Prologue

40 5 10
                                    

---

"Maycee, hurry up. Magpu putong na, ano ba!" I was checking how I look at the vanity mirror when I heard a loud knock and the loud voice of my mother.

"Sandali na lang, Ma!" I responded while I was putting my accessories on. Tumingin muli ako sa kabuoan ko at nang ma-satisfy na ay nagtungo na ako sa pinto at binuksan ito. Sumalubong sa akin ang mataray na mukha ni Mama, I sheepishly smiled at her. "Bilisan mo, ikaw na lang hinihintay." Sabi n'ya at nauna nang umalis. I made face at her bago ako sumunod sa kanya.

Kumakanta na ang mga nagpu-putong nang makalabas ako. Napangiti ako nang makita si Lolo na masayang nakikikanta sa mga nagpu putong at pakumpas kumpas pa ang kamay. Oh, look at him. He's so happy and I'm very much happy for him. Like imagine ha? He reached 86 years old at malusog na malusog pa!

Lumapit ako sa mga nagpuputong at nakisayaw sayaw na din sa kanila. I was rhythmically clapping my hands while I was swaying my body like how the magpuputong's do.

I looked around and saw my cousins doing the same too, when they saw me looking at them they waved and motioned me to come to them. Agad namang akong sumunod. Nang makalapit na ako ay pabirong hinila ni Ashley ang buhok ko, pabiro ko din syang hinampas sa braso, "Andito yung pinsan natin na crush ko!" She chirped. I rolled my eyes at her and she just laughed at me.

Wala talagang pinapatawad 'to si Ashley, pati pinsan namin eh... hay naku. Napansin ko ang dress na suot nya. Yellow dress 'yun na di lalagpas ng tuhod, thin-strapped malalim ang neckline. Actually, that was mine. Hiningi n'ya sakin yun nung birthday nya kasing gustong-gusto n'ya talaga yun. And since nag-iisa naman akong babae sa aming magkakapatid, walang sasalo ng damit ko kundi mga pinsan ko lang na babae. That was my favorite dress but since maliit na s'ya sakin, wala akong ibang nagawa kundi ibigay na lang sa kanya. Mas maliit kasi si Ashley sakin kaya sa kanya lahat napupunta ang mga maliliiit kong damit. And ito ako ngayon, hanggang tingin na lang sa mga damit na pinaka aalagaan ko dati.

I snapped out of my thoughts when I felt a slight pulling on my hair, "Gaga, ano ka ba! Move on na 'no. May mga bagay talaga na hindi habang buhay ay sa'yo." She smirked at me and I just rolled my eyes at her. "My dear cousin, pagbigyan mo na ang mga slapsoils na tulad ko. Syempre ikaw, makakabili ka pa ng bago diba? Pero kami, wala kaming pambili nito. Kaya wag ka nang magalit, please." She clasped her hands and pouted her lips then blinked cutely at me. I sighed and then pinitik ko ang lips n'ya. Mukhang pato.

"Wag ka ngang magpa cute, you're so ugly when you're doing that," paglait ko sa kanya. Nginisihan n'ya lang ako. "At saka oo na. Next month maglilinis kami sa wardrobe ko at aalisin ko na yung maliliit sakin then i'll give it to you, happy?" I sarcastically smiled at her and she clapped her hands in excitement. "And what the hell is slapsoil?" I asked and then glanced at my Lolo na pinapatungan na ng korona na gawa sa Neon paper na color orange. Tapos na pala yung mga maghahawak ng Kumot at ng Kandila, balak ko pa naman maghawak ng candle, sayang.

"Duh? Slapsoil. Slap...Soil!" Sabi n'ya na may hand gestures pa na parang pinapaintindi saking mabuti ang mga ekek languages n'ya. I gave her a questiong look because seriously, I don't understand her. She dramatically sighed like saying na I am the most bobo in the world for not knowing that 'slapsoil' is. "Cousin, come on, common sense! Slap-hampas, Soil-lupa. Slapsoil... hampaslupa! Duh!" Napahawak pa sya sa noo n'ya. Grabe, I'm offended ha? Malay ko ba sa mga ekek language nya?! Slap? I thought it's sampal?

Hindi ko na lang s'ya pinansin at tiningnan ko na lang ang cellphone ko na nag vibrate.

From: Ellory❤️
Girl, Malapit na kami. Viva na ba?

Stuck in between Where stories live. Discover now