EPILOGUE

206 17 0
                                    

Kyle's POV

Hindi pa rin maalis ang gulat sa mga mata ni Thea nang makita niya ang kanyang ina.

"A-Ano ginagawa niyo rito?" May bakas na kaba ang kanyang tanong.

Ang mga tao sa paligid namin ay tila nag-aabang din ng susunod na mangyayari. Lumingon muli si Thea sa akin.

"Bakit nandito siya?!" Pagtataas niya ng boses na may halong inis at kaba.

"Pinapunta ko siya, Thea," maikling sagot ko habang ang mga mata niya ay nakatitig sa akin at tila kinukwestyon ang aking ginawa.

"Bakit? Nag-uusap kayo?! Kailan pa?"

Napansin ko naman ang kalungkutan na lumabas sa mukha ng Mama niya. Matagal ko na 'tong pinagdesisyonan kaya kailangan ko 'tong solusyunan.

"A-Anak, 'di ako nagpunta rito para manggulo," malumanay na sabi ni Mrs. Lopez.

"Kyle!!" Reklamo ni Thea sa akin.

"Kinausap ako ni Kyle noong nakaraang linggo, Thea. Sinabi niya ang lahat sa akin," nanginginig na saad ng Mama niya.

Unti-unti siyang lumapit kay Thea at saka niya hinawakan ang dalawang kamay nito. 'Di naman makatingin nang maayos si Thea sa kanyang ina.

Bakas sa mukha ni Mrs. Lopez na pinipigilan nitong umiyak. Tama lang siguro na magkaharap sila dahil ngayon lang ulit sila nagkita simula nang bumalik si Thea.

"Anak...'Di ko a-alam na gano'n na pala ang naging tingin mo sa a-akin. Napakasama ko na palang ina sa p-paningin mo," naiiyak na sabi ni Mrs. Lopez.

Pinagigitnaan ko silang dalawa habang si Thea ay nanatili lang na nakayuko at 'di magawang masilayan ang kanyang ina.

Tuloy-tuloy na bumuhos ang mga luha ni Mrz. Lopez. "Ang t-tanging hangad ko lang naman noon ay maging m-maayos ang buhay mo."

Tuluyan nang humarap si Thea sa nanay niya. Ang mga mata niya ngayon ay namumula na at tila punong-puno ito ng galit.

"Impyerno ang naranasan ko, M-Mama."

"Alam ko," naiiyak na sabi ng Mama niya.

"Buong buhay ko ikaw lang ang sinusunod ko! Pero nang dumating si Kyle sa akin natutunan kong sundin ang sarili ko tapos..." tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

Lumapit ako at saka inakbayan siya. Tahimik lang ako nakikinig sa kanila. Ayokong makialam pero gusto kong manatili sa tabi nilang dalawa.

"Tapos pati 'yon, Ma! Pati 'yon nagawa niyong kunin sa akin! Si Kyle at ang buong pagkatao ko nawala sa akin!" Ang boses niya ay punong-puno ng sakit at galit.

Sa kabilang banda naman ay patuloy pa rin na lumuluha ang kanyang ina. Pinapakinggan niya ang bawat hinanakit ng kanyang anak.

"A-Alam ko. Kaya nga nandito ako sa harapan niyo para humingi ng t-tawad..." patuloy na humahagulgol si Mrs. Lopez sa harap ni Thea.

Habang ako ay nandito sa tabi ni Thea at pinapatahan siya. Maya-maya ay lumapit si Mama kay Mrs. Lopez para samahan siya.

"Sana h-hindi pa huli ang lahat para para patawarin mo ako, Thea. Hayaan mong makabawi si Mama sa 'yo. I'm s-sorry, anak ko."

Hindi naman napigilan ni Mrs. Lopez na mas lalong lapitan si Thea at saka niya ito niyakap habang patuloy silang nagsasalo sa mga luha na bumuhos sa kanilang mata.

Mahirap para kay Thea na gawin 'to kaya ako na ang nagkusa na makapag-usap sila. Alam ko na dapat ay nagsasaya kami ngayon pero mas pinili ko na ganito ang mangyari. I wanted her to be heal. Her wounds must be healed.

Amidst of Service (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon