Nasa mall na kami ni Einjel para mag-foodtrip. Nagpunta kami sa isang fastfood dito at doon kami nagplanong kumain."Ikaw ha, pahawak hawak sa'yo si Kye?" agad na sambit ni Einjel nang maka-upo na kami. "Uhum, bagay din naman kayo, matangkad siya, maliit ka, gwapo naman siya tapos maganda ka, o 'di ba?"
Wala pa akong kinakain ay parang nabibilaukan na ako sa mga sinasabi niya. "Walang'ya ka, tumahan ka nga sa kahibangan mo" inirapan ko na lang siya. Napatawa na lang siya at nagtuloy sa pag-iisip ng mga bagay bagay.
"Teka, naka-order ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Ayy oo nga pala- wait ako na" sabi ni Einjel at kumuha ng wallet sa bag niya bago tumayo at pumunta sa counter.
Tiningnan ko na lang siya habang naglalakad doon. Hindi ko inisip na magkakaroon pa pala ako ng kaibigan. Hindi ko alam kung paano pero gumaan na lang din ang loob ko.
Simula noong namatay si Mama sa isang business trip, doon na nagbago ang buhay ko, parang nag-black-out na lang bigla ang makulay kong mundo. Naaksidente sila noon at hindi mamamatay si Mama kung hindi siya iniwan ng mga ka-trabaho niya na mag-isang humihingi ng tulong hanggang sa hindi na niya kinaya.
Simula noong araw na iyon, hindi ako lumalabas ng bahay, lagi lang akong nasa tabi ng coffin niya, binabantayan siya. Kahit noong tapos na siyang malibing, hindi pa din ako lumalabas ng bahay, lagi lang akong nasa kwarto, umiiyak at gumuguhit. Pakiramdam kong galit ako, galit ako sa mundo.
I was eight years old that time, and I obviously know what is happening. Mama died, Mama left, Mama will never come back.
Still, I am studying at a normal school, so I can't do anything but to wake up every morning and go to school. Meron na akong mga kaibigan noon pero dahil sa nangyari, hindi ko na sila kinausap at napagod na din sila na kausapin ako dahil hindi ko naman sila pinapansin.
Hanggang sa may mga umaaway na sa akin dahil lagi ko silang sinasamaan ng tingin, syempre hindi ako nagpatalo. Lumalaban ako hanggang sa nakasanayan ko nang makipag-away na kadalasan nga hindi alam ni Papa o ni tita Dane.
All I feel that time is I don't have any friend, I am all alone, I am longing for Mama's presence. I feel like I don't need anyone but her.
Pero kahit na ganoon ang naging epekto sa akin ng pagkwala niya, hindi naman nawala si Papa sa tabi ko. Si tita Dane naman ang halos na nag-alaga at nagpalaki sa akin, thankful ako dahil nagagawa niyang intindihin ang ugali na meron ako.
Akala ko hindi na ako iiwan ni Papa after witnessing what struggles I had when Mama died- but he left. I was thirteen years old when Papa left for business at simula noon hindi ko na siya nakasama hanggang ngayon; in any event, in any occasion, formal or informal, sa mga best day ng buhay ko wala siya- but I understand that at nasanay na lang din ako na mag-isa.
Perhaps I born alone, so I will live alone; siguro iyon ang kasabihan ng buhay na meron ako.
"Akin na lang nga itong chicken mo" nabalik ako sa reyalidad nang makitang kinukuha ni Einjel ang chicken na nasa plato ko. Agad kong tinapik ang kamay niya.
"Ah- Aray! Ikaw kasi kanina ka pang tulala d'yan" sabi ni Einjel. Iiyak pa sana ako sa mga iniisip ko pero mas iiyak ako kapag wala na akong chicken na kakainin. Hay, kumain na lang din ako. Nagutom din ako sa byahe.
"Alam mo, natatakot ako sa'yo sa ginawa mo noon kay Azi" biglang nagsalita si Einjel. Ang daldal talaga nitong babae na ito pero takot naman sa bullies.