Thea's POV
I was holding the color red medal of mine with the oval figure of Mary. This medal signified to my rank as Junior in the organization named Children of Mary Immaculate.
"This will be the last time that I will wear you," I whispered and placed the medal on my uniform that I wore as servant. It was a full white long sleeve dress with a belt on it.
"Nak! Tapos ka na ba?" Mama called from downstairs. We were both preparing for the induction of the members in COMI and I was one of them.
"Magtatali nalang po ng buhok, Mama," I answered. Like what I've said, I made my below the chest wavy hair into bun and used a hairnet to cover it.
Bawal kasi nakalugay ang buhok at may bangs sa org namin kaya kailangan namin mag-ipit ng buhok. Pagkatapos ay nagpolbo na ako at naglagay ng konting lipbalm saka na rin nagpabango.
Bumaba ako mula sa kwarto tapos ay nagmadali na rin kami lumabas papunta sa sasakyan.
"Nak, malapit ka na mag-full pledged. Wag na wag kang gagawa ng ikagagalit ko ah," paalala ni Mama nang makapasok kami ng sasakyan.
Tumango naman ako. Mama was known to be a great servant in our church. Halos twenty years na siya nagse-serve sa OLGP kaya kilala na siya ng mga tao doon. 'Di maikakaila na dahil sa kanya kaya eto ako ngayon, committed din sa pagseserbisyo.
Pagkadating namin sa church ay nakita kong nag-aayos na ang mga kasama kong leader ng org. Humiwalay ako kay Mama nang makarating kami sa loob at saka dumiretso sa pwesto namin para tulungan ang mga kasama ko.
Friday ngayon kaya walang masyadong tao sa simbahan. Kami lang ang may event kaya kailangan kami rin ang mag-aayos ng gagamitin namin. May iilan din na Altar Servers para tulungan ang pari mamaya.
Habang nag-aayos kami ng certificates at medals, nakita ko na palapit ang dalawa kong best friends. Si Kath at Loreen.
Si Kath ay isang Junior LecCom kung saan isa siya sa mga nagbabasa tuwing misa. Si Loreen naman ay isang Junior Choir.
Ten years old ako nang pinapunta ako ni Mama sa meeting ng COMI. Walang meeting ang pinalampas ko hanggang sa maging official member ng org. Nagtuloy-tuloy 'yun hanggang sa makilala ko ang dalawang matalik ko na kaibigan.
"Thea! Congrats!" Bati ni Kath.
"Wala pa nga eh," sagot ko saka natawa nang konti.
"Aysus! Gan'on din yun. Aspirants na rank mo nyan diba?" Tanong niya.
Tumango lang ako sa kanya at saka pinansin itong nanahimik naming best friend.
"Hoy, Loreen! Napano ka dyan?" Tanong ko.
"Wala. Congrats pala," nahihiyang sagot niya saka ngumiti sa akin.
"Salamat. Osya, may gagawin pa kami. Maya nalang," paalam ko sa kanila. Tumango naman sila saka umalis na rin.
Within the seven years after I became a servant, mas naging bukas ang isip ko sa mundo ng simbahan. Bukod do'n, nagkaroon pa ako ng mga kaibigan na tinuturing ko na rin na kapatid.
Sa loob din ng pitong taon, malaki na ang naging parte ng simbahan sa buhay ko kaya mas lalo akong napalapit kay Lord.
"Althea Marie Lopez," tawag sa 'kin ng head namin.
'Di ko namalayan na nagsisimula na pala ang ceremony. Nasa harapan na ako ng altar at isusuot na ni mama ang kulay green na medal sa damit ko.
Green symbolized as Aspirants. The third rank as a committed member of the organization. One more to go, I would be one of the Full Pledged members which was I dreamed of the most.
BINABASA MO ANG
Amidst of Service (Completed)
Teen FictionCHURCH TRILOGY #1 Althea is a servant leader of their church for ten years. Mula pagkabata ang simbahan na ang naging kasama niya sa kanyang childhood memories. Hindi na rin niya mabilang ang mga responsibilidad at mga rules na kaniyang sinusunod. S...