04

31 4 0
                                    


"... on the power of looove"

Nagising ako sa ingay ng videoke. Sino namang mag-vi-videoke dito sa village ng ganoon kalakas sa ganitong oras?



7:30 na ng gabi at naka-uniform pa din ako. Nagbihis muna ako ng pambahay bago bumaba ng hagdanan- "Tita!?" kaya pala ang lakas noong videoke, e si tita Dane pala iyon dito sa salas, walang'ya.

Pinahinaan niya ang volume bago nagsalita. "Gising ka na pala, kumain ka na may niluto na ako doon sa kusina" sabi niya at tinuloy ang pagkanta. Dahil kagigising ko lang, medyo masama pa ang mood ko. Lumapit ako sa kanya at pinatay ko ang tv. Sa wakas, tumahimik.

"Ano ka ba? Ang gand ganda ng kanta ko oh" reklamo ni tita.

"Ikaw talagang bata ka, matigas pa din ang ulo mo, may pagka-bastos ka pa din ha" dagdag pa niya. Binuksan niya ulit ang tv pero namood na lang siya ngayon.

Dalaga pa lang itong si tita, mataba siya pero maganda, may sarili siyang bahay at madami siyang alagang aso kaya noong sinabi ni Papa na magstay na lang siya dito, e hindi siya pumabor.

"Anong niluto mo?" nakaramdam na ako ng gutom.

"May adobo doon tsaka nagluto ako ng shanghai" sabi niya.

"Wow" dali-dali akong nagpunta sa kusina para kumuha ng pagkain. Ilang linggo din akong hindi nakatikim ng ganito dahil hindi pa ako ganoon marunong magluto. Nagpunta ako sa salas dala ang plato na puno ng pagkain.



"Oo nga pala, kamusta naman kayo ni Kye?" nabilaukan naman ako sa sinabi niya. Buti na lang inabutan niya agad ako ng tubig at ininom ko iyon.

"Ano namang tanong 'yan!? Sino namang Kye!?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Ah-" napatakip siya sa bibig na parang dapat hindi niya nasabi iyon. "Ano ka ba? Kumain ka na d'yan, gutom na gutom ka ata, oh oh" sabi niya na aktong susubuan pa ako ng ulam.

"Paano mo kilala si Kye?" may iba akong nararamdaman sa sinasabi niya. Parang may kinalaman ito noong nakilala ko si Kye sa park.

Parang nag-iisip pa siya kung sasabihin o hindi. "Ikaw kasi, nakita kita sa park with him, noong bakasyon pa" she said and she teased me. Napa-irap na lang ako.

"At park? Are you spying me?"

"No I'm not, napadaan lang din ako sa park noon tapos nakita kita so, I told that to your Papa"

"Walang'ya- tita ang issue mo, e hindi ko nga kilala 'yung tao!?" inirapan ko siya. "Paano mo naman nalaman ang pangalan niya!?" dagdag ko pa.

"Secreeet" sagot ni tita.

"I'll call Papa!" dinial ko ang number ni Papa habang tumatawa-tawa lang si tita dito sa tabi ko.



"Paaa!? Anong sinasabi ni tita na sinumbong niya ako sa'yo?" sigaw ko agad ng sagutin niya ang tawag.

"What? What are you talking Sadie?"

The Love I Never KnewWhere stories live. Discover now