko naman na wala silang balak na sabihin sakin kung saan kami talaga pupunta
Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na ang kotse... Sa beach.
Wait, Beach?!
" Let's go na po Mommy!"
Bago ko pa magawang magtanong ay nahikit na ako ni Cassy sa kamay at hinila papunta sa tabing dagat
Kusang tumigil ang mga paa ko ng makita ang malaking heard shape na pinapalibutan ng mga ilaw
Sa gitna nong heart ay may table naman na napapalibutan ng apat na bangko.
May mga foods naring nakalagay sa lamesa at mukhang pinaghandaan talaga kasi lahat ng favorites ko ang nakahanda
Lumingon ako kay Zayden ng akbayan nya ako
" Ano to?"
Pero sa halip na sagutin ay inalalayan nya lang ako papunta sa loob ng heart ay pinaghikit ako ng bangko
Inalalayan nya rin muna yung kambal na maupo bago sya maupo
Nakaharap kami ngayon sa may dagat at tamang-tama naman dahil medyo palubog narin ang araw
" Ikaw talaga Zay, pwede namang sa bahay na lang eh"
" Mas romantic kasi pag dito" biro nya
Bigla na lang may nag play na song at di ko alam kung san galing.
Mukhang plinano talaga ng asawa ko to ah? Haha
" Mom, are you happy?"
Tinignan ko naman si Kaede saka ngumiti at tumango
" Yes baby, thank you"
" I love you Mommy"
Inabot ko naman ang pisngi nya para haplusin yun
" I love you more baby"
" Mommy! Let's eat! Im hungry na po!" naka pout na sabi ni Cassy kaya pare-pareho kaming napatawa
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng magsalita si Cassy
" Mommy! Look po oh! Ang ganda!"
Itinuro nya yung araw na unti-unti ng lumulubog
Ang ganda talagang panoodin ng sunset
" Mas maganda ka jan, Wife"
Mahina kong kinurot si Zayden sa tagiliran ng hindi inaalis ang tingin sa araw
" Alam ko haha" gatong ko na lang
Bigla namang nangibabaw ang next song na 'BORN FOR YOU' kaya tong si Zayden bigla na lang tumayo at inilahad ang kamay sa akin
BINABASA MO ANG
ACQKM 2 : BORN FOR YOU ( COMPLETED )
FanficTandaan! HINDI LAHAT NG LOVE STORY NAGTATAPOS SA HAPPY ENDING .