CHAPTER 8 - She's Awake

57 4 0
                                    


"Daddy is mommy will gonna be awake?"

"Yes baby we will just wait her to wake up"

Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng isang paslit at isang boses lalake. Dahan-dahan ko namang iminulat ang mata ko at bumungad saakin ang puti.

Puti?

Nasa langit na ba ako? Ang aga ko naman ata namatay? Eh ang bata-bata ko pa hindi ko pa nga na achieve ang pangarap ko.

"Mommy!"

"Lany."

Napalingon ako sa gilid ko ng may dalawang boses na tumawag sakin. Bahagya naman akong napangiti. May naisip akong trip.

"Sino kayo?" Tanong ko at kinunot ang noo para talagang kapani-paniwala. Nakita ko namang napahinto silang dalawa.

"Mommy, hindi mo ba kami na tatandaan?" Utal na sabi ng anak ko. Aww ang cute naman ng baby ko.

"Lany, Wag kang mag biro." Matigas na sabi ni Vince.

"What? Do I know the two of you? Nasaan ang mommy at daddy ko? Pati narin mga kuya ko?" Tanong ko.

"Mommy." Sabi ni Alysha. Nakita ko namang malapit ng iiyak ang anak ko.

"Oips! Baby girl wag kanang umiyak, I'm just joking." Ani ko. Tuluyan na siyang umiyak saka tumakbo papalapit sakin. Aakyat na sana siya sa kama kaso hindi niya abot ang liit pa kasi eh. Tinulungan naman siya ni Vince na umakyat. Nang makaakyat siya ay niyakap naman niya ako bigla.

"Aray anak." Daing ko nang tamaan niya bigla ang sugat ko sa tiyan. Umalis naman siya.

"Sorry mommy." Paumanhin niya. Nginitian ko nalang siya ng bahagya.

"Butler jer. Call the doctor, my wife is awake."
Natigilan ako sa narinig ko. Parang may kumiliti sa tiyan ko ng marinig ko iyon.

Wag kang mag assume lany baka hindi ikaw ang tinutukoy niyang Wife...

Napalingon kaming tatlo sa pintoan ng pumasok ang isang lalakeng hot na gwapo– este doctor.

"Check her doc." Ani ni Vince.
Lumapit naman ang doctor sakin and checking something. Nang matapos siya ay nagsalita na siya.

"Her vitals was okay sir, And also she's fine, Kailangan niyo lang siyang painomin ng gamot para mabilis maalis ang kirot at sakit na nasa kaniyang tiyan, Ibibigay ko lang po sainyo mamaya ang gamot sir, I have to go." Ani niya kaya nagpasalamat muna kami bago siya umalis.

(I'm So sorry readers, Wala kasi akong alam sa mga doctor-doctor, But still, Basahin niyo nalang hehe)

"Why are you smiling?" Tanong niya. Napalingon naman ako sakaniya.

"Wala." Sabi ko.

He rolled his eyes at hindi na nag salita pa.
"Ilang araw ba akong tulog?" Tanong ko sakaniya.

"3 weeks." Maikling sabi niya. Nagulat naman ako 3?

"3 ang tagal ko naman atang tulog?" ani ko. Masyado na akong madaming na missed na projects and assignment for sure.

"Yeah"

"Siya nga pala asan na sina tiffany?" Tanong ko.

"They got kicked out. Frean is in the police station as of now." Sabi niya.

"Sino nag pahuli kay frean?" Tanong ko.

"Pinahuli ko siya dahil sa ginawa niya sa'yo. She attempted to murder you. She deserves to be in jail." Nakadama naman ako ng awa. I saw how her reaction became scared and panicked the day she stabbed me.

"Kawawa naman siya." Sabi ko. He raised his right eyebrow.

"Naawa ka pa sa taong muntik nang pumatay sayo?" Inis niyang tanong. Hindi na ako sumagot pa at tumingala nalang.
Nagkibit-balikat nalang ako.

"Baby girl?"

Napalingon ako sa pintoan ng bumukas iyon at pumasok sina kuya Lean.

"Kuya." Ani ko. Lumapit naman sila sakin na may dalang basket na naglalaman ng fruits at isang supot.

"Kamusta ka na?" Tanong ni kuya Dray at lumapit sakin.

"Okay naman po ako." Ani ko.

Napalingon naman sina Kuya Lean sa bata na nasa gilid ko.

"Ows! Ito ba iyong pamangkin namin Baby girl?" Tanong ni Kuya Axe. Tumango naman ako. Kinuha naman ni kuya si Alysha na nag pakarga naman.

"Kay cute mong bata ka!" Sabi ni kuya axe at kinurot ang pisngi ng anak ko. She giggled.

"Ikaw po ba ang tito ko?" Tanong ng anak ko. Ngumiti naman si kuya.

"Of course! Kiddo I am." Ani ni kuya.

"Yehey! I have a tito na!!" Sigaw niya.

"Amm here, Kumain ka na baby girl?" Sabi ni Kuya dray at lumapit ito sakin at inilapag sa hospital bedside table ang isang basket na may lamang fruits.

"Eh hindi ako makakain kuya eh." Sabi ko.

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Mahirap gumalaw baka matamaan ko ang tiyan ko." Sabi ko. At tumango lang siya.

Lean may tawag ka! Lean may tawa-----

Napalingon kami kay kuya Lean ng makarinig kami ng isang sigaw ng babae. Parang pamiliar ang boses? Mukhang kay ate Thalia ata iyon na boses. Girlfriend niya. Angas ng ringtone ah.

"Excuse me, for a while." sabi niya kaya tumango lang kami. Lumabas naman siya sa kwarto ko kaya kami nalang nila kuya Dray,Axe, Alysha at Vince ang naiwan.

"Sige na baby girl kain kana." Sabi ni kuya at binuksan ang supot at kinuha doon ang paper lunch box.

"Subuan mo ko kuya." Sabi ko at tumango lang siya. Binuksan na niya ang paper lunch box at kinuha ang plastic na kutsara at tinidor saka nilagyan ang kutsara ng kanin at ulam.

Isusubo na sana niya sakin iyon ng bigla nalang pumasok si kuya Lean at hinihingal ito na nag d-dilim ang mukha.

"Axe, Dray, We have a problem." Sabi ni kuya.
Nakita ko namang napa kunot ng noo sina kuya axe. Ako naman ay ginamit ang nag tataka kung mukha, nakita ko namang kalmado lang na nakatingin si Vince kina kuya.

"What is it? spill." Sabi ni kuya axe.

"Ang hide out natin natuntun na ng mga kalaban." sabi ni kuya Lean. Bigla namang sumeryoso ang mga mukha nila Kuya Axe at kuya dray.

Inilapag naman ni kuya dray ang kutsara at tinidor at si kuya axe naman ay tumayo rin at ibinigay kay Vince si alysha saka tumayo.

"Axe tawagan mo ang black org. Sabihin mo na kailangan sila sa hide out, now." Seryosong sabi ni kuya dray.

Lumingon naman sina kuya sakin at isa-isang lumapit na hinalikan ako sa noo at ganoon rin sa anak kung si alysha.

"Babalik lang kami baby girl may tatapusin lang kami." Sabi ni kuya Lean.

Tumingin naman sila kay Vince at nagkatitigan lang sila ng ilang sandali bago sila nagtanguan at lumabas na sila ng kwarto ko.

Hide out? Sa pagkakaalam ko ay mga bad guys! and mafia lang ang mga may Hide outs?
So na mention naman nina kuya bago lang na natuntun na daw ng mga kalaban ang kanilang hide outs? So meaning.

Mga mafia sina kuya?!!!!

LANY JANELY'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon