01

78 8 4
                                    


Sobrang bilis talaga ng oras, halos isang linggo na lang ay magpapasukan na ulit. Wala pa nga akong nagagawang matino ngayon bakasyon kundi magdrawing sa sketchpad tapos gagasumutin at itatapon sa basurahan dahil hindi ko nagustuhan.



Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama ko at nagtungo sa cr para maligo.



Mag-isa lang akong nakatira sa malaking bahay na ito. Si papa nasa Japan for business at halos ilang taon ko na din siyang hindi nakakasama. Pero binibisita naman ako ng tita ko twice a week para tingnan ako at maglinis ng bahay.



White shirt, black leather jacket, pants at boots- kadalasang suot ko at suot ko ngayon. Nagplano akong pumunta ng park para naman maaliw-aliw kahit papaano ang sarili ko.



Tinawagan ko na si kuya Homer, ang driver na kinuha ni Papa para sa akin. Second cousin niya daw ito kaya nagtitiwala siya doon. Hindi naman siya nagsstay sa bahay, tinatawagan ko lang tapos after 5-8 minutes nandiyan na siya.



"Tawagan ko na lang ulit kayo mamaya" sabi ko kay Kuya Homer bago bumaba ng kotse dahil nandito na kami ngayon sa park.

Hindi ko inantay na sumagot siya dahil alam kong 'oo sige' lang isasagot niya.



Pinagmasdan ko muna ang paligid na parang ngayon lang ako nakalabas sa lungga ko.

Maaliwalas, kakaunti lamang ang tao na namamasyal ngayon, siguro dahil hindi naman weekend. May mga bata na may hawak na malalaking lobo. Mga tindero't tindera ng sari-saring pagkain. May family na nagpipicture kung saan-saang parte ng park.

Madaming pwedeng tambayan dito sa park, sa benches, may playground din para sa nga bata o kahit sa medyo matanda, may two-paired-swings for everyone at madami pa.



Napabuntong hininga na lang ako, sana lahat kasama ang pamilya.



Pagkatapos kong maglibot-libot ay lumapit ako sa tindahan ng dirty ice cream para bumili.

Chocolate, cheese at cookies 'n cream ang flavors, "Isa pong walang cheese" sabi ko.

Inabot sa akin ni Manong ang malaking apa ng ice cream na may mataas na layers ng chocolates and cookies 'n cream.



Umupo ako sa isang swing.

Sakto ang lamig ng ice cream para sa panahon.



"Hayyy!" napalingon ako sa tabi ko. May lalaking umupo sa swing na katabi ko. Tiningnan ko naman ang kabilang paired ng swing at wala namang naka-upo doon.

"Ba't dito ka umupo?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. Deretso lang ang tingin niya at may hawak din na ice cream- pure cheese flavor.

"Bawal ba? Sa'yo ba 'to?" at nilingon niya ako.

Napatingin ako sa mata niya bago ako tumingin sa malayo.

"Wala namang tao sa kabila, ba't hindi ka doon?" tanong ko. Gusto ko ng kapayapaan kaya ako nagpunta ng park, para aliwin ang sarili ng mag-isa.

The Love I Never KnewWhere stories live. Discover now