Chapter 13: Who else is Missing
Raja
Paano napunta si Isto dito? Ang akala ko ba ay nasa unang palapag siya kasama nila Matthias?
Sira ang kaliwang parte ng salamin nito at tumatawa nang wala sa sarili.
Lalapitan ko na sana ito nang pigilan ako ni Tobi at mapako ako sa kinatatayuan.Umiingay na ngayon sa loob ng silid at maririnig sa buong silid ang tawanan ng mga pasyente.
Lahat sila.“Don’t worry. Duh! Nag a-acting lang ang isang ‘yan.”
“Huh? Dapat natin siyang pigilan sa pag-inom ng pill…”
“I mean hello? I found them before you. Binalaan ko na si Isto sa dapat gawin.”
Them? Anong ibig niyang sabihin?
Parang nabasa naman ni Tobi ang nasa isip ko nang sabihin niya ‘yon. Mas hininaan niya ang boses at nagsalita.
“Si Isto and that Ichida girl.”
Buong araw kaming pinag assist sa mga pasyente ni Head nurse Neri at ang nakakainis pa doon ay halata ang favoritism nito sa uh… boyfriend nitong si Tobias.
Trying hard ang lalaki sa pagpapanggap. Habang nagtatrabaho kami ay naka angkla lang ang kamay nito sa maskuladong braso ng Head nurse na buong araw kaming binantayan.
Naipaliwanag naman sa akin ni Tobi kung paano siya na-stuck sa sitwasyong ito. Sa totoo lang ay hindi pa rin ako naniniwala hanggang ngayon sa mga pinagsasabi niya.
May gusto daw sa kaniya ang Head nurse at sinakyan niya na rin ito para mapadali ang buhay niya dito sa Asylum. Kahit pa sinabi niyang wala siyang interes sa ibang kasarian.
Kahangalan.
“I can’t believe I became a boytoy of that manipulative and not-so-feminine bitch! Kadiri!”
“Promise mo sa akin hindi makakarating ito kay Ru my loves huhuhu…”
“But you should be grateful at least! We can share a decent room dahil sa akin!”
Andito kami ngayon sa kwarto niya. Supposedly ay sa nurses’ lounge ako matutulog ngayon kung saan iisang kwarto lang ang mga staffs and nurses at bed space lang ang nakalaan sa bawat-isa. Ngunit dahil nga may kapit si Tobi kay Head nurse Neri ay dito siya nito pinatuloy sa pang isahang kwarto kung saan ako pinatuloy ni Tobi.
Ordinaryong kwarto lang naman ito na may sariling cabinet, water dispenser, at banyo. Pero maayos na rin iyon.
Wala ring alam ang mga staffs at nurses na rito ako tumuloy ngayong gabi. Ang akala nila ay nasa nurses’ lounge ako ng unang palapag gaya ng sabi ko. Malabo naman nila itong malaman dahil hindi naman kataasan ang profile ko sa lugar na ito at wala rin masiyadong nakakakilala sa akin dito.
“Paano napadpad sina Miki at Isto dito?” kuryoso kong tanong binalewala ang paghuhubad niya ng pang itaas.
Maganda ang katawan niya. Napansin ko ring hindi na siya nag-aayos masiyado ng mukha at hindi na rin stylish dahil siguro sa role niya bilang boyfriend ng Head nurse kaya napilitan siyang panindigan muna. Isa pa hindi iyon angkop sa pagpapanggap namin bilang psychiatric nurse. O ako lang naman ang nagpapanggap dahil may degree naman si Tobi rito. Weird.
Nasabi na rin sa akin ni Tobi ang mensaheng ipinarating niya kina Miki. Magbibigay siya ng kopya ng litrato ng mg nawawalang estudyante. Gusto ko mang puntahan sina Miki Ichida at Isto ay hindi maaari at mahihirapan kami dahil naka admit sila sa secluded na mga silid. Kailangan naming mag-ingat.
BINABASA MO ANG
Gone in Goroth: a Paranormal Odyssey
Mystery / ThrillerMiki Ichida, an outcast who encountered many uncertainties in her life had her most notable encounter when her fate was tangled in these strange individuals. They are now in one group. Strangers to each other and hiding their own secrets to themselv...