CASSANDRA'S POV~Dapat masaya ang araw na to, dapat nagkakasiyahan kami kasi birthday ngayon ni Zayden, dapat yun ang nangyayari pero hindi eh. Mas gusto ni Zayden na pumunta kami ng Hospital at kahit anong pilit kong gawin sa kanya, ayaw nya.
" Cass, anak"
Bago kami pumunta ng hospital, heto at dumaan muna kami kina Papa para ipaiwan tong mga bata. Nasabi narin namin ni Zayden yung tungkol sa sakit ko kagabi, kaya di na ako nagtataka sa binibigay nilang tingin sa akin
" Sista, bat di mo sinabi agad?" naluluha namang tanong ni Allison
Ayokong sabayan ang kadramahan nya kaya tumawa na lang ako
" Buhay pa ako, malakas pa ako, wag nga kayo jan"
Lumapit sakin si Papa at saka ako niyakap ng mahigpit
" Nak, gagaling ka. Malalabanan mo yang sakit na yan, diba?"
Tumango-tango naman ako
" Opo papa. Gagaling po ako"
Sunod naman akong niyakap ni Allison
" Siss! Huhu"
Agad akong humiwalay kay Allison at mahinang tinampal ang braso
" Wag ka nga madrama jan. Buhay pa ako, saka mo na ako iyakan pag patay na ako--
" Cassandra" halos sabay na saway ni Zayden at Papa
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang mag peace sign bago magpaalam dun sa mga bata
Sunod ko namang binalingan sila Papa
" Punta na kami sa hospital, pa. Sige po"
" Ingat kayo"
" Yes pa"
Nang makalabas kami ni Zayden sa bahay ay agad na kaming sumakay sa kotse at nag drive na sya patungong hospital
" Wife?"
" Hmm?"
" Hihinto muna ulit ako sa pag tratrabaho ah?"
Agad kong nilingon si Zayden dahil sa sinabi nya
" Wag na Zay. Malakas pa ako, kaya ko pa"
" Cass, kahit matanggal ako sa trabaho okay lang, simula ngayon ako naman mag aalaga sayo, wala kang ibang gagawin kundi ang mag pahinga"
Kokontra pa sana ako pero agad na nya akong naunahan
" Wag ka ng komontra, yun na ang final kong desisyon"
" Oo na"
Ngumiti naman sya kahit sa daan nakafocus ang mga mata
" I love you, wife"
" I love you too, hubby"
Nang makarating kami sa Hospital ay agad kaming dumeretso sa opisina ni Doc. Marco
Tinext na sya ni Zay kagabi na pupunta nga kami.
" Cassandra, Kyle. Upo kayo"
Nang makaupo kami sa harapan nya ay agad na bumaling sakin ang tingin nya
" Mabuti naman at naisipan mo ng sabihin sa asawa mo ang sakit mong yan, di biro ang leukemia Cass, at mukhang palala na ng palala yang sakit mo dahil sa sobrang laki ng pinagbago ng katawan mo kumapara noong huli nating pagkikita"
" Iniinom ko naman yung mga gamot na binigay mo sakin, Doc"
" Sinabi ko na sayo, hindi sapat ang mga gamot na yun"

BINABASA MO ANG
ACQKM 2 : BORN FOR YOU ( COMPLETED )
FanfictionTandaan! HINDI LAHAT NG LOVE STORY NAGTATAPOS SA HAPPY ENDING .