EPILOGUE - Wakas

67 3 0
                                    



5 years laterr....

Nandito ako sa garden namin ngayon.Nag papahangin.

"Mommy! ATE alysha is always hitting me!" Sumbong ng anak ko sakin. Napalingon ako sa likod ko ng sumigaw bigla ang isa kung anak na si Lanice. Lumapit naman ito sakin at yumakap sa binti ko. Umupo naman ako.

"Why?" I asked.

"Ang bad ni ate alysha mommy." Sabi niya.
At ngumuso ow! How cute. Nakita ko namang cool na lumapit sa pwesto namin ang ate alysha niya. We have a two children. Biniyayaan agad kami ng asawa kung si Vince.
Yes Kasal na kami 5 years ago. Si alysha ngayon ay 8 years old at ang nakababatang kapatid naman neto ay 3 years old.

"Lanice, Bakit ang palasumbong mo?" Inis na tanong ni alysha sakaniya. Tinignan ko naman siya. Hay nako! Napaka maldita talaga ng anak kung to akala ko mabait yun pala napaka maldita.

"Alysha, Don't say that, wag mong awayin ang kapatid mo. Dapat hindi kayo nag aaway dapat nag lalambingan kayo." Sabi ko. Umirap lang siya.

"I don't care Lany." Malditang sabi niya. Aba't! Hindi na mommy ang tawag kasi Lany na!

"Alysha, Sinabi ko bang tawagin mo kung lany? Barkada ba tayo? Di ba hindi? Mama mo ko so dapat mommy ang tawag mo sakin hindi Lany. Dahil hindi tayo barkada hindi kita kapatid kasi anak kita. Bakit ka ba nag kakaganyan? Parang nawalan ka na ng respeto sakin ngayon?" Seryosong tanong ko.

"Dahil sa ipinapakita mo eh parang hindi ako kasali sa pamilya natin eh! Palagi nalang si Lanice! Lanice! Lanice! Nag seselos na ako Lany eh! Palagi nalang siya ang bukam bibig ng lahat ng tao! Pano naman ako? Hindi niyo na ba ako mahal ni daddy, mommy?" Tanong niya at umiiyak na ito.

"Mahal k–"

"Then bakit hindi niyo man lang ako binibigyan ng pansin?!" Sigaw niya.
Nakita ko namang umiiyak na ang isa kung anak na si Lanice. Bumuntong hininga muna ako. Bago nilapitan si Alysha. Hinawakan ko naman ito sa magkabila niyang braso.

"Mahal ka namin okay?? Sadyang nangangailangan si Lanice ngayon, Alam mo namang may sakit ang kapatid mo, At siya muna ang binibigyan namin ng atensyon dahil kapag na sayo ang attention namin ay baka attakihin siya bigla ng hika tapos hindi namin siya mabantayan dahil na sayo lahat ng attensyon namin, sana naman maiintindihan mo kami ni Daddy mo ha?" Sabi ko at umiiyak na tumango naman siya. Kaya niyakap ko ito at yumakap naman siya pabalik.

"Sorry mommy.." Paumanhin niya.

"Shhh..Don't cry." Pagpapatahan ko sakaniya at hinimas-himas ang kaniyang likod.

Naramdaman ko nalang bigla na may dalawang kamay na pumulupot saming katawan ni alysha, Kaya tinignan ko naman kung sino iyon at ang baby Lanice lang pala namin. Napangiti naman ako. Himiwalay naman ako sa yakap at tinignan si Alysha.

"Maiintindihan mo sana kami ng daddy mo ha? Babawi kami saiyo anak."Sabi ko at tumango lang ito.

"Opo mommy." Sabi niya.

"Good, Salamat naman at mommy na ang tawag mo." Sabi ko at tumawa ng bahagya.

"Dapat lang mommy." Sabi niya.

"Oh sige tama na ang iyakan." Sabi ko pinunasan ko naman ang luha niya. at ang luha ng bunso namin.

"Oh siya mag laro na kayo walang awayan ha? Mag h-handa lang ako ng Meryenda niyo." Sabi ko.

"Okay mommy." Sabay na sabi nila.

Kaya ginulo ko muna ang buhok nila at pumasok na sa loob ng bahay. Matapos akong mag handa ay dinala ko na ito palabas.

At syempre nag dala rin ako ng bimpo dahil alam kung ma papawisan talaga sila.
Nang makarating ako sa garden ay nakita ko naman silang nag t-tatakbuhan.

"Mga anak! Stop it muna ang laro, Kain muna kayo!" Sigaw ko at huminto naman sila saka tumakbo sa pwesto ko. Inilapag ko muna sa damuha ang dala kung tray.

"Upo na kayo, At kayo'y kumain muna bago mag laro." Sabi ko.

"Opo mommy!" Sabay na sabi nila.

At umupo naman sila sa damuhan

Agad akong pumunta sakanilang likod at pinunasan ang kanilang mga likod.

"ang pawis niyo na."Sabi ko. Pero tumawa lang sila. Matapos silang kumain ay balik laro na naman. Umupo muna ako sa damuhan at pinagmasdan ang dalawa kong anak na naglalaro. Parang kailan lang isa lang ang anak namin. Tapos ngayon dalawa na. Ang bilis talaga ng panahon noon 23 palang ako tapos ngayon 28 na ako.

Nakapag tapos naman ako sa pag-aaral yun nga lang eh hindi ko ginamit ang kursong grinaduatan ko dahil nag h-house wife lang ako, At bantay sa mga anak namin. Si Vince lang ang nag t-trabaho. He's a billionaire tho kaya buhay na buhay kami sakaniya.

Naramdaman ko naman bigla na may pumulupot na dalawnag braso sa bewang ko.

"Love." hindi na ako nag abala pang lingunin kung sino iyon. Dahil sa amoy palang ng bibig, Perfume at boses ay kilalang-kilala ko na.

"Ang aga mo atang umuwi? Alas kwatro palang ah?" Sabi ko.

"Namiss ko kasi ang mga bata lalo na ikaw." Sabi niya at kinagat ang earlobe ko na ikinaiwas ko.

"Che! Tumigil ka nga." Sabi ko. Tinanggal ko ang kamay niya na nasa braso ko at hinarap siya.

"Why?" Sabi niya.

"Alam ko na ang sinasabi mo." Sabi ko. Ngumisi naman siya ng nakakaloko

"Talaga? Ang bilis mo naman ata nalaman."Sabi niya.

"Ako pa ba?" Sabi ko.

"You know what." Sabi niya.

"Know what?" Umupo naman ako ng maayos at ganoon rin siya inakbayan naman niya ako.

"I'm happy that you are my wife, At alam mo bang hanggang ngayon ay iniisip ko parin na parang panaginip lang ang lahat na naging asawa kita at may dalawa tayong anak." Hindi ako nag salita bagkus ay tahimik lang akong nakikinig.

"At napakasaya ko na isang makatotohanan pala ang lahat, Thank you for giving me a child. I love you Lany Janely mahal kita hanggang saaking huling hininga." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Mahal rin kita Vince Wilson hanggang saaking rin huling hininga." Sabi ko. Sabay naman kaming napangiti humarap naman siya sakinz Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sakin kaya pumikit nalang ako.

"Mommy! Daddy!" Napahinto kami parehas ni Vince ng sumigaw bigla ang mga Anak namin.

Napadilat naman ako ng mata at bumungad sakin ang nakangiti at dismayadong mukha ni Vince. Agad ko siyang hinalikan pero smack lang. Bago ko siya nginitian at tumayo na saka lumapit sa mga anak ko at sumunod naman siya.

LANY JANELY'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon