"Bye baby girl, Ingat ka." Sabi ni kuya Dray at hinalikan ako sa noo."I will, Sige babye na baka ma late ka pa." Sabi ko at bumaba na sa sasakyan niya at yumuko ng kunti saka kumaway sakaniya at sumerbato naman siya saka pinaharurot ang sasakyan.
Tumayo na ako ng maayos at lumingon sa gate. Bumuntong hininga muna ako saka pumasok. Lakad matatag.
"Baks!"
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang lugar kung saan may sumigaw. Nakita ko namang nakangiting tumatakbo papalapit saakin si Fren.
"Baks! MY gash! OKS ka na ba?" Tanong niya ng makalapit.
"Ah Oo." Sabi ko at nagkamot ng ulo.
"So, Story mo nga sakin bakit ka umalis kahapon at umiiyak?" Tanong ni Fren. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko.
"Ha? Wala na yun no, May project bang ibinigay si sir sainyo?" Pag-iiba ko ng usapan ayoko na kasi na balikan ang nangyari kahapon e.
"Wala naman nag discuss lang siya ng nag discuss, Hoy bruha ka! Wag mo nga iniiba ang usapan sagutin mo ko." Sabi niya.
"Sorry baks pero hindi pa ako handa ngayon na sabihin e." Sabi ko. Bumuntong hininga naman siya saka nagsalita.
"Hays, okay lang baks naiintindihan naman kita." Sabi niya at ngumiti kaya ginantihan ko naman iyon.
"Mga baks!" Napalingon kami sa dalawang taong sumigaw at sina Mera pala.
"Hoy! Bakit an tagal niyo ha?" Inis na tanong ni fren sakanila ng makaabot sila samin.
"Hindi kasi tumunog alarm clock ko e." Sabi ni Mera.
"Ako din." Sabi ni Aleza
"Che! Pa ulit-ulit niyo nalang sinasabi ang dahilan niyo nako! Nagtataka na talaga ako bakit ang tagal niyo always pumunta rito nakakaloka kayo!" Mahabang lintaya ni fren.
"Sorry na." Sabi ni mera.
"Guys." Sabi ko at lumingon naman sila sakin.
Nagkatinginan naman kaming apat. Mukhang nag kakaintindihan kami na paunahan kaming tumakbo papunta sa classroom. Nag bilangan kami at sabay–sabay nang tumakbo.
"Yey! Excited nako!" Sigaw ni Mera at tumatalon-talon pa.
Papunta kasi kami sa cafeteria ngayon and guess what? Manlilibre si Aleza samin yuhoo! ang hina kasing tumakbo.
"Buti ka pa Mera excited samantalang ako, hindi." Sabi ni Aleza na parang binagsakan ng langit at lupa.
"Okay lang yan Baks. Bagal mo kasi." Sabi ni Fren at hinahampas-hampas ang likod ni Aleza.
"Aray!" Sigaw niya at lumayo ng kunti kay Fren.
"What? Ang hina lang kaya nun."" Sabi ni Fren.
"Para sayo mahina pero sakin hindi, Kung ikaw kaya hampasin ko siguradong bobomba yang likod mo." Sabi ni Aleza. Napatawa naman kami ni mera.
"Andito na tayo!" excited na sabi ni mera at binuksan na ang pintoan ng cafeteria.
Sabay-sabay kaming pumasok. Napatingin naman ang ilang studyante samin pero binalewala lang namin iyon. Agad kaming pumila apat para umorder. Nang matapos maka order si Mera ay ako na ang umorder.
"Ate isa po neto." turo ko sa chicken na may kanin.
"Sige po." Sabi niya at kinuha iyon saka ibinigay sakin.
"Ito po ang bayad." Sabi ko sabay abot, Nagtataka kayo kung bakit nagbayad ako no? Well ng makapasok na kami rito sa cafeteria kanina ay binigyan na kami ni Aleza ng pera.
BINABASA MO ANG
LANY JANELY'S DAUGHTER
Teen FictionLany is a 20 year old woman who got pregnant by Mr. Vince wilson. Nang dahil lang sa isang one night stand ay may na buo ng aksidente. Takot pa sa responsibilidad si lany at nangangailangan ito ng pera para may ipang opera sa puso ng kaniyang ama. I...