V

12 0 0
                                    

Heather's POV

"Girl try-outs daw today?"tanong ni Coleen sakin at tumango naman ako. Try-outs ngayon ng Swimming for Intrams and i-ttrain namin sila para naman may panlaban sila sa competition.Tho mahahati ang team na ito sa apat since may iba-ibang team ang handle ko ay ang Yellow Team which is Grade 11 and Third Year College.



"Pwede ba kaming manood?" nakangising tanong ni Melanie at umiling na lang ako dahil maraming tao mamaya sa pool kaya hindi rin sila makakanood pagkatapos din ng training namin ang try-outs kaya magiging busy din ako.



"Anong oras ba yung try-outs?" tanong naman ni Coleen.


"5 pm pero may training pa kami ng 1 pm so alis na din ako after nating kumain." Sabi ko sa kanila at tumango na lang sila. Ininom ko na din ang strawberry shake ko nang matapos ako kumain. Tumayo naman ako para magpaalam sa kanila.


"Bye Heather kitakits tomo!Gagawa muna kaming banner para bukas sa Basketball" sabi ni Melanie at tumayo na din sila at pumunta na ata ng room. Ako naman ay naglakad na papuntang pool dahil nakapagpalit na din ako ng swimsuit ko. Ngayon ay nakasuot ako ng black na one-piece dahil ung knee suit ko ay nagamit ko na noong isang araw kaya hindi ko muna ginamit at eto namang one-piece ay unif din namin sa team ngunit ako lang ang meron sa girls since mostly ay mga new members lang kaya hindi nila naabutan ang release netong suit na to. Nakadoble naman ako ng black cotton shorts at white na jersey shirt na may apelyido sa likod ko.

Pagdating ko sa pool ay andon na si Captain kaya sinalubong ko ito at binati.

"Hello Jake."tipid na bati ko at ngumiti na lang habang siya ay inaayos ang program ng try outs para mamaya at program ng training kaya nginitian niya na lang ako at sinabing magpalit na para makapag-start na din ng training.

Pagkatapos ng 3 oras ay natapos din kami sa training at naabutan kami ng mga magttry-out na nagttraining. Ako lang ang babae na nag-training ngayon dahil out of 10 girls ako lang ang umattend ng training ngayon since kahapon sila nagtraining at di ako nakapag training kahapon kaya bumawi ako ngayon.


"Grabe ang galing ni Heather noh?"sabi ng isang lalaki.


"Sus mas magaling ako dyan!"sigaw naman ng isang babae.

"Oh bat di ka varsity kung ganon?"singhal naman ng lalaki kanina. Umiling na lang ako at umakyat sa pool para mag-sprint si Captain ang kalaban ko sa sprint since halos parehas kami ng time sa lahat ng strokes. Kaya sabay kaming tumayo ni Captain at nagngitian.

"Matatalo mo na kaya ako Captain?"asar ko sa kanya.

"Kelan ba ako natalo?"ngumisi naman siya at parehas kaming tumayo sa diving board.

"Bagay talaga sila noh?"sabi ng isang babae.

"True grabe ang ganda ni Heather tapos ang pogi pa ni Jake."sabi naman ng isa pang babae.

Nahagip naman ng mata ko si Kier,Kurt at Vertley na papasok sa pool. Napataas tuloy ang kilay ko. Anong ginagawa ng tatlong ito dito?wag mo sabihing magttry-out sila. Alam kong marunong sila mag-swimming pero hindi ko inaakalang magttry out sila. The fuck?

"Heather 100m freestyle. You already know the target time okay?"sabay tapik ni Jake sa balikat ko at pumwesto na lang kami ni Jake para sa sprint nagcheer naman ang mga ka-team namin kaya napacheer na rin ang iba pang tao sa may pool.

"Okay!Jake and Heather timer starts now!" sigaw ni Coach at nag-dive na kami ni Jake at lumangoy na kami. At naramdaman ko namang nauuna ako kay Jake lalo na nang pabalik na kami sa starting line. Pagkaangat ko ay nasa may diving board naman si Coach at nakatingin kay Jake.


My Heart and SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon