Maaga akong gumising at isang napakandang umaga ang bumungad sakin. Pero walang good sa morning ko ngayon dahil sa nangyari kahapon. Galit si Vince sakin dahil sa nangyari kahapon. Nag sisi tuloy ako kung bakit sinabi ko yun."Baby girl Gising na baka ma late ka pa sa klase mo." Boses iyon ni Kuya dray na nasa labas ng kwarto ko.
"Opo kuya." Tugon ko at dumeretso na sa banyo para maligo.
"Oh baby girl ba't ang tamlay mo?" Tanong ni kuya axe ng makarating ako sa kusina para kumain ng agahan.
"H-huh? Masakit lang ang ulo ko." palusot ko pa. Tinignan ko naman sila na nakatingin sakin at parang sinusuri kung nag sisinungaling ba ako o wala. Pero kinunotan ko lang sila ng noo.
Bigla nalang silang nag-iwas ng tingin."Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Tanong ni kuya dray.
"Medyo." Maikling tugon ko.
Tumango lang siya umupo agad ako sa tabi niya at nagsandok na ng kanin at ulam saka nag simulang kumain.
"Baks!"
Napalingon ako sa isang matinis na boses ng isang bakla na alam kung si Freon talaga iyon.
"Baks!" Sigaw ko rin at niyakap siya.
"Baks? Bakit ikaw lang? Nasaan sina mera at aleza?" Tanong ko ng humiwalay kami ng yakap.
"Hindi ko alam eh, Late daw silang papasok may gagawin daw sila." Sabi niya kaya nagkibit-balikat nalang ako saka kami nag simulang maglakad patungong classroom
Napahinto kami sa paglakad ng dumaan sa harap namin si Vince na karga-karga ang cute niyang anak na si Alyssa at nakapulupot na braso ni Tiffany kay Vince. Napa nguso ako ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Vince at the same time nasaktan.
"Baks okay lang yan na hindi ka pansinin ni Fafa vince, I got you girl mag b-boys hunting nalang tayo mamaya." Sabi niya at hinawakan ako sa braso at hinila na ako patungong classroom.
Matapos ang klase namin agad kaming lumabas ni Freon, mera at Aleza.
"Baks! San gala natin? Total wala naman na tayong klase mamayang hapon." Sabi ni Aleza.
Habang naglalakad kami pababa ng building.
"Sa ano nala--" Hindi ko na natuloy ang sa sabihin ng biglang sumingit si baklang freon.
"Did you forgot already? Baks? I told you mag b-boys hunting tayo?" Sabi niya pa.
Napatingin naman sakin bigla si Aleza at mera na nagtataka.
"Ano.." Parang umatras ata ang dila ko.
"Okay naiintindihan na namin ang dahilan so let's go?" Sabi pa ni aleza
"Let's go!!" sigaw ni mera at freon. Kaya napangiti naman ako at sabay-sabay kaming lumabas ng campus.
Nandito na kami ngayon sa Mall kung saan kami mag b-boys hunting raw kuno.
Wala naman na akong palag, gusto ko rin naman ito para naman malibang ako sa iba kesa puro sakaniya na alam ko namang hindi niya ako papansinin. Sa dinami daming lalaki sakaniya pa talaga ako nagkagusto at nag ka anak. Sa lalaking walang pake sa mundo.
"Gosh! Baks may gwapo." Mahinang tili ni Freon at pinag h-hampas-hampas niya pa ang mga likod namin kaya napalingon naman kami sa tinuro niyang lalake na naka upo lang sa gilid ng penshoppe shop at totoo nga gwapo nga ito. Pero mas gwapo parin si Vince. Vince?
"Ghad! Tumigil ka! Masakit!" Sigaw namin tatlo kaya napahinto naman siya at napanguso. Napailing nalang ako dahil sa pag nguso niya.
"Okay ganito ang set up." Napatango-tango kaming tatlo sa pinagsasabi ni Freon samin. Nang matapos kami sa usapang pang grupo ay tumayo na kami ng matuwid. Lakad matatag para saming apat.
Sa usapan namin kanina ay ako raw ang lalapit sa lalake at pasimple ko raw na i huhulog ang wallet ko sa harap niya at magpatuloy lang sa paglakad at pag katapos ay hahabulin niya raw ako at isauli ang wallet ko saka ko kukunin ang number at name niya dahil iyon ang sabi ni freon. Napabuntong hininga ako at nagsimula ng maglakad papalapit sakaniya.
Hindi naman niya ako napansin na papalapit sakaniya dahil nakatutok naman ito sakaniyang cellphone.
Nang malapit na ako ay pasimple ko ng kinuha ang wallet ko na nasa bulsa lang ng aking uniform. Agad kung hinulog iyon ng nasa harapan na niya ako at nagpatuloy na sa paglakad. Napapikit naman ako at nanalangin na sana ay maging successfull ako. Ayoko kasing mapahiya. Tapos what if pala snatcher iyong lalaki.
"Miss!"
Napahinto ako sa paglakad ng biglang may sumigaw. Naramdaman ko naman na may humawak bigla sa balikat ko kaya hinarap ko kung sino iyon at laking gulat ko ng iyong lalake pala kanina na first target namin nina Freon.
Napatitig naman ako sakaniya. He's handsome, his Angelic face. Ghad! Matutunaw na ata ako ng bigla niya akong titigan at ngumiti. Nakita ko namang itinaas niya ang kamay niya kaya tinignan ko iyon. Hawak na niya ngayon ang wallet ko na sinadya ko talagang ihulog iyon sa harapan niya.
"Is this yours?" He asked.
"Uhm yes." utal na sagot ko at napakamot sa ulo.
"Here." Sabi niya at inilahad sa harap ko ang wallet at kinuha ko naman iyon.
"Thank you." Sabi ko.
"Uhm matanong ko lang? Ano pala ang–"
"Leen Smith, And my number is 09*******"
"Ay hala wait! wag masyadong nag mamadali hindi kita ma habol." Tarantang sabi ko at kinuha ang cellphone sa bag. Tumawa naman siya ng mahina which is Ikinabagay sakaniya.
"Sige okay na." Sabi ko.
"Okay 09******"
"Okay salamat." Sabi ko at isinilid na ang phone sa bag.
"I like your attitude by the way your'e so cute." Walang prenong sabi niya. Bigla naman akong namula.
"Salamat. Ikaw rin." Sabi ko.
"Amm before we bid our goodbye to each other. amm can I kiss you?" Tanong niya. Nagulat naman ako. Agad agaran?
"Huh?" Natututop ko bigla ang bibig ko dahil sa gulat. Sure siya? Ang bilis naman ata hindi ko pa naman siya boyfriend.
Pero okay na siguro iyon nang sa ganon ay baka mawala ang pagkagusto ko o mawala sa utak ko si Vince at siya nalang ang maisip ko everyday. Total feeling ko naman na Single siya at hindi babaero.
"Sige." Biglang labas na salita galing sa bibig ko. Nakita ko pa siyang nag smirk bago dahan-dahang nilapit ang mukha niya sakin. Gosh! Swerte siya dahil siya ang pangalawang lalaking hahalik sakin.
Si Mr.Stranger. Baka ito na ang forever.
Habang papalapit ang mukha niya ay agad ko ng ipinikit ang mata ko.
Hanggang sa nakarinig nalang ako ng may bumagsak at ang paglapat ng isang napakalamabot na labi.
Ay! Ang lambot naman ang sarap pisilin ng labi niya. Narinig ko naman ang tilian nila Mera. Nang ilang segundo ay humiwalay na siya. Kaya idinilat ko naman na ang mata ko at ganun nalang ang pagka kaba at gulat ko ng bumungad sakin ang napaka seryoso na mukha ni Vince. Ewan kung namamalikmata ba ako o ano.
"She's Mine dude so Back off!" Matigas na sabi niya at nakatingin sa ibaba kaya napatingin naman ako doon. Si Leen yung gustong kunin ang halik ko ay nakahiga na sa sahig at hawak ang labi niyang may putok.
"Lee, pasensya ka na." Paumanhin ko sakaniya.
Ako nalang ang humingi ng sorry dahil sa ginawa ni Vince sakaniya.
Bigla naman niya akong hinila paalis sa lugar nayun.
BINABASA MO ANG
LANY JANELY'S DAUGHTER
Novela JuvenilLany is a 20 year old woman who got pregnant by Mr. Vince wilson. Nang dahil lang sa isang one night stand ay may na buo ng aksidente. Takot pa sa responsibilidad si lany at nangangailangan ito ng pera para may ipang opera sa puso ng kaniyang ama. I...