Chapter 7: Unforseen Collision
Matt
Ilang oras mula ngayon ay mag gagabi na. Ang panghapong araw na tanaw-tanaw ko mula rito sa police station ay papalubog na sa kanluran.
Nasa loob ng minivan na ang lahat at hinihintay na lamang ang huling pamamaalam ng isang kasama.
Sa pintuan ng istasyon ay nakatanaw ang Chief Inspector, hinahatid ng tingin ang nagiisang anak na lalaki.
Tumango lamang si Chief Inspector Blancho nang makalapit na nang tuluyan ang anak.
“Unang beses na pinayagan niya ang kaniyang unica hija na magsleep over,” ani Tobi sa maarteng boses at pumasok na sa loob.
Si Tobi ay anak ng kilalang batikang pulis ng Gunoja na si Chief Inspector Tobias Blancho Sr. Kung hindi pa dahil sa pamamaalam ni Quinn, panunuyo ko, at pagsisinungaling namin ay hindi pa ito papayagang magsleep over.
Walang alam ang Inspector sa kadilimang kakaharapin ng anak.
Ang iba, siyempre, ay ganoon din ang ipinamaalam sa magulang. Ang team naman ay wala nang kinikilalang pamilya maliban kay boss. Nagkikita pa rin sila ng lola niya sa pagkakaalam ko.
Being part of the headquarters means serving yourself by leaving your all behind. Our oath taking was not yet conducted pero wala pa man ay tinalikuran ko na ang lahat.
Sabi noon ni boss, kapag binitawan mo ang isang bagay nang mas maaga, mas maliit ang collateral damage. Ironic nga na sa kaniya nanggaling ang kasabihang ‘yan. Hay.
Magiliw akong nagsalute sa kay Chief Inspector Blancho bilang huling paalam ganoon din si Raja na nakasandal kanina lang sa van.
Pumasok na ito sa likuran at ako naman ay sa driver’s seat.
Lumingon muna ako sa mga kasama at pinaandar ang sasakyan.
“Driver, at your service!” nagsalute pa ako katulad ng ginawa ko kanina.Si Quinn ay nasa front seat na siyang mag g-guide sa daan, ang nasa ikalawang upuan ay sina Gracie at Tobi, sa pangatlo ay sina Raja, at Jiro. Habang sa likuran naman ay si boss at Ichida na napapagitnaan ni Isto. Kasulukuyan itong walang malay at nakagapos ng lubid.
Tch. Ang kumag plano pala kaming iwan sa ere dala itong minivan niyang kasing dilaw ng uniporme niya.
Hah. Malay namin baka isa ‘to sa mga pinundar niya mula sa school funds o na-carnap. Nagsayang pa ako ng enerhiya para patulugin siya.
Napatitig ako kay Ichida.
Nakatingin lang ito sa labas ng window shield at mukang malalim ang iniisip.Ganyan na siya kanina pa. Nagulat din si boss nang makita siya kanina dahil siya ang unang nakarating sa police station. Hindi siya pumasok sa paaralan kahapon at inasahan kasi ng lahat na tumalikod na siya sa napagkasunduan.
Ngayon ay tahimik lang ito.
“Sure na ba na si Matthias ang magd-drive? Aabot ba tayo sa Asylum niyan– Ayy!”
Napasipol ako habang minamaneho ang sasakyan sa isang kamay at muntik nang mabitawan ang manibela nang batukan ako ni Tobi.
Hahaha.
“Kung gusto mong magpakamatay, ‘wag mo kaming idamay, jerk!”
Miki
Tahimik akong nakasandal sa backrest at nakatitig sa labas.
Pinagmamasdan ko ang mga nadadaanan na establisyemento o maaring hindi. Hindi ako sigurado dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan at lumalalim na gabi. Pero sigurado akong hindi na ito sentro ng bayan dahil kakaunti na lamang ang establishments at maya-maya pa ay pawang kakahuyan na lamang ang natatanaw ko.
BINABASA MO ANG
Gone in Goroth: a Paranormal Odyssey
Mystery / ThrillerMiki Ichida, an outcast who encountered many uncertainties in her life had her most notable encounter when her fate was tangled in these strange individuals. They are now in one group. Strangers to each other and hiding their own secrets to themselv...