CHAPTER 14: Wedding Booth

118 15 0
                                    

Thea's POV

Naging mabilis naman ang mga araw na lumipas pagkatapos ng photoshoot ko. Kumain lang kami no'n sa isang resto sa Clark at umuwi na rin.

Pagkatapos ay naging busy na ulit kami ni Kyle dahil sa research na tinatapos namin. Madalas naman kami magkita tuwing lunch at sabay din na umuuwi tuwing after class.

Natapos ang January na wala naman masyadong nangyayari. Church at school lang ang ganap namin.

Tuloy pa rin kami sa pagtatago namin ni Kyle dahil masyadong matinik ang mga mata ng mga tao sa simbahan.

Nag-celebrate naman kami ni Kyle ng second month namin sa CDC dahil pareho namin na-miss na pumunta do'n kahit busy.

Halos magdadalawang linggo na rin nang lumipas ang February sa susunod na araw na kasi ang Valentine's Day.

"Anong gusto mo gawin sa Valentine's, Mahal?" Tanong ni Kyle habang nagpapahinga kami sa canteen ngayon.

"Hmm. Kahit ano na lang. Kain siguro tayo tapos nuod ng sine," suggest ko sa kanya.

"Sure ka?"

Tumango naman ako. Basta naman kasama ko siya kahit ano gawin namin masaya na ako. Hindi naman ako humihiling pa ng kahit ano.

"O sige. Mall na lang tayo after ng event. Kumusta pala ang pag-aayos mo sa debut mo?" Tanong niya ulit.

"Ayun okay naman. Yung susuotin kong damit okay na," nakangiting sagot ko.

"Buti naman. Excited ka na ba?"

"Oo naman noh! Ikaw ba excited ka?"

"Oo syempre! Dalaga na kaya yung mahal ko," birong sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pero 'di pa pwede pakasalan," sagot ko agad. Tawa naman siya nang tawa sa reaksyon ko.

Maya maya ay tumigil siya at tiningnan ako nang matagal. Hinawakan niya rin ang mga kamay ko.

"I love you," malambing na sabi niya.

"Muka mo!" Asar na sabi ko sabay tawa nang malakas.

"Aba!"

Lumapit naman siya sa akin at saka nilagay ang mga daliri sa tyan ko para kilitiin. Tawa naman ako nang tawa dahil ayaw niya ako tantanan sa pagkikiliti sa akin.

"Kyle! Tama na!" Reklamo ko tapos ay natawa na naman sa mga kiliti niya.

Maya maya ay tumigil na siya. Hingal na hingal naman ako na tinitigan siya.

"M-Masaya ka niyan?" Hingal na tanong ko.

"Ano isasagot kapag sinabing 'I love you'?" Makahulugang tanong niya pabalik.

"Mu-- I love you too," nakangiting sabi ko.

"Good." Sabay tapik niya sa ulo ko. Nagkwentuhan na ulit kami hanggang makabalik sa classroom.

Sana ganito na lang palagi. Walang problema. Walang iniisip na iba. Walang nasasaktan na ibang tao.

Sa sumunod na araw ay abala kaming lahat dahil may event na inihanda para sa Valentine's celebration sa school.

Iba't ibang booth naman ang tinayo ng bawat section at strand. May palibreng tent pa na galing kay Mayor kaya mas na-excite ang lahat sa event.

Ang na-assign sa amin na booth ay photobooth. Sakto naman dahil hindi na kami mahihirapan sa camera at print dahil ako na nagprisinta na magdala. Sila naman ang nag-ayos para sa booth.

Nagsuot ako ngayon ng red shirt at nakatuck-in ito sa black jeans na suot ko with matching white shoes. Nagtirintas din ako ng buhok para 'di magulo mamaya.

Amidst of Service (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon