Chapter 8: Strange Route
Miki
The rays of the sun coming from the window greets me in early morning and the sounds of rooster somewhere remind me of where I am. Kinusot ko ang mga mata at nakita ang naka arrange na mga unan at mga nakatuping kumot sa kamang hinihigaan.
Nang makitang nasa papag pa naman ang mga gamit namin ay kampante akong nasa baba lang ang mga kasama. Inayos ko muna ang sarili sa harap ng isang tukador at nang makuntento ay bumaba na.
"Kainis! Hindi naman tayo namatay pero tingnan niyo'ng ginawa niyo sa'kin."
"Naaksidente si Sheena dahil sa'yo! Sisingilin kita sa damage na ginawa mo. Tsk!"
"Magpasalamat ka na lang na buhay ka pa."
"Stop it Honesto and you, jerk! Nakakarindi na kayo."
Ang bangayan nina Matt at Isto ang bumungad sa akin sa hapagkainan. Patapos na silang mag-almusal. Bread and butter, samahan pa ng kape ang nasa lamesang hard wood.
Umupo ako sa tabi ni Gracie at tahimik na kumain.
"Mag-impake na kayo. Pagbalik nila Ru ay aalis na tayo." Si Quinn na tapos nang kumain at umakyat sa hagdan.
I still haven't forgot about what I'd eavesdrop kaninang madaling araw. Tama ba na malaman ko ang bagay na 'yon? They have some sort of connection between them. Erin and Ru. Naalala ko ang araw na nandoon din si Ru sa police station.
Kaya ba gano'n na lang ang pakikisali niya sa imbestigasyon? Sigurado akong matalik na magkaibigan sina Erin at Tobi. Tobi quite knew some things about her. Is it right if I ask them? I don't want to bring back the matter about her death though.
Those thoughts were bugging me earlier."Nasa'n pala sila?" tanong ko kay Matt na nasa katapat na upuan.
Pero nasapawan lang ang boses ko ng pagaaway nila ulit ni Isto.Raja is currently treating his bruises. Nahihirapan ito dahil sa mga galaw ni Matt sa tuwing pinapatulan si Isto. May black eye kasi ang isang mata nito at ang mga braso ay may pasa dahil sa pag-aaway nila kagabi. Nagrereklamo rin ito sa nalalagas na mga buhok.
"Kasama niya si Jiro na pumunta ng highway. Maghahanap daw sila ng tulong para maayos ang sasakyan." Si Gracie ang sumagot.
Tumayo ito at umakyat na rin sa hagdan.I ate bread with butter at nakuntento sa ininom na tubig.
Isang oras pa ang lumipas ay dumating na sila Jiro at Ru. Nakahanda na rin pati ang mga gamit nitong dala sa labas ng cabin. Ako ang huling nakapag ayos at pababa pa ng hagdan nang magpaalam na sila sa matanda at tiningnan kung kumpleto na ba ang mga gamit.
Nasa living area na ako ng cabin nang makuha ang atensyon ko ng mga picture frame na naka display sa dingding. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan ito kanina dahil pinagbabawalan kami ni Lola Siling na magtagal sa living area. Something which I find weird. Sinong tao ang magbabawal sa kaniyang mga panauhin na manatili sa living area?
Ngayon ay napaka klaro na ng mga larawan. Pawang mga litrato ito ni Erin noong bata pa kasama ang lolo nito. Mahilig itong mag camping at horse riding base sa mga litrato. Hindi na makakaila iyon dahil mukang mahilig si Senior Timotheo na maghunting at hiking - mga aktibidades na sa countryside, gaya ng lugar na ito, mo lang magagawa. Malayong-malayo sa buhay nito sa centro ng bayan.
And why do I see myself in her? I had not given so much attention on how she looks like when the police were investigating her case. Ngayon lang. Sa ibang mga anggulo ay nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. Her...smiling brilliantly, her sideways glace - a candid. I had not seen myself smile in pictures before in my school ID, but right now... This is absurd.
BINABASA MO ANG
Gone in Goroth: a Paranormal Odyssey
غموض / إثارةMiki Ichida, an outcast who encountered many uncertainties in her life had her most notable encounter when her fate was tangled in these strange individuals. They are now in one group. Strangers to each other and hiding their own secrets to themselv...