three

53 14 13
                                    


Ang hirap maging mahirap.

Umaga pa lang 'yan na ang nasa isip ko. Hindi ko kasi makalimutan ang naging usapan namin kagabi nina Mama at Starlight.

"May nakita pa na mantya 'yung customer ko, nak, binawasan yung bayad sakin. Napakadumi naman kasi non. Akala mo ay nagswimming sa putik. Inisa isa ko na nga pero may nakaligtaan pa din ako," reklamo ni mama.

"Ate, nagstart na kami para sa practice ng Romeo and Juliet. Hindi ko talaga gusto yung role na Juliet kaso yung adviser na namin ang nag assign sa akin. Naguumpisa na ang ambagan para sa props at stage designs tapos hindi ko pa alam saan ako makakarenta ng gown, wala nga ako pang renta," sumbong naman ni Starlight. Dinagdag pa nya na hindi naman daw sya nagpaparinig. Gusto nya lang mag sabi sa akin. Ganito kasi kami noon sa bahay. Sobrang close ako kay mama at Starlight. Hindi kami matutulog hangga't hindi namin naikekwento ang nangyari sa isa't-isa sa buong araw.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kapatid ko. Halata ang frustration sa mukha nya. Tila ba kanina pa ito nagiisip kung ano ang maaari nyang gawin.

"Baka naman pwedeng manghiram ka nalang ng gown, Light," suhestiyon ko.

"Pwede naman po Ate, kaso wala din akong kilala na mahihiraman,"

"Kay Romielle kaya?" Si Romielle ang anak ng may-ari ng inuupahan naming apartment. Medyo malabo ang ideya ko dahil hindi ganoon kabait ang anak ni Ma'am Ryle.

"Naku Ate, sigurado akong hindi magpapahiram 'yon!" Natawa naman ako sa reaksyon ng kapatid ko. Sinasabi ko na nga ba e.

"Alam ko na Light! Naalala mo si Junmel? May kapatid 'yon na babae na umaattend ng prom noong nakaraang taon. Sabi nya binilhan daw ni Tita Mely ng gown ang kapatid nya. Baka pwede mo yun hiramin," nabuhayan naman sya sa sinabi ko. Sigurado akong maasahan si Junmel sa bagay na 'to. Elementary palang kami, he always got my back!

"Hala oo nga 'no ate? Kaso hindi ko naman po alam saan na nakatira sila Kuya Junmel,"

"Ako na ang bahala, ichachat ko nalang sya. Husayan mo sa pag ganap bilang Juliet ha!" Ngayon palang ay proud na proud na ako para kay Starlight. Sayang lang at hindi ko sya mapapanood magtanghal.

"Oo naman po ate. I won't disappoint you. Ikaw pa naman po ang naging director noon para sa play na Romeo and Juliet ng section nyo," napangiti ako nang maalala ang bagay na 'yon. Isa iyon sa pinakahindi ko makakalimutang pagkakataon sa buhay ko.

Ang usapan na iyon ang laman ng isip ko nang papasok ako sa school. Para akong lutang na naglalakad sa pasilyo ng building B kaya nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin. It's Brian.

Hindi ako naiirita pero hindi rin ako kumportable kaya tinanggal ko ang braso nya sa balikat ko. Mukha namang wala lang iyon kay Brian. Hindi na ako naglagay ng kahulugan sa ginawa nya. Knowing Brian's friendliness, I think, for him, it's normal... however for me, it isn't . My heart is thumping so loud for God's sake!

Habang sabay kami na naglalakad ay napatingin ako sa kanya. He looks like he's in deep thoughts.

"What is it?" pang uusisa ko.

"I think I have forgotten something but I just can't figure out what it is,"

Ipinaalala ko sa kanya ang isang homework namin sa pangalawang subject. "Yeah! That's it, I think I forgot to finish it yesterday! Thank you," pagkasabi nya noon ay kinuha nya sa akin ang hand bag ko at nauna na syang tumakbo papasok sa classroom. Kinuha nya ang bag ko dahil nandoon ang assignment namin na sinasabi ko at malamang ay kokopyahin nya.

I let it pass because he seldom does it, copying other's papers. Brian is a responsible guy. He said he's working on his new song composition so he might really forgot about the homework.

You Were Beautiful (DAY6' YOUNGK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon