IV

11 0 0
                                    


Heather's POV


"GIRL!Bat di ka pa nagbibihis?diba ikaw daw ang naka-assign sa free hugs sa booth ngayon?" sigaw ni Melanie sakin at nilahad naman ni Coleen ung tubig sakin na pinabili ko sa kanila. Intrams na kasi ngayon at may booth kami ng cookies sa may canteen at ako ang naka-assign mag-free hugs for 4 days dahil nagkasakit si Rom na dapat nagbibigay ng free hugs sa booth namin at kailangan daw magpahinga for 4 days dahil nilalagnat at may ubo.




"Wala pa yung tubig eh inuuhaw ako eto na magpapalit na" sabi ko at pumunta ng restroom para magpalit. Im wearing a white sleeveless crop top na may cookie na print sa gitna at brown na pleated skirt na 5 inches above the knee meron naman akong cycling shorts sa ilalim kaya okay lang din at nilagay ko din ang cape ko na may cookie din sa likod para di ako masyadong expose pinagawa lang din kasi eto just in case na may gantong mangyayari. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko na hanggang baywang at tinali ito ng kalahati para medyo maaliwalas sa pakinggan nagbaba ako ng onting buhok sa harap para may onting bangs. Naglagay lang ako ng tint para di ako masyadong maputla dahil maputi ako. Sinuot ko naman ang black boots na ka-partner ng damit ko. Lumabas na ako at nakatingin sila halos lahat sakin pero di ko na lang sila tinignan at taas-noong pumunta sa room namin.


"Omg girl!hala ka ang ganda mo grabeee!" sabi ni Melanie at tumalon-talon pati na rin si Coleen.




"Oo nga ang ganda mo girl!tara na para makarampa ka na" tatawa- tawang asar ni Coleen sakin. Ngumiti na lang ako at kinuha ang phone ko para bumaba na at pumunta sa Canteen abala ang mga estudyante sa sari-sarili nilang booth at nang makarating naman kami ay halos lahat ay nakatingin sa direksyon namin habang papasok kami at nahagip ng mata ko ang booth namin at dumiretso na lang don.




"Nagmukha tayong alalay ni Madam Heather Coleen" tatawa-tawang sabi ni Melanie kay Coleen habang nakikipag-apir nakabihis din naman sila ng white long sleeves na fitted pero cropped at may print na cookie din sa gitna kapares naman neto ay black na pleated skirt na same length lang katulad ng sakin at naka boots din sila na color brown since sila ang mga nagbebenta ng cookies. Si Melanie ay naka-ponytail na hanggang likod ang haba at naka-lipgloss pa ang babae. Si Coleen naman ay straight ang buhok at naka-glasses at simpleng ayos lang pero bagay naman sa kanya.



"Heather tatawagin ka na lang namin kapag may magpapa-free hugs" sabi ni Kath na in-charge sa booth namin. Ako naman ay nakatambay lang sa gilid ng booth nang biglang umingay ang buong canteen at dumating sila Kier na mukhang kakagaling lang nila sa practice ng basketball. Tumingin naman siya sa direksyon namin ngunit binlock ng isang lalaki ang vision ko.



"Heather may pafree hugs ka pala ngayon ah!" sabi ni Jake at nagtawanan naman ang mga kasama neto tsaka bumili ng cookies. Tatawa-tawa namang binentahan ni Kath si Jake ng cookies.




"Heather hug daw sabi ni Jake" nakangising sabi ni Kath sakin tumango lang ako at bigla akong niyakap ni Jake tumawa na lang ako sa kanya, at nagkantyawan naman ang mga nakapaligid samin. Aalis na sana ako sa yakap ngunit hinigpitan pa ito ni Jake ng may marinig kaming lumagabog ay napahiwalay kami sa isa't-isa. Nakita naming nahulog ang bola ng basketball ni Kier at malamig na nakatitig sa direksyon namin. Tumingin na lang ako kay Jake at nagpasalamat. Marami din ang bumili samin at lahat sila niyakap ko. At ramdam na ramdam ko ang matalim na tingin ni Kier sa booth namin. Problema non? Nang matapos kami ay bigla kong nakita ang isang booth na parang walang customer at na-curious ako.



"Kath bat parang walang customer yung isang booth?" tanong ko kay Kath at bumaling naman eto sakin.



"Ah ung geek na lalaki kasi ang nagpapafree hugs sa kanila kaya wala masyadong customer syempre walang may trip don tapos lemonade lang tinda nila kaya ayon wala masyadong bumibili naiinis na nga si Esther eh kasi wala silang benta." kwento ni Kath.



My Heart and SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon