07

18 3 0
                                    


Naglalakad ako papunta sa gymnasium ng school kung saan gaganapin ang awarding. Bakit? Syempre, nag e-mail sa akin ang school at nakapaskil lang naman sa malaking announcement board iyong drawing ko. Ibig sabihin, drawing ko ang napili at nanalo.



*phone ringing

Kinuha ko ang phone ko mula sa bag at tiningnan ang screen nito na may unknown-number na tumatawag. Agad kong nireject ang tawag at naglakad na muli.



*phone ringing

Napatigil na naman ako dahil nag-ring na naman ang phone na ngayon ay hawak ko na.

"Sino ka ba!?" agad kong saad.

"Kahit kailan talaga, Sadie?" nabosesan ko naman ang nagsalita na iyon.

"Saan mo naman nakuha ang number ko, Einjel?" tanong ko.

"Sa attendance sheet ni Ma'am hihi" sagot niya. Hindi na lang ako nagsalita at akmang papatayin ang tawag dahil wala ako sa mood makipag-usap, pero nagsalita pa siya-

"Hindi ba nanalo ka? Nasaan ka ngayon? Papunta akong school to support you, may kasama ka na ba?" sunod-sunod niyang tanong.

"Nasa school na at wala akong kasama" tamad kong sagot sa kanya.

"O sige, antayin mo ako, malapit na naman ako e. Bye" sabi ni Einjel at hinang-up na niya ang tawag.



Pumasok na ako sa loob ng gymnasium.

Wow, may pa-red carpet pa talaga sila. All I know is it's just a simple competition, pero bonggahan ang awarding ha, o baka naman, ganito talaga sila every time na may event.



Umupo ako sa bakanteng upuan sa kaliwang bahagi at doon na nag-antay na magsimula ang event. Kaunti lang ang nandito sa loob, teachers, students na may a-awardan, 'yung iba may kasamang parents, 'yung iba naman mga estudyante sadya dito na nanonood lang.




"Good afternoon, everyone" bati ni Ma'am na siyang nag-organize nang competitions.

"We're heading now to our awarding ceremony" dagdag pa niya at nagsimula na ang event. Madami pang sinabi si Ma'am tungkol sa mga nangyaring kompetisyon.



"Ang gagaling talaga ng students natin dito. So, before we start awarding, can you all give an applause to our students?" saad niya at sinimulan ang pagpalakpak. Nagsipalakpakan naman ang mga nanonood.

Nagsimula na ang awarding at inantay ko na lang na mabanggit ang pangalan ko.



"For our drawing competition, napakagaling ng kanyang obra" sabi ni Ma'am at pinalabas sa screen ang drawing ko. Woah, napatango na lang ako sa nakita.

"Champion of Drawing Competition, Sadie Garcia" narinig ko ang palakpakan mula sa mga nandito sa loob. Tumayo ako at lumakad sa red carpet. Syempre sinulit ko na din ang paglalakad dito habang nagtitinginan sa akin ang mga tao.



Sinabitan ako ng isang malaking medalya at binigyan ng isang certificate. Bahagya akong ngumiti para sa mga kumukuha ng litrato sa baba.

Pagkatapos kong makipagkamay sa mga guro at principal, bumaba na ako ng stage at naglakad muli sa red carpet, pabalik sa inuupuan ko.



"For our photo essay, 'yan napakaganda ng kanyang mga kuha at paliwanag..."

"...Champion for Photo Essay, Kye Arden"

The Love I Never KnewWhere stories live. Discover now