06

14 3 0
                                    


Nasa cafeteria ako at mag-isang kumakain habang nag-iisip ng pwede kong gawin kay Azi.



"Huy!!" gulat sa akin ni Einjel. Agad ko naman siyang binigyan ng masamang tingin. Nasisira tuloy ang imahinasyon ko.

"Ahm- S-Sorry?" agad din niyang sambit. Hindi niya siguro inexpect na bibigyan ko siya ng ganoong tingin.

"Ano kasing iniisip mo? Mag-isa ka na nga lang tapos tulala ka pa?" tanong ni Einjel na medyo ikinagulat ko. Madalas na niya akong kausapin kahit minsan ay hindi ko siya pinapansin. Parang tinuring na talaga niya akong kaibigan niya.

"May plano kasi ako, pero hindi ko pa makita ng malinaw" i answered her question, looking for some idea that'll comes to her mouth- pero wala.

"Ha?" tanong niya na kina-iling ko na lang.

"Anong plano ba?" tanong niya uli.

Hindi ko muna sinagot ang tanong niya at inubos ko muna ang kinakain ko. Pagkatapos ay uminom na ako ng iced tea.

"Malapit ng mag-time, tara na" sabi niya at na hinawakan ako sa pulsuhan.

"Ayy!" napatigin kami parehas sa umirit na matanda sa gilid, nagpatak pala ang dala niyang maliit na tray na may lamang mga sili.

Inalis ko ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Einjel. Tumayo ako at tumulong sa pagpulot ng mga nagpatak na sili.

Habang pumupulot ay patago akong nagtabi ng ilang sili- siguro mga nasa anim o pito iyon.

"Salamat 'neng" sabi sa akin ng matanda- isa siya sa mga nagtitinda dito sa cafeteria.

Binigyan ko na lang siya ng bahagyang ngiti. Bumalik na ako sa table kung saan nandoon si Einjel. Kinuha ko ang iced tea ko, buti na lang madami-dami pa ang laman nito. Lumabas ako at sumunod naman si Einjel.



"Uy, uy, uy pasaan ka?" tanong niya.

"Sa likod ng building" sabi ko.

Sa likod ng building kung saan nagaganap ang mga kaguluhan.

"Anong gagawin mo do'n?"

"Basta" sabi ko na lang.



Kinulit ako nang kinulit ni Einjel kung anong gagawin ko hanggang sa makarating kami sa likod. Umupo ako at inilapag ang dala kong baso. Nilabas ko ang gunting sa bag ko at dahan-dahang pinagpuputol ang sili na nakuha ko kanina.

"Huy, 'yan ba 'yung plano na sinasabi ko kanina? Delikado 'yan! Anong gagawin mo d'yan? Iinumin mo ba? Magpapakamatay ka na?" praning na sabi niya. Walang'ya. Hindi ko naman inakalang ganito pala itong si Einjel.

"Lang'ya, kung tatapusin ko buhay ko hindi sa ganitong paraan" sagot ko sa kanya.

"Haaa, buti naman" para siyang nakahinga ng maluwag.

"E saan mo ba talaga 'yan gagamitin?"

"Ssshh andito na s'ya" pagpapatahinik ko sa kanya. Tumayo ako nang makitang pumasok si Azi sa kabilang dulo ng building.



Sabi ko na nga ba tatambay siya dito.

"Sino?" tanong ni Einjel na hindi ko na lang pinansin.
Nakita kong umupo si Azi sa isang bench na parang may inaantay.



The Love I Never KnewWhere stories live. Discover now