CHAPTER 5 - Interaction with him

56 6 0
                                    

L A N Y

"Vince let me go! Ano ba." Sigaw ko sakaniya at kanina pa ako panay bawi sa braso ko nahawak niya.

Nang makarating kami sa parking lot kung saan naka park ang kaniyang sasakyan ay binitawan na niya ang braso ko at tinignan ako with his cold stare. Geez. What is wrong with him?

"Ano sa tingin mo yung ginagawa mo ha? Wala namang ginawang masama yung tao ah? Tapos b-bug–bugin mo?" Madiin kung sabi.

"Are you noob? may balak siya sayo." Malamig pa sa yelo na ani niya.

"I don't care mas okay na nga siya na maging boyfriend ko eh." Sabi ko.

Pero sa kaloob-looban ko ay hindi ko talaga yun gusto maging boyfriend. I just want him to kiss me para kahit sandali ay ma alis sa isip ko si Vince. Hindi ko alam kong tama ba yung dahilan ko.

"Pwede ba 'wag ka nang magpapakita sakin. Hahanapin ka lang ng anak mo." Sabi ko.

"Anak natin." Pag tatama niya. Napairap naman ako.

"Oo na, anak natin. Pwede ba umalis ka na wag ka nang magpapakita sakin." Sabi ko. Bigla kung naitikom ang bibig ko dahil sa na sabi. Ako pa talaga ang may ganang magalit sakaniya na dapat ay siya?

"No your'e coming with me. Your daughter needs you." Malamig na sambit niya.

"What happened to her?" Tanong ko.

"She's Sick." Deretsang sabi niya. Kaya agad ko siyang hinampas.

"Ouch! What was that for?!"Inis na sabi niya.

"Ano ba?! tara na baka kailangan na ako ng anak ko!"Sigaw ko. Agad naman niyang pinatunog ang sasakyan kaya agad kung binuksan ang pintoan sa passenger seat at agad pumasok at nag seatbelt. Pumasok na din siya sa driver seat at nag seatbelt saka binuksan ang engine at pinaharurot na paalis.

"Baby girl are you okay?" Tanong ko sa anak kung napaka cute. Manang-mana sa daddy.

"I'm fine mommy nang dumating ka." Sabi niya. Kaya napangiti naman ako.

"Good."Ani ko at hinahaplos-haplos ang buhok niya. I can finally hold my daughter. Malaya ko na siyang mahahawakan at makakausap. I know I was stupid years ago for giving her to her grandmother exchange sa pera para may panggamot sa daddy ko. But I did what is right din naman dahil maayos ang buhay niya doon at alagang–alaga siya. Now that I am here and gince already knew about our daughter. I won't leave you again, alysha. Not again.

"Mommy." Tawag niya

"Hmm?"

"Dito po ba kayo matutulog?" tanong niya.

"Depende baby girl." Sabi ko.

"Okay mommy, but if pwede kang matulog dito, Sabihan mo lang ako mommy ha?" Ani niya.

"Okay then." Sabi ko. Patuloy kung hinahaplos ang buhok niya habang nakatitig dito.

"Matulog ka na." Ani ko at tumango lang siya saka ipinikit ang mata.

"Ay wait mommy, Can you sing for me?" Sabi niya.

"Oo naman." Agree ko pa. Buti nalang maganda boses ko kaya mapapatulog ko ito ng maaga.

"When I was young I'd listen to the radio." Alam kung hindi niya naiintindihan ang kinanta ko pero gura lang ako because I really love singing the old songs especially mga kanta ng the carpenters. It makes me feel so chill and relax.

Hindi pa nga ako nangangalahati ng kanta ay narinig ko na ang pag hilik ng anak ko. Napatawa nalang ako. Hinalikan ko muna siya sa noo at saka lumabas ng kwarto. Agad akong bumaba para tumungo ng kusina para uminom ng tubig nauuhaw kasi ako sa pag kanta ko kanina eh. Buti nalang nakarating ako ng maayos sa kusina nila. Hindi naman na ako maliligaw dahil nakabisado ko agad ang bahay niya kani-kanina lang. Malaki naman ang bahay niya as in malaki parang mansyon. Siguro mansyon na talaga to.

Kumuha naman ako ng baso at dumeretso sa ref at binuksan iyon saka kinuha ang petsel na may lamang tubig at sinalinan ang basong hawak ko saka ininom. Matapos akong uminom ay ibinalik ko naman kaagad ang petsel sa ref at inilagay ang basong ginamit ko sa lababo at lumabas na sa kusina.

I love you!

Napatingin ako sa bag ko na nasa couch ng living room. Agad kung kinuha ang bag ko at binuksan iyon saka kinuha ang cellphone sa loob. Agad kung inopen ang phone at bumungad sakin ang message ni kuya Dray.

From kuya Dray:

Baby girl? Asan ka na?

Napatingin ako sa itaas ng phone ko kung anong oras na. 7:30. Ang bilis naman ata ng oras.

Eh kanina lang ay nag b-boy hunting pa kaming apat nina freon tapos kay bago-bago ko palang na dating dito sa mansyon nila Vince.
Kumanta nga lang ako 7:30 agad ng gabi?

Kailangan ko na palang umuwi dahil baka magalit na sina kuya at mag alala ang o-oa pa naman nun.

I love you!

Napatingin naman ulit ako sa phone ko ng may mag pop out ulit. Ngayon naman ay si kuya Lean na ang nag text.

From kuya Lean:

Where are you? Tell me para masundo kita.

To kuya Lean:

Andito po ako sa bahay nila Vince kuya.

Ilang minuto palang ay tumunog na naman ang cellphone ko.

From kuya Lean:

Ay sige! Diyan ka nalang matulog ngayon bukas ka na umuwi, Gabi na kasi eh delikado na sa daan.

Sus! Palusot

Basta pag menention ko talaga si Vince ay nawala bigla ang pag ka Oa nila sakin. Masyado kasi silang boto sakaniya alam naman nila na crush ko si vince at the same time ay alam rin nila na may anak ako sakaniya, nung una nagalit sila at nagtampo sakin pero kalaunan ay tinanggap narin nila ang katotohanan na ganun na nga.

To kuya Lean:

Sige kuya alam ko naman eh na pag menetion ko si Vince ay yah know! Bye!

Agad ko ng pinatay ang cellphone ko at isinilid iyon sa bag. Pag tayo ko ay siya naman ang pag bukas ng pintoan sa entrance. Bumungad sakin ang mukha ni Vince na napaka seryoso. Napatingin naman siya sakin.

"Uuwi ka na?" Tanong niya.

Umiling naman ako.

"Hindi dito na raw ako matutulog dahil masyado na raw magabi sabi ng mga kuya ko."Sagot ko. Tumango lang siya saka aakyat na sana pero nagsalita ulit ako.

"Saan pala ako matutulog?" Tanong ko.

"In my room." Deretsang sabi niya kaya nagulat naman ako. Kwarto niya?

"Huh? Is that mean? Na tabi tayong matulog?" Utal kung tanong. Lumingon naman siya sakin.

"What's the matter? Bakit takot ka? Eh nag katabi naman na tayo once? Hindi nga lang tabi ang ginawa natin eh ginawa pa nga natin si Alysha nun." Sabi niya na ikinapula ko. Oo alam kung hindi na ito ang first time ko siya na makakatabi pero, hello? Iba kaya ang dulot ng mag tabi sa iisang kama kapag katabi mo ang mahal mo.

Hindi na ako sumagot kaya nauna na siyang umakyat at sumunod naman ako.

LANY JANELY'S DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon