Stephanie's POV
I found myself lying on the floor when butler Zen slapped me.
"My life is in danger now! What the hell!"
He shouted at me. He can't stay still so it was obvious how mad he is.
"Wag mo na kong idamay sa kabobohan mo step, ayoko na."
He said.
Paalis na sana siya ng pigilan ko ang paa nya gamit ang kamay ko.
Niyakap ko ito para pigilan ang pag hakbang niya."No. Hindi pwede. Hindi pa ako tapos. Hindi ko pa napapatay si faye!"
Sinipa niya ang kamay ko para mabitawan ko ang paa niya.
"Nababaliw kana ba? Makapangyarihan sila! Anong laban mo ha?!"
Natahimik ako saglit.
Anong pake ko sa katayuan nila? Ang mahalaga mapatay ko siya."Kung ako sa iyo tigilan mo na ang kahibangan mo! Hindi mo mapapatay ang uri nilang tao!"
Sinira niya ang buhay ko. Sinira niya ang lahat.
"Pero kung gusto mo parin ipilit ang gusto mo, asahan mo narin na mawala pati ang buhay mo."
Nawala si daddy sa akin at pati si micko ay nawala. Kinuha niya sila.
"Matigas ang ulo mo kaya gawin mo ang gusto mo. Pero sinasabi ko na sayo wala kang laban."
Inagaw niya ang mga bagay na dapat ay nasa akin kaya hindi ko siya mapapatawad.
"Ano bang meron ka? Sino bang meron ka? Pano mo matatalo at mapapabagsak ang mga taong katulad nila ha? Anong ipagmamalaki mo? Anong laban mo?"
Papatayin ko siya.
"Anong laban ko? Ako si Steph! Gagawin ko ang dapat kong gawin."
"Bahala ka! Gawin mo ang gusto mo pero wala na akong maitutulong sayo! Hindi ko hahayaan na mamatay din ako kasabay ng pagkamatay mo. Magingat ka nalang."
Sambit niya bago ako tuluyang iwan magisa.
Kinuha ko agad ang bag ko sa ilalim ng kama at inimpake ang mga damit ko.
Magpapakalayo muna ako saglit at maghahanap ng mga tao na maaring makatulong sakin sa paghihiganti ko.Tatawagan ko ang mga contacts ni daddy at sisiguraduhin ko na mapapatay ko si faye.
Hindi ako papayag na makita syang masaya dahil nasa kanya ang mga bagay na dapat ay akin.
Hindi ko mapapatawad ang ginawa niya sakin.Palabas na ako sa luma at pangit na bahay na ito para sana makaalis na ng natigilan ako ng may mga lalaking nakaharang at nakapaligid sa bahay.
Lahat sila ay nakaitim na mga damit. Pormal na pormal ang kanilang mga itsura sa suot nila na coat and tie.
Pare parehas sila ng mga suot at ang mga tindig nito ay iisa.Napaatras ako at nabitawan ko ang bag na hawak ko ng lapitan ako ng ilang lalaki at pilit na papasukin sa van.
Nagpupumiglas ako at pilit na lumalaban para maka wala ngunit sadyang wala kong laban sapagkat madami at malalakas sila kumpara sa akin.
Namalayan ko nalang ng unti unti ng lumalabo at nawawala ang paningin ko kasabay ng pag alis nila ng panyo sa ilong ko.-------------—-—
YOU ARE READING
The Revenge of the Mafia Princess
Dla nastolatkówA 19-year-old girl trying to escape her trained and complicated life by pretending to be someone who she is not and trying to be different to her real self. She wanted to see if someone will still love her even with the face that she will be making...