CHAPTER 12: Misa De Gallo

124 15 0
                                    

Thea's POV

I never realized that I would be falling this hard with the man that I really loved.

I've never thought I would become so happy with him. Throughout my existence, this was my very first time to feel this way.

Pagkatapos namin pumunta sa Banal na Bundok ay nagstay muna kami sa kanila. Mga hapon na ako nakauwi sa amin.

Nagulat naman ako nang makita ko si Mama sa sala at mukhang naghihintay na dumating ako.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Bigla po kasi nagyaya si Kath sa Mall, Ma," natatakot na sagot ko.

"Siguraduhin mo ah, Thea. Kapag nalaman ko na may ginagawa ka na hindi ko magugustuhan alam mo ang kahihinatnan mo."

Nakahinga naman ako nang maluwag nang tumayo siya at pumunta sa taas. Umakyat na ako sa taas at nagbihis. Pagkatapos ay nahiga ako sa kama at inisip ang sinabi ni Mama.

Maya maya ay naramdaman ko ang vibration ng phone ko. Pagkabukas ko ay message niya agad ang nakita ko.

Kyle: Nakauwi kana, Mahal? Pahinga ka ah. Labyu.

Napangiti na lang ako at saka siya nireplayan. Pagkasent ko ng message ay binuksan ko naman ang computer at camera ko. Binuksan ko ang website ko at saka nagpost ng pictures at journal. Nakakatuwa dahil may mga nagbabasa naman kahit papaano.

After non ay nagprint ako ng pictures namin ni Kyle at nilagay sa photo album. Gusto ko kasi i-treasure lahat ng memories namin ni Kyle. Gabi na nang matapos ako kaya nag dinner na ako after non at saka nagpahinga.

*****

Lumipas naman ang mga araw at nagsimula na rin ang Simbang Gabi. Araw-araw kami pumupunta sa simbahan para mag-practice at maglinis para kada gabi ay malinis ang simbahan.

Dahil araw-araw na nasa simbahan ako ay araw-araw rin kami nagkikita ni Kyle. Kahit madalang kami mag-usap kapag nasa simbahan ay okay lang. Masaya naman ako na nakikita lang siya palagi.

Linapitan ko naman ang dalawa kong kaibigan ngayon na nagpapahinga dahil busy din sila sa practice.

"Oh Girls! Kumusta practice?" Tapos ay umupo ako sa gitna nila.

"Hay nako! Basic!" ani Kath.

"Kinakabahan ako, Thea. May solo ako sa kanta mamaya," nag-aalalang sabi ni Loreen.

Tiningnan ko naman siya at ngumiti. "Ano ka ba, Loreen! Kayang kaya mo yan! Ikaw pa," I cheered her up.

Alam kong mae-execute niya nang maayos ang kakantahin niya mamaya. Napansin ko naman na tulala si Kath.

"Hoy! Babae! Napano ka dyan? Para kang nakakita ng buhay na santo ah," pang-aasar ko.

"Girls! 'Di niyo ba natatandaan 'yon?" Turo niya sa lalaking nakablack polo nasa itaas ng altar. Mukhang ka-edad namin na seminarista.

"Hindi," sabay namin na sagot ni Loreen.

Nakanga-nga siya ngayon na tinititigan ang lalaki.

"S-Siya yung seminarista do'n sa seminaryo na pinuntahan natin!" Nanginginig na saad niya.

"Sino do'n?! Ang dami kaya nila Kath!"

Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Gaga! Yung crush ko na seminarista 'yan, girl!" Pagtatanggol niya sa sarili niya.

"Gwapong-gwapo ka ah! Nagawa mo pa magmura sa loob ng simbahan," pang-aasar ko.

"Kayanin mo kaya magsalita mamaya nyan?" Dagdag na asar ni Loreen.

Amidst of Service (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon