Chapter1-Patient
"And that's how their love story started!" Sabi ni Karel sa mga nurses na kasabay namin mag lunch.
Pinagkwento nila ako about my lovelife and since wala naman akong lovelife ngayon, napilitan akong ikuwento yung dati because I know, hindi ako titigilan ng mga 'to hangga't di ako nagkukwento.
"Nacu-curious ako kung anong next na nangyari, doc. Sana may kasunod pa 'yang kwento mo samin, ha?" Sabi ni Mildred na may nanunuyang tingin. I just nodded and continued eating. Kahit sa isip ko ay wala na akong balak ikuwento sa kanila ang nangyari. Nakakakilabot kapag binabalikan ko ang mga alaala na yun.
"Eh doc, naka move on ka na ba?"
Napatigil ako sa pagkain nang itanong yun ni Kris. Nag-angat ako ng tingin sa kanya and I raised my brow at her.
"Well, doc?" She asked, raising a brow at me too.
"Naku, pusta ko hindi pa 'yan. Ilang taon din sila nun ni Liam eh." Singit naman ni Karel so sinamaan ko s'ya ng tingin. I cleared my throat and answered, "I'm getting there," and umalis na ako bago pa ako tanungin ng kung ano ano ng nga chismosang yun.
I breathe out a heavy sigh nang makalayo na ako sa kanila. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Bakit... masakit pa din? It's been 7 years, I guess? It's been 7 years since I met that Liam Cha that had been my biggest nightmare this past few years, until now.
I frustratedly brushed my fingers through my hair. Dapat wala na eh, dapat di na ako nasasaktan. Lahat nakamove on na at ako na lang ang hindi pa. Wala eh, 4 years din yun. Matagal-tagal din. Ang hirap kalimutan. Siguro napatawad ko na s'ya pero ang hirap n'yang kalimutan e.
I've decided na pumunta muna sa office ko para makaidlip saglit. 48 hours na akong gising. Ang daming operation dahil may aksidenteng nangyari sa may bandang Torrijos. Nahulog kasi ang jeep sa bangin at sakay nun ay mga bata at teachers na papunta sa Pulang lupa para mag scouting.
Tinanggal ko ang Lab coat ko at nilagay sa rack na malapit sa pinto. Umupo ako sa swivel chair at nagpangalumbaba. Nahagip ng mata ko ang picture frame na nasa gilid ko. I sighed heavily. That was me and Liam when I graduated Junior high. With honors ako nun at sobrang saya ko kasi kumpleto ang family ko at ang Pamily sa moving up ko tapos andun pa si Liam. Napangiti ako ng malungkot. Old times.
"THEY'RE so loud noh?" Sabi ko kay Liam nang mapansin na nakatingin siya sa mga kaibigan ko. Nakaupo kasi s'ya sa may railings at nakaharap s'ya sa mga kaibigan ko na nagpatuloy manood ng horror movie pagkatapos ng makabagbag damdaming spin the bottle.
"Yeah, pero okay lang sanay na ako." He answered.
Naupo ako sa tabi n'ya kahit na ang awkward for me dahil kani-kanina lang, sinabi n'yang crush niya ako. Gosh. Love at first sight, I guess? Well di ko s'ya masisisi. My beauty is just, you know, priceless.
Inalok ko s'ya ng kinakain ko na graham ball pero he shook his head so 'di ko na pinilit, baka busog na s'ya. "Do you have friends din ba?" I asked which I find stupid. Because, of course he has! He seems so friendly and baka nga mas madami pa s'yang friends kesa sakin, "Oh, Nevermind. I mean ano, kasing loud ba ng mga friends ko yung mga friends mo?" I asked instead.
Tumayo s'ya, so I stood up din, dumungaw kami sa baba kung saan kita ang mga nagkakasiyahan na mga tao.
"My friends are loud. But not as loud as your friends." He said. Oh. Bigla tuloy akong na embarrassed for my friends kasi baka hate ni Liam ang maiingay, but he said sanay na naman s'ya so I guess hindi naman?
YOU ARE READING
Stuck in between
Teen FictionFriendship. One thing that Maycee Nazareno treasure the most. With her friends, she doesn't feel lonely, unwanted and a misfit. But Liam Cha came into her life. He made her feel the feeling when she's only with her friends and Liam Cha did more than...