II

16 1 0
                                    

Heather's POV

"It's been a while...Heather..."

Ang boses na kailanman di ko akalain na maririnig ko ulit...

"Yeah...it's been a while..."sabi ko at walang emosyon siyang tinignan...

"Yup!I'll wait here Kier just text me if andito ka na"masiglang sabi ko habang nakaupo sa waiting shed dito sa malapit sa may Vectorino Farm na kung saan pamilya namin ang namamahala...

"Okay..."sabi niya at binaba na ang tawag, sabi kasi ni Kier magkita daw kami dito sa waiting shed sa labas ng farm at may sasabihin daw siya sakin bago siya pumunta somewhere.

Ngunit makaraan ang 5 oras ay wala pa rin siya, ngayon ay umuulan na at ako ay nakatingin na lang sa kawalan nag-iintay pa rin kahit alas-otso na ng gabi...Hindi naman sa inaasahan ko talagang hindi siya sisipot pero pakiramdam ko din naman na mangyayari ito dahil wala kaming pagkikita na di siya nahuli...

"Siguro isang oras pa kung wala talaga siya edi wala..."malungkot kong sabi habang nakatingin sa aking sapatos ngunit may mga narinig ako na nagtatawanan na mga lalaki at naglalakad patungo sa kung san ako nag-iintay...

"Uy!Pare mukhang may malungkot na binibini sa waiting shed oh!"sabi ng isang lalaki na pakiramdam ko ay lasing na at tinawanan diya ng mga kasama niya...

"Hi!Binibini!Bat ka nag-iisa dito sa dilim?"sabi niya at lumapit sakin at pumunta sa harap ko...

"May iniintay lang po ako..." mahinang sabi ko ngunit di ako tumingin sa kanya...pero hinarap niya ang mukha ko sa kanya at ngumisi...

"Ang isang binibining katulad mo ay dapat di na nag-iintay ng dis oras ng gabi dito tsk tsk..."sabi niya at hinawakan ang aking pisngi pero tinabig ko ang kamay niya at tumingin sa gilid ko.

"Aba matapang ang isang to!Hawakan niyo nga yan!"sabi niya ngunit bago pa nila ako mahawakan ay sinipa ko ang lalaki sa kanyang gitna at hinampas ko sa mukha ang lalaking humarang sakin...tumakbo ako ng mabilis papunta sa gate namin.

Ngunit nahila ako sa buhok ng isa pang lalaki at bumagsak ako sahig...kainis pede namang sa damit na lang ako hilahin sinabunutan pa ako.Hinawakan naman ng isang lakaki ang aking hita...

"BITAWAN MO KO!"sigaw ko at diniin ang kuko ko sa kamay niya na nakapagpatigil sa pagsabunot niya sakin at kinalmot ko ang nakahawak sa aking hita kaya tumakbo ako agad ng makaalis sa kanilang dalawa at balak pa sana akong dapain ng isang lalaki ngunit nakita ko agad yon kaya tumalon ako at hinampas siya ng bag ko.

Tumakbo ako papuntang gate namin ng mabilis habang may luha ng nagbabadyang tumulo sa aking mga mata. Hinampas ko ang gate ng malakas upang mabuksan iyon. At ng umilaw ang mga letrang nakakabit sa gate namin na VF ay dali dali akong sumigaw upang mabuksan agad ito...

"Naman oh!ang bagal kuya bilis!" sigaw ko ng makitang papalapit na sakin ang 3 lalaki at unti-unti namang nagbukas ang gate namin at napapaiyak na ko sa kaba at takot...Nang makapasok ay may nakita akong latigo sa may guard house at sinabihan ang guard na wag munang isara dahil kahit kabado ako sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon halo-halong galit at sakit...kaya naman kinuha ko ang latigo at pumunta sa harap ng gate at nakita ang tatlo na tulala marahil naisip na siguro nila kung sino ako...

"Pare!Vectorino pala ung babae malalagot tayo neto!"sigaw niya na natataranta at hinampas ko ang sahig ng latigo ko na nakapagpatakbo sa kanila...ang kaba,takot at sakit na nararamdaman ko ngayon ay napalitan ng walang emosyon na mukha ko...

My Heart and SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon