Chapter 6: Concealed Truths
Miki
I was startled by the quick motion. Pero madali ring nakabawi nang makita kung sino iyon. She tugged me from the truck at kinaladkad ako patungo sa looban ng palengke kung saan mas matao.
Tuluyan nang nawala sa line of vision ko si Mrs. Ichida.
“Sandali,” akto kong babawiin ang kamay na hawak niya pero mas hinigpitan lamang nito ang hawak.
I gathered all my strength to stop her in place.
Natigil siya sa paglalakad nang hindi na ako sumasabay sa bilis ng lakad niya. I got an opportunity to grab my wrist.
“Anong nangyayari?” naninimbang kong tanong.
Rosalie looks lost.
Animo siya natauhan nang tanungin ko ‘yon.
“Wala… Kailangan na nating umuwi, Miki,” sagot niya.
Ngunit may iba akong nahihimigan sa boses niya.
“May hindi ka sinasabi sa’kin, Rosalie?”
She looks startled by my question.
Dalawang taon lamang ang tanda ni Rosalie sa akin. I can say that mas mature din akong mag-isip sa kaniya siguro dala na rin ng mga karanasan ko sa buhay pero mas masipag si Rosalie. Nasa elementarya pa lang ako noon nang ipuslit siya ng isa sa mga katulong ng mga Ichida sa mansyon, ang tiya niya. Matagal na panahon na rin nang umalis ang tiya niya at siya na lamang ang nanatili sa mansyon para manilbihan. Wala ng ibang pamilya si Rosalie. Wala rin siyang ibang mauuwian maliban sa mansyon ‘di tulad ng ibang mga katulong. Sa mga Ichida na umiikot ang buhay niya.
Gayunpaman, ang turing niya sa akin ay parang kapatid na. Kaya kung may mas nakakaalam man sa mga bagay-bagay tungkol sa kaniya, ay ako ‘yon.
“Si Liu…” pahiwatig ko.
Nanlaki ang mga mata niya. Pahisterya siyang umiling.“Ha? Anong tungkol sa kaniya?” sabi niya.
Totoo bang nawawala siya?
“Sige na, Rosalie.”
“Ha?”
Halata ang pagkalito at pangamba sa mukha niya.
“Umuwi ka na,” ani ko.
Ayokong madamay ka pa sa gulong ito.
Tumalikod at akmang aalis na ako nang magsalita siya.
“Hindi ka ba uuwi?”
I turned my head at her at ngumiti.
“Huwag kang mag-alala, may pupuntahan lang ako,” I waved my goodbye.
—
Sa likuran ng palengke na ako dumaan hindi dahil iniiwasan ko si Mrs. Ichida ngunit dito naman talaga ang punta ko. Matapos kong mamaalam kay Rosalie ay hinayaan na ako nito.
Baka nga nawawala si Liu.
Hindi ko pa alam kung totoo nga ba. Gusto ko munang ikumpirma ang mga bagay-bagay.Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nasaksihan kanina. Mrs. Ichida looks a lot more furious kanina nang mamataan ko siyang kasama ang mga tao niya.
Bakit siya nagpunta dito? Ano kayang inutos niya sa mga tauhan?
Pasikot-sikot ang daanan pero memoryado ko na iyon. Sa ilang taon kong pagliliwaliw dito sa bayan ay hindi ko kinakaligtaang bumisita pero na tigil rin simula nang araw na ‘yon.
BINABASA MO ANG
Gone in Goroth: a Paranormal Odyssey
Детектив / ТриллерMiki Ichida, an outcast who encountered many uncertainties in her life had her most notable encounter when her fate was tangled in these strange individuals. They are now in one group. Strangers to each other and hiding their own secrets to themselv...