VI

14 0 0
                                    

Heather's POV


"Naiinis na talaga ako sa Paulina na yan onti na lang ipapaexpel ko yan dito.Kung hindi lang dean ang tatay niyan nako ipapatanggal ko talaga yan kay Dad...ang pangit na nga ng ugali panget pa mukha?! Ano bang nagustuhan ni Kier dyan?"angil na pagra-rant ni Melanie habang kami ay kumakain dito sa treehouse. May bago na naman kasing binully si Paulina kanina na babae buti nga napigilan siya ni Melanie bago pa iyon matuluyan ni Paulina.

"Ewan ko din eh..."sabi ko at nagkibit-balikat na lang dahil sa totoo lang hindi ko din alam kung anong nagustuhan ni Kier sa babaeng yon. Basta ang alam ko ay silang dalawa na.


"Balita ko sumali sa swimming si Kier ah?"sabi ni Melanie kaya napatango na lang ako. Ngayon pa naman ang start ng training nila at sa team ko pa talaga napunta ang lalaki na yon. Kapag pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana.


"Naku ah!pag ikaw talaga bumigay sa lalaki na yan sinasabi ko sayo Heather alam mo ang mangyayari..."seryosong sabi ni Melanie sakin.


"Melanie alam mong wala na akong nararamdaman kay Kier...matagal na yon at hindi na muling babalik yon..."sabi ko sa kanya at dumating naman si Coleen dala ang mga librong hiniram niya sa library.


"Aba!kala ko di ka na babalik eh ang tagal mo kala ko ba hihiram ka lang ng libro?" sabi ni Melanie kay Coleen na sobrang pula.


"Bat ang pula mo?ikaw ah sa library ka ba talaga pumunta?"nakangisi at nang-aasar na sabi ni Melanie at sinundot ang braso neto.


"H-hindi ah g-galing akong library..."nauutal na sabi ni Coleen at nilapag na ang gamit niya para kumain na rin. Pagkatapos naman non ay hindi na muling inasar ni Melanie si Coleen dahil may bago na naman itong ikinwento. Naalala ko na magkikita nga pala kami ni Kier mamaya at bigla na naman akong nakaramdam ng kirot sa aking puso. Tila ba'y sa tuwing maiisip ko si Kier at ang mga nangyari noon ay hindi mabura ang sakit na nararamdaman ko.


"Girl tara na!tulala ka na naman baka malate tayo!"sabi ni Melanie kaya tumayo naman na ako para makapunta sa klase namin.




"Alam mo hindi ko magets kung bakit tayo may Biology eh hindi naman tayo STEM students nakakaloka akala ko pa naman makakalusot na tayo sa hagupit ng siyensya jusko!"pagra-rant ni Melanie natawa tuloy ako. HIndi ko din gets kung bakit ganoon eh. ABM kami pero may biology pa rin kami.


Pagkaupo naman namin ay tumingin na lamang ako sa bintana at tumitig sa labas dahil hindi ko talaga kayang makinig sa lecture ngayon dahil naiisip ko lang ang mga pag-uusapan namin ni Kier mamaya...




"Since MS. VECTORINO is not listening she will answer my questions right?"galit na daing ng prof namin kaya napalingon ako. Wala namang emosyon akong tumayo.


"What are the four basic phases of Mitosis, Ms. Vectorino" nakataas na kilay na tanong ng prof samin. Ang sungit naman neto...


"Prophase, Metaphase, Anaphase and Telophas----" hindi pa ako tapos magsalita ay tinanong na naman niya ako...Tangina naman oh...

"What is a cell?" tanong na naman niya...nakakarami na to ah...


"The cell is a basic membrane-bound unit that contains the fundamental molecules of life and of which all living things are composed..." sabi ko sa kanya ng walang emosyon...

"You're smart Ms. Vectorino, you are one of the top students here in school but you're in a classroom so you should listen."paalala ng prof at tumango na lang ako at nag-sorry. Pakatapos ay umupo na at tumingin na lang ako sa harap ngunit hindi nakinig para lang kunware ay nakikinig ako. Lumilipad talaga ang isip ko...

My Heart and SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon