four

73 15 17
                                    

Sabado at himala na nasa apartment ngayon si Ate Jen. Sya ang naghugas ngayon ng aming pinagkainan. Nasa may sala ako at nagvavacuum.

"Anong oras ka aalis, Lyn?" sigaw ni Ate Jen mula sa kusina.

Ang tinutukoy nya ay kung anong oras ako papasok sa part time job ko. "Maya maya po. Siguro ay bandang alas dos," hindi kalayuan ang convenience store kung saan ako nagtatrabaho. Walong oras ako doon at ang simula ng shift ko ay alas tres. Gabi na ako nakakauwi. Hindi naman ganoon ka delikado sa lugar namin kaya pinayagan ako ni Ate Jen sa ganoong schedule.

Pabagsak akong humiga sa kama nang makapasok ako sa kwarto. Gustong gusto ko talaga ang kama ko dito. Napakalambot.

Hawak ko na ang tuwalya at papasok na sana sa common bathroom nang mag ring ang phone ko.

Geriza calling...

Agad ko itong sinagot at bumungad sa akin ang nakasimangot nyang mukha, "ang lungkot dito,"

"Why? What happened?" Nagaalalang tanong ko.
"Jacky is always busy with her plates. Minsan nalang sya pumunta dito sa bahay. Uwi ka na nga dito," sunod sunod na sabi nya.

Napangiti ako. Noong nasa Pilipinas ako ay madalas kami ni Jacky sa bahay nila Geriza. They are my high school besties. Hindi naman kasi pwedeng lumabas labas masyado si Ger dahil sa kanyang heart condition.

"On second thought, wag ka na umuwi, ako nalang ang pupunta dyan! May permit to travel na ako galing sa doctor ko and gustong sulitin ni Ate Geraldine kaya gusto nya ay out of the country," nabuhayan naman ako sa sinasabi nya. I would be really happy kung makakapunta man sya dito.

"Saan ba kayo, Vancouver or Calgary?" binanggit nya ang ilang kilala na cities dito sa Canada.

"I'm at Toronto," natatawang sabi ko dahil mali ang dalawang binanggit nya. "Almost 16 hours ang byahe from Manila to Canada, will you be fine?" dagdag ko pa.

"I am fine with that! 16 hours so makakatapos ako ng isang korean drama sa eroplano," tuwang tuwa na sabi nya. Pagkatapos pa ng ilang kumustahan at kwentuhan ay binaba nya na ang tawag dahil kailangan nya na magpahinga. Pumasok naman na ako sa banyo.

Nilapag ng isang customer ang isang two liter na Diet Mountain Dew bottle sa counter, "$1.99 sir," naglabas naman ito ng saktong bayad. Hindi na nya pinalagay pa sa plastic ang binili dahil kaya naman daw nyang bitbitin nalang, "Let us save our mother Earth," dagdag pa nya.

"Thank you sir, come again!" masayang paalam ko. Sa mga trabaho na palagi kang haharap sa tao, dapat ay palagi kang presentable at nakangiti.

Nakatingin pa ako sa papalayong bulto ng customer nang may biglang nagsalita sa harapan ko. Hindi ko man lang namalayan ang presensya nito.

"How much for the cashier?" malokong tanong ni Brian. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya dito ngayon. Kakatapos lang siguro ng practice nila.

"Not for sale, sir. I'm sorry." Natawa naman sya sa isinagot ko.

"You'll be out in ten minutes, right? Let's go for a drive. Dad let me borrowed his car,"

Napaka unpredictable ni Brian. Hindi mo mahuhulaan kung anong tumatakbo sa isip nya. He should be at home by now because I'm guessing he's already tired from their band practice but here he is, waiting for me to finish my shift.

Habang nasa sasakyan at hindi ko alam kung saan papunta ay nagtext ako kay Ate Jen,

To: Ate Jennica

Ate, I'll be home a little late. May nagpasama po na kaibigan para magpabili ng iilang gamit sa Walmart.

She replied with a simple 'ok'.

You Were Beautiful (DAY6' YOUNGK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon