CHAPTER TEN

50 4 0
                                    


CASSANDRA'S POV~

Nang magising ako, puting kisame agad ang bumungad sa akin

Unti-unti kong inilibot ang mga mata ko sa paligid

Hospital.

Anong ginaga--

Biglang nag flash sa utak ko yung nangyari sa kotse.

Mataas ang lagnat ni Kaede, dadalhin ko sya sa hospital, di ko macontact si Zayden hanggang sa.. Hanggang sa mabunggo kami sa poste

" Mommy! You're awake!"

" Wife!"

Mabilis kong binaling kay Zayden at Cassy ang tingin ko

" S-si Kaede? Asan si Kaede? Safe sya diba? Where is he? I want to see him--"

" Wife, please. Calm down, He's safe. Safe si Kaede"

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa nalaman ko pero agad ding nanumbalik nag matinding kaba sa dibdib ko ng maalala ko ang baby sa tiyan ko

" Hubby, si Baby? Safe si Baby diba? Diba? Safe naman sya diba? Please tell me, please" nilalamon na ako ng matinding kaba at naiiyak narin ako

Sa halip na sagutin ako ay humarap si Zayden kay Cassy

" Puntahan mo muna ang kapatid mo"

" Sige po daddy"

" Hubby, please. Si baby? Safe sya diba?" nag mamakaawa na ang boses ko

" W-wife"

Saglit pa akong natigilan ng makita ang luhang tumulo sa pisngi ni Zayden bago ako mapailing-iling ng ilang beses

" N-no! Hindi yan totoo! Safe si Baby Alexa diba? Ligtas sya! Ligtas si Baby! Diba? Makakasaka pa natin--

" Wife please, calm down"

" S-si baby *sob*"

Niyakap ako ni Zayden ng mahigpit pero di parin sapat yun para maibsan ang sakit at bigat ng dibdib ko

My baby Alexa.

" Wala na si B-baby Alexa"

" N-no! *sob* di yan t-totoo!"

ZAYDEN'S POV~

Masakit mawalan ng anak. Sobra.

Pero alam kong mas doble ang sakit na nararamdaman ni Cass.

Napabuntong hininga na lang ako bago hawakan ang kamay ni Cass

Nakatulog na sya sa kaiiyak.

Hinawakan ko ang kamay nya at dinala ko yun sa pisngi ko

" I thought I lose you, you scared the hell out of me" mahinang sabi ko kasabay ng pagtulo na naman ng luha ko

" Im so sorry Wife, I wasn't there to protect you"

Nanatili lang akong umiiyak ng tahimik hanggang sa makalipas ang isang oras

Bumisita narin sila Vince at Kin, nagdala ng pagkain, samantalang si Hailey at Calvin naman nasa kabilang room, binabantayan si Kaede at Cassy

CASSANDRA'S POV~

Ilang oras na ba akong nakatulala dito? Di ko na alam at wala akong pakialam.

Ang baby Alexa ko.

" Wife, nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin?"

Umiling-iling naman ako, namuo na naman ang mga luha sa mata ko

ACQKM 2 : BORN FOR YOU ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon