Chptr 1: Weird

23 0 0
                                    

(A/n: Ako ulit. Hahaha. May changes din dito. Pasensya na :< huehue.)

***

6:30 am

Halos sumabog ang puso ko sa gulat nang magising ako dahil sa lakas ng ringtone ng phone ko. Boses ito ng isang lalaki na nag sisigaw ng "TUMATAWAG AKO!". Parang may idea na 'ko kung sino ang nag set ng ringtone na'to kaya humanda ang sino mang salarin at mapapatay ko talaga.

Padabog kong sinagot ang baliw na tumatawag at mas lalo akong nainis nang marinig ang boses nito. Alam kong pina-prank na naman ako nito.

"HAHAHAHAHA! Nagustuhan mo ba?" tanong ng baliw na lalaki sa kabilang linya.

"SINASABI KO NA NGA AT IKAW ANG MAY PAKANA NITO! ANTAYIN MO 'KO DRAKE AT PAPATAYIN KITA!" Sabi ko at ipinutol ang tawag.

As expected tumawag ito ulit. "Teka naman. Gusto lang kita i-remind na ngayon ang debut party ni Santana at wag kang mag alinlanga pumunta." pag papaalala nito.

"Alam ko! At mag ayos ka na rin kasi ngayon din ililibing na kita bago pa man mag start ang party!" wala na akong pake kung marinig ng kapit bahay ang pag sigaw ko ngayon. Alam kong gumaganti ito sa ginawa kong prank sakanya nung isang araw.

Nagising din ito na may kandila sa kanyang paligid na may picture niya at bulaklak na pang patay. Hindi ko makakalimutan na halos maiyak ito sa ginawa kong prank. Dahil nagising ito na may sound ng babaeng sumisigaw at parang naging horror room ang kwarto nito. Takot kasi 'to sa mga ganuong sound. At halos mabaliw din sa kakatawa ang barkada nang malaman ang nangyari.

"Oo na at namiss mo'ko. Mamayang gabi ang party. Sa hacienda ni Grampi." tila wala itong narinig at iba ang sinasagot nito sa akin. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko dahil alam kong satisfaction sakanya pag maasar ako. Kadalasan kasi ako ang nang aasar at hirap silang paasarin ako.

Pinapakalma ko muna ang sarili ko bago mag salita. "Oo nga pala Drake, pinadala ko na yung gift ko sayo. Kaya wag kang magugulat kung may kakatok bigla sa banyo mo ha?" sabi ko saka nag smirk. Kahit hindi nito makita alam kong alam niyang naka smirk ako.

"Teka naman Ali. Walang ganyanan—" hindi ko na siya pinatapos at ipinutol ko na agad ang tawag. Akala niya ako lang ang mapa-prank niya. Ang hindi niya alam ay nauna akong makaisip na takutin siya. May ni-set na naman akong laruan don na gumagalaw at ilang sandali lang ay gagalaw yun at mag dadabog.

Bago nga pala ang lahat, ako si Alisa Buenavista. At ang kaninang tumawag ay isa sa barkada ko na si Drake De la Rosa. At dahil badtrip ako sakanya hindi ko feel mag kwento ngayon. Kaya naman para maibsan ang pagkaasar ko ay nag ayos nalang ako para puntahan ang flower stall ko sa palengke.

Kami nalang ni mama at simple lang naman buhay namin ngunit konting kaalaman sa inyo, dahil sa tulong ng pamilya De la Rosa ay nakapatayo narin ako ng flower stall. Bakit nga ba flower stall? At sa probinsya pa talaga? Well, hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang, gumagaan ang pakiramdam ko pag nag a-arange ng flowers.

Malayo paman ay tanaw ko na ang maliit na flower stall namin at si Mama ngayon ang nagaasikaso muna doon.

"Oh bakit ka napa dito, anak?" Tanong ni mama pagkakita sa akin. Alam niyang ngayon ang party kaya naman hindi na nito inasan pang pupunta ako dito. Dahil gusto niyang dapat na ako mag ayos at mag handa.

Heaven knows (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon