III

13 0 0
                                    

Heather's POV

"Ano na namang eksena ni Kier?parang tanga ikaw pa sinisi kung di mo lang ako pinigilan pinag-untog ko na mga bungo nila..."singhal ni Melanie habang kumakain kami dito sa may treehouse sinama na rin namin si Coleen bago pala siyang lipat dito kaya siguro napagdiskitahan din ni Paulina kanina.

"Yaan mo na yon..."sinabi ko na lang para di niya na rin alalahanin masyado...

Nang pumatak ang alas-singko ng hapon ay lumabas na kami sa classroom at pumunta ng harap ng school para pumunta sa aming mga sundo...

"Bye Melanie!Bye Heather!Salamat sa tulong niyo!" masiglang pamamaalam ni Coleen sa amin ni Melanie at patakbo ng pumunta sa tricycle para siguro umuwi na rin.

"Oh siya Heather!mauuna na din ako... wala pa ba si Kuya Epoy?" tanong niya sakin...

"Idinaan lang daw si Heart sa bahay papunta na din yon dito..."sabi ko sa kanya.

"Sige!ingat ka ah bye bye!"sabi niya at tumakbo na sa kanilang sasakyan para umuwi. Habang ako ay umupo na lamang dito sa may hilera ng upuan sa may front gate para mag-intay ngunit may isang sasakyan ang tumigil sa harap ko...

"Why are you still here?"sabi niya pagkababa ng kanyang bintana...

"Nag-iintay..."sabi ko ng may makahulugang tingin sa kanya at may biglang dumating na sasakyan kung saan andon si Kuya Epoy kaya naman tumayo na lang ako at di na muling tinignan si Kier...

Mas maganda na to na di na kami nag-uusap ever since that happen laging nag-aalala sakin si Kuya Hunter and lagi din akong sinasamahan ni Kuya Epoy pag may lakad pag wala naman siya or pag malapit lang si Manang Felice naman ang kasama ko...though kaya ko naman sarili ko pero nag-aalala pa rin si Kuya at Papa sakin kaya eto laging may nakabuntot sakin at pinahanap din nila ang gumawa sakin non pero di ko na sila hinarap kaya hindi ko na din alam kung anong nangyari sa kanila...

"Mam uuwi na po ba tayo?may dadaanan ka pa po ba?"tanong ni Kuya Epoy

"Daan lang po tayo sa Cafe may bibilhin lang po ako"sabi ko at tumingin na lang sa labas at nakita kong umalis na din si Kier sa pinaghintuan niya kanina.

Pagdating naming Cafe ay halos lahat nakatingin sakin siguro nakikilala din nila ako pero di ko na lang sila pinansin... pumunta akong counter para mag-order ng isang box ng cookies dahil nag-ccrave na naman ako...pero nahagip ng mata ko ang dalawang nakaupo sa malapit sa bintana at si Paulina iyon tsaka si Kier. Napatingin naman si Kier sakin pero tinignan ko lang siya ng walang emosyon at bumaling na lang sa counter.

"Mam here's your cookies!thank you po" masiglang bati ng waitress sakin kaya kinuha ko na lang ito at taas-noong naglakad papalabas ng cafe para umuwi... Wala akong pake kung sila na ng Paulina na yon di ko kailangan ng lalaki sa buhay ko ngayon...

"Girl may game daw sila Kier ngayon ah!"sabi ni Coleen and yup isa na siya sa group namin ayokong saktan na naman siya ni Paulina na hindi ko namamalayan at na-divert naman ang atensyon neto kay Kier dahil ilang buwan na ring nagde-date ang dalawang iyon...

"Oo nga girl!tara punta tayo nood lang!" sabi naman ni Melanie kaya wala na rin akong nagawa kaya pumunta na lang kaming gym...Nang makarating kami ay narinig namin ang sigawan sa buong gym at nakakarindi ito sa sobrang lakas...I'm a fan of sports pero hindi basketball. I'm a swimmer and a Co-Captain of our team.

"3rd Quarter na pala tara upo tayo banda don"sabi ni Melanie at sumunod na lang kami tahimik naman akong nanood sa kanila habang si Kier ay napatingin sa direksyon namin kaya umiwas ako at tinignan ang upuan na tinuro ni Melanie at umupo doon.

My Heart and SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon