Chapter 12: Pills for Euphoria

40 2 0
                                    

Chapter 12: Pills for Euphoria

Raja

Sinuot ko ang medical gloves at malalim na nagbuntong hininga. Tinulak ko ang pintuan at sinalubong ang mabahong amoy ng palikuran.

Sinuot ko ang mask.

Ang isang baldeng tubig ay maingat kong dinala papasok doon. Kinuha ‘ko ang brush, sabon, at bleach at nagsimula nang maglinis ng toilet bowls sa mga cubicles.

Malayo ito sa inaasahan ko nu’ng unang araw namin dito.

Pero ano nga bang maaasahan ko mula sa isang misteryosong Asylum na ito?

Sa unang araw namin dito ay nagpakilala kami bilang kasama ni Tobi. Nalaman na ng lahat na isang psychiatric nurse si Tobi. Ito ang unang kurso niya bago siya nag-aral ng AB English sa Gunoja University.

Matagal na naming alam ang koneksyon ni Tobi kay Erin at ang parteng ito sa kaniya. Alam din namin na admit dito sa Erin noon at dito sila nagkakilala. Pero isang malaking palaisipan pa rin ang pagkakapadpad ni Tobi dito sa Goroth Asylum.

“Simple lang… Dalhin mo kami sa hideout mo dito,” si Matt.

“Paano niyo nalaman ang bagay na ito?”

Ru shifted his weight, “I know things about Erin… for years. Alam kong tinutulungan mo siya.”

“Hmm, uh… I tailed you many times before.”

At si Ru…

Pakiramdam ko marami siyang tinatago sa amin. Kung ano man ‘yun, sana ay hindi nu’n maapektuhan ang misyon.

May kaniya-kaniya man kaming layunin sa pagpunta rito, hindi dapat ito maging dahilan para mabigo. Kailangan naming kayanin ito at mag tagumpay.

Hindi ako pwedeng pumalpak…

Ang misyong ‘to – kung tutuusin ay isa sa mga kinakatakutang misyon ng headquarters. Ilang agents na ang dumaan sa misyong ito at wala pang ni isang nagtagumpay. Ang sinundan naming gumawa ng misyong ito ay umuwi nang nawala sa katinuan, ang iba ay nagpakamatay.

Baliw lang ang kukuha ng misyong ito pagkatapos ng lahat ng iyon. Pero para sa akin… ito lang ang tanging kahulugan ng buhay ko.

Hindi ako pwedeng pumalpak.

Sa misyong ito, sarili ko lang ang sasalba sa akin, sarili ko lang ang mapagkakatiwalaan ko.

Pinagpapawisan na ako kaya nakapagpalit na ako ng spare uniform kanina. Ngayon ay ang sink naman ang nililinisan ko.

Bumukas ang pintuan at pumasok doon si Jack, isa sa mga nurses ng Asylum.

Nagkatinginan kami. Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin sa paglilinis. Nararamdaman ko ang lalim ng tingin niya.

“Tapos ka na?” lumapit ito sa akin.

“Malapit na,” malamig kong sagot.

Tumapat ang lalaki sa mismong likuran ko at ikinulong ako sa pamamagitan ng mga braso niyang nakapatong na ngayon sa magkabilang gilid ng sink.

Nag-angat ako ng tingin sa kaharap na salamin at sinalubong ang mga mata niya.

Sa ibang pagkakataon ay namumula ang mga mata niya o ‘di kaya ay naguumapaw sa sariling inhibisyon. Ngayon ay pilyong tingin lamang ang nakarehistro rito.

Aktong ilalapit na nito ang ibabang katawan sa aking likuran nang maunahan siya ng aking reflex.

Mabilis kong sinipa ang kaniyang kanang paa at umikot upang mapilipit ang kaniyang kanang braso.

Gone in Goroth: a Paranormal Odyssey Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon