two

82 15 10
                                    


Mag ti-thirty minutes na din kaming nagkekwentuhan ni Brian. Paminsan minsan ay may mga nakikisali na kaklase. Others are curious from which country I came from, Filipino words and phrases and even the local food. Pakiramdam ko ay bigla akong naging ambassadress ng Pilipinas and my mission is to promote the Philippines. Baka mahire ako sa Department of Tourism nito ha?

Masaya akong nagkekwento sa kanila. Mayaman ang bansa ko sa kultura, sa kasaysayan at maging sa mga korap na politiko. Syempre ay hindi ko sinama yung panghuli.

Mahal ko ang bansa ko, maraming hindi magandang katangian ang Pilipinas at isa na doon ang mga namumuno sa lugar na iyon pero kaya nga ipinaglalaban ng mga tao ang mga karapatan nila, dahil may pakialam sila sa nangyayari sa lipunan. They care about the country that's why they wanted it to be like how it was hundreds of years ago even before our first colonizers came. No corrupt politicians (I think there will always be some but not everyone. Ngayon kasi hindi ka na sigurado kung may natitira pa bang matino sa gobyerno), environment are preserved and natural resources are well used.

Ngayon, may mga lima o anim na na kaklase ang nakapalibot sa upuan ko bukod pa doon si Brian. They are asking me how some words and sentenced are pronounced in Filipino, like the word I love you.

"Mahal kita, Storm," sabi ng isa kong kaklase na 'Uy, Kyle' ang nakalagay sa patch. His accent is so obvious. Alam mo yung parang pabebe at 'mehel kete' ang sinasabi? Medyo ganoon ang pagkakasabi ni Kyle. Agad syang kinantyawan ng iba. Sumama naman ang tingin ng tinawag nyang 'Storm'. Napangiti din ako sa asaran nila. Love, is a strong word. It shouldn't be said just like that, out of fun.

...on your lips just leave it, if you don't mean it.

Sa gitna ng tawanan ay bigla namang nagsalita si Brian, "okay guys, that's enough. So much for her first day. Let me snatch her away from all of you," nagtaka naman ako sa sinabi nya. Lumingon si Brian sa paligid at tumayo, hinawakan nya ang palapulsuhan ko. "Let's go, I'll take you to the cafeteria," maya maya ay kinuha nya ang atensyon ng buong klase, "The professor won't be here today, dismissed." Napanganga ako sa sinabi nya. Did he just dismissed the class?

He playfully winked at me, "let's go," medyo kinakabahan pa ako dahil paano kung bigla naman palang pumasok ang prof?

Mukha namang nabasa nya ulit ang nasa isip ko, "He's already one hour late and one hour late means the class is cancelled, the professor is too busy," may rule bang ganoon? Hinatak nya na ako pababa sa tinitingnan kong building kanina. Iilan nalang ang mga taong nandon dahil ang ilang klase ay nagsimula na.

Habang papasok kami sa cafeteria ay tuloy tuloy ang kwento nya, "I don't usually dine here. I think the food is too bland," lumingon sya sa akin at nagpatuloy ulit, "but today is an exemption. Since its your first day in York Mill, you should try the school's cafeteria and be traumatised with the food," medyo oa yung description nya. Ganoon ba talaga kawalang lasa? Nakakatakot naman.

Parang walking sunshine si Brian. Hindi nawawala ang ngiti sa labi nya. Sa tuwing bumubuka ang bibig nya, parang walang ibang lalabas doon kundi magagandang salita. Kada taong nakakasalubong namin ay tinatanguan nya o di kaya'y aapiran. Ang ilan naman na medyo malayo, kinakawayan nya. Nangangampanya ba sya?

Bawat binabati nya tuloy ay napapatingin din sa akin. Nakasunod kasi ako sa likod nya.

I'm amazed whenever I see some student. Other girls have a natural blonde hair color. One guy that we met has even blue eyes. Brian seems happy about my reaction. Napatingin ako sa kanya, "What?" I looked at him questioningly.

You Were Beautiful (DAY6' YOUNGK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon