CHAPTER 17: Greatest Sin

132 15 0
                                    

Kyle's POV

"What?! Are breaking up with me?! Why?" Gulong-gulo na tanong ko.

These past few weeks, Thea acting so weird. Kitang-kita sa mga mata niya yung lungkot pero 'di ko naman alam kung ano ang nangyari.

Sinusubukan ko na pasayahin siya sa bawat araw na magkasama kami dahil gusto kong siya mismo ang magsabi sa akin kung ano bang problema pero wala akong narinig mula sa kanya.

Tapos ngayon, nandito ako sa harapan niya habang sinusubukan siyang isayaw ulit sa gitna ng malungkot na musika.

Ang mata niya ay lumuluha na parang nilalabas ang lahat ng sakit na dinadala niya. 'Di ko maintindihan kung bakit.

"Thea! Tell me! Are you joking, right?"

Pinunasan niya ulit ang kanyang mga luha. "No, Kyle. I'm not. So please
Stay away from me!"

Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang mga kamay mula sa aking balikat. Inalis ko rin ang mga ko sa bewang niya para abutin at hawakan ang mga kamay niya.

"Hindi. Hindi kita iiwan. Nangako ako. Nangako ako na hindi kita iiwan, Thea."

"Kyle! Tama na! 'Di ako para sa 'yo. Kaya ngayon pa lang tapusin na natin 'to!"

Muling bumuhos ang mga luha niya. Luhang punong-puno ng sakit at kalungkutan. Tinanggal niya ang mga hawak ko sa kanyang kamay at saka mabilis na tumakbo paalis sa eksena kung saan siya dapat ang bida.

Nanatiling naka-awang ang aking mga labi at 'di mawari kung ano ang gagawin. Parang tinutusok ng mga tinik ng rosas ang aking puso.

"Kyle! Habulin mo!" Sigaw ni Kath sa akin mula sa kanyang kinauupuan.

Bigla naman akong nabuhayan ng sabihin 'yon ni Kath. Nagmadali akong tumakbo para habulin. Tama. Hahabulin ko na naman siya.

Mabilis akong tumakbo para makalabas ng function hall at para hanapin siya. Parang 'di ko na yata kakayanin na mawala pa siya sa akin ngayon.

Nilinga-linga ko ang paligid nang makalabas ako. Nagsimula naman magwala ang langit. Nakita ko ang mabilis na pagkidlat at sinabayan pa ito nang malakas na kulog.

Mi Amore.

Nagsimula na akong ikutin ang paligid para hanapin siya.

"Thea!" Malakas na sigaw ko.

Ang mga mata ko ay 'di mapakali sa paghahanap sa kanya.

"Thea! Wag naman ganito!" Nagmamakaawang sigaw ko.

Unti-unti ko nang naramdaman ang sakit. Ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan ay malapit nang bumuhos katulad nang pagbuhos ng ulan mula sa langit.

Biglang tumigil ang mga mata ko sa paghahanap nang makita ko ang isang babaeng naglalakad na parang bangkay sa madilim na sulok papunta sa maliit na simbahan na nakatayo malapit sa function hall.

Mi Amore.

Tuluyan nang bumuhos ang mga patak ng ulan nang mabilis akong tumakbo patungo sa babaeng mahal ko.

"Thea!" Muling tawag ko.

Pero hindi siya lumingon. Nagpatuloy siya sa paglalakad kahit unti-unti nang lumalakas ang buhos ng ulan.

Hinakawan ko ang braso niya nang makalapit ako sa kanya. Parehas kaming basa. Parehas kaming sawi pero gagawin ko ang lahat makabalik lang siyang muli.

'Di ko tinanggal ang kamay ko sa braso niya. "Thea! Mag-usap tayo. Pag-usapan natin 'to. Balik na tayo do'n," pagmamakaawa ko.

Dahan-dahan naman siyang humarap sa akin kaakibat ang pagtaas ng kanyang kamay. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay niya nang ibaba niya iyon. 'Di naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong namanhid sa ginawa niya.

"Tama na! 'Di ka ba makaintindi?!" Malakas na sigaw niya.

Nagsimula naman sumabay ang pagpatak ng aking mga luha sa bawat buhos ng ulan. Mas ramdam ko pa ang sakit ng puso ko kaysa sa sakit ng sampal niya.

"Ano bang ginawa ko?!"

"Umalis ka na! Iwan mo na ako!" Humihikbing sigaw niya.

"Thea!" Pagmakakaawa ko sa kanya habang sinusubukan hawakan ang kamay niya.

"P-please iwan mo na ako! A-ayoko na! 'Di na kita kailangan sa b-buhay ko!" Nanginginig at umiiyak na sigaw niya habang tinataboy ang aking kamay.

Nanatili lang kaming nakatayo sa gitna nang malakas na ulan habang parehas na sumasabay ang aming mga luha sa pagbuhos nito.

"Hinding-hindi tayo magiging para sa isa't isa, Kyle! Kahit anong pilit natin masasaktan at masasaktan lang tayo!"

Unti-unting nadudurog ang puso ko sa mga sinasabi niya at hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng luha ko.

"Wala akong pakialam! Ipaglalaban kita! Kung iniisip mo yung rule ng church, pwes! Handa ako umalis sa pagiging Altar Server para sa 'yo!"

Muli na naman lumipad ang palad niya sa mukha ko. 'Di ko na maramdaman yung sakit. Mas ramdam ko yung sakit ng puso ko.

"Gago ka ba?! Wag na wag mong gagawin 'yon! Kung ayaw mong umalis, pwes! Ako ang aalis!"

Nagsimula naman siyang maglakad paalis sa harapan ko. Hanggang dito nalang ba talaga kaming dalawa?! Bakit 'di niya magawang sabihin sa akin kung bakit?!

"Bigyan mo 'ko ng isang rason! Isang rason lang! Please!" Malakas na sabi ko habang naglalakad siya palayo sa likuran ko.

Naramdaman ko ang mga hakbang niya. "Because loving you was my greatest sin at wala ng kapatawaran ang ginawa kong pagkakamali."

Mas lalo akong nasasaktan para sa kanya pero 'di ko na alam kung ano ang uunahin ko. Ang puso ko ba o ang puso niya?!

Tumingala ako sa langit habang ang mga patak ng ulan ay umaagos sa aking mukha.

"Lord! Kayo na pong bahala!"

Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko at tuluyan na akong bumagkas at napaluhod sa lupa.

"Maging masaya ka sana ng wala ako," humihikbing sabi niya habang 'di pa nakakalayo sa akin.

Yumuko ako at saka naghinagpis kasabay nang paghihinagpis ng langit.

"Umalis ka na!" Malakas na sigaw ko.

Narinig ko ang malakas na paghinga niya nang malalim.

"Paalam, Mi Amore. Paalam, Kyle."

Kasabay nang mga salitang binitawan niya ang malakas na pagkidlat at kulog ng langit. Para bang sinasabi sa akin na karamay ko ang langit.

Nanatili lang akong umiiyak at naghinigpis sa gitna nang malakas na ulan.

Umalis na siya.

Iniwan na niya ako.

Wala ng Thea sa buhay ko.

Ganon ba kalupit ang mundo para iwan ako ng mahal ko?

"Ahhhhhhhh!!!!!" Malakas na sigaw ko.

Patuloy na bumuhos ang aking mga luha. Patuloy kong isinisigaw ang sakit.

"B-Balang araw pagsisisihan mong iniwan mo ako!"

~~~~~

Amidst of Service (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon