Lumipas ang ilang araw na kulong lang ulit ako sa bahay. Tinatamad lumabas dahil wala naman akong gagawin. Nagddrawing lang ako buong mag-hapon. Noong isang araw dumating si tita para bisitahin ako pero mabilis lang, inihatid niya lang sa bahay ang mga gagamitin ko para sa pasukan, like books and uniforms.9:10 AM, Monday. Opening of Classes.
Late na ako ng almost 10 minutes pero nandito pa din ako sa harap ng salamin. Tinititigan ang suot kong uniform- blue ribbon, white blouse na nakatuck-in sa blue pleated skirt, long black socks and black boots.
"Walang'ya, ba't naman ganito kaikli, Sadie Garcia!?" sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin. Hindi naman ako bago sa ganitong uniform, naninibago lang talaga ako sa ikli ng paldang suot ko.
Sinapo ng dalawang kamay ko ang sarili kong pagmumukha. Umiling-iling ako bago tuluyang umagwat sa salamin. Nagbuntong hininga ako bago sinimulang humakbang pababa ng hagdanan. Lumabas na ako ng gate ng bahay at nakita kong nandoon na ang sasakyan. Sumakay na ako at nagsimula nang magdrive si Kuya Homer.
"Helvien University" basa ko sa mga letrang nakalagay sa taas ng malaking entrance gate na ito. Nasa harap ako ngayon ng bago ko na namang school na papasukan.
Firts day of school, as usual nakakalat ang mga estudyante sa labas dahil wala pang masyadong gagawin. May mga nakatambay sa benches, sa hagdan, pati na sa hallways.
Poker face lang akong naglalakad papunta sa building ng school, madaming nakatingin sa akin siguro dahil nababaguhan sila sa pagmumukha ko dahil isa na namang akong transferee.
Umakyat ako ng second floor dahil room 202 ang klase ko ngayon. Walang takot na tumapat ako sa pintuan ng room kahit 30 minutes na akong late. Nakita ko namang wala pang teacher sa loob kaya pumasok na ako.
May isang lalaki naman na biglang humarang sa dadaanan ko. Tiningnan ko siya pero tutok ang atensyon niya sa cellphone na hawak.
Gumilid ako para makadaan pero sumunod siya. Mukhang sinasadya niya atang harangan ako.
Napatigil ako, "excuse me?" matangakad siya kaya medyo nakatingala akong nakatingin sa kanya. Tiningnan niya ako at tinaasan lang ng kilay.
"I said excuse me!?" inis kong sabi pero inilibot niya lang ang paningin sa paligid na parang hindi ako nakikita at naririnig.
Kaunti lang ang pasensya ko at nauubos na iyon ngayon. Walang ano-anong sinipa ko siya sa binti. Sorry nakaboots ako, medyo matigas ang sapatos na suot ko kaya naman napa-upo siya sa sakit.
"Aaargh!" angil niya.
"Pahara-hara!" sigaw ko sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad.
Nagtitinginan naman sa akin ang iba kong kaklase na nandito sa loob ng room.
Dumeretso ako sa dulong row para doon umupo. Ngunit bago pa ako makapunta doon, may biglang humila sa maikli kong buhok. Napa-atras naman ako dala nang pagkakahila sa akin. Galit kong nilingon kung sino ang walang hiyang may lakas ng loob na gawin sa akin iyon at sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na ako nakapagtimpi at nagsayang ng oras, sinunggaban ko siya at agad na sinabunutan hanggang sa matumba kami parehas sa sahig.