03

46 6 7
                                    


Mag-12 na din ng tanghali nang matapos akong kumain. Desidido na talaga akong hindi pumasok sa klase. Nawalan na din ako ng gana.



Naghanap na lang ako ng pwedeng tambayan. Nag-ikot-ikot sa campus para maging familiar naman sa mga lugar dito. Maganda ang exterior design ng school, i like it. As a dreamer of becoming an Architect, masasabi ko na maganda ang pagkakadesign ng school na ito- exterior and interior.



Nagtungo na lang ako sa bench- may benches na malapit sa entrance gate at may benches din sa gilid at likod ng building. Doon ako sa likod nagpunta para walang masyadong makakita sa akin, baka sabihin nilang nagccutting ako, e totoo naman.



Kinuha ko na lang ang earphone ko at nakinig ng musics. I also grab my liner pen and my moleskin classic notebook na lagi kong dala wherever I go para kapag naboboring ako i just draw, sketch or design.



Pwede namang umuwi na kasi open gate naman ang school for students, ang kaso hindi pa ako masyadong familiar sa lugar na ito at hindi ko alam kung paano ang pagcommute, if papasundo naman ako kay kuya Homer kahit hindi pa labasan, isusumbong niya lang ako kay Papa. Kaya pinili ko na lang munang magstay, halos dalawang oras na lang din naman at maglabasan na.



Napapahikab na ako at inaantok, ilang page na din sa notebook ang nadrawingan ko- mga mukha ng anime, flowers, at mga simpleng sketch sketch lang.

Tiningnan ko ang phone ko at 1:55 PM na pala. Tinawagan ko na si kuya Homer para sunduin ako, mga 15-20 minutes din kasi ang byahe simula sa bahay niya papunta dito.



"Bitch!" may babaeng lumapit sa akin at kinuha ang notebook na nakapatong sa lap ko.

I hang up the call with kuya Homer at tinagtag ko ang earphone sa taenga ko para mas marinig kung ano man ang problema ng babaeng ito.

Nagbanat ako ng leeg bago tumingin sa kanya. Sinusubukan kong magtimpi, dahil baka masapak ko siya, sayang ang makinis niyang mukha. May concern pa din naman ako kahit papaano.

"Give me back my notebook" kalma at seryosong sabi ko.

"This?" itinaas niya ang notebook at akmang pupunitin ito.

"Give me back, don't lose my patience" mahinahon pa din ako. Pwede niya akong guluhin pero hindi ang notebook ko with full of my drawings. I stay calm at baka mapatay ko siya.

"You the bitch who hurt my Azi!" hindi ko siya nakita sa classroom kanina at alam kong hindi ko siya kaklase pero nakarating na agad sa kanya ang nangyari. Napakabilis ng chismis.

"Walang'ya" bahagya akong napatawa, "your Azi? pinagmamalaki mo na 'yon?"

"Yes, he's mine! So, leave Azi alone!" mataray niyang sabi at nilalaki-lakihan pa ako ng mata.

I gave her a fake smile, "hindi ko pa nga s'ya nakakasama, pinapalayo mo na ako sa kanya? Ano pa, 'pag kasama ko na siya? Baka bigyan mo pa ako free flight papuntang mars n'yan?" asar ko sa kanya.

Kita kong parang sasabog na siya sa inis. "Bitch! Azi will never ever go with you!"

"Yah, I will never ever go with him also. So, anong pinaglalaban mo?"

"Why did you hurt Azi, you deserve a sla-" tinaas niya ang kamay niya na akmang sasampalin ako pero may pumigil dito.

Umiling naman ako. Sayang, ako sana ang pipigil sa kanya tapos iikutin ko ang braso niya hanggang sa maging wiggles.

The Love I Never KnewWhere stories live. Discover now