P R O L O G U E

234 22 35
                                    


Think of all the beauty still left around you and be happy.  - Anne Franr

I have read it somewhere in the internet. While I was chopping garlic, it suddenly popped up in my mind.

Be happy? Beauty still left around me?

I'm busy doing things in the kitchen, helping some of the chefs and contemplating about my life decisions when one of my employees caught my attention.

"It's still raw," sita ko kay Mike, isa sa mga kitchen staff, nang akmang isasalin sana nya sa isa pang kaldero ang karne. "Wait for another five minutes," ngumiti sya at bahagyang yumuko bilang paghingi ng paumanhin. Nagbalik naman ako sa paghihiwa ng bawang.

"Ma'am Selene?"

Beauty still left around me? Ano nga bang magagandang bagay ang naiwan sa akin mula nung umalis sya? Meron pa nga bang natitira? Sa tingin ko, sinama nya sa pag alis nya ang mga magagandang bagay na nasa isip ko. I don't think there are still beauty left around me.

"Ma'am Selene!" muntik ko na mahiwa ang daliri ko dahil sa gulat sa biglang pagsulpot ni Mayette, isa sya sa mga waiter kaya ang makita sya sa loob ng kitchen ay medyo nakakapagtaka.

Napangiwi naman sya sa naging reaksyon ko, "kanina pa po kita tinatawag ma'am,"

I smiled as my apology. "Bakit ka nandito? May problema ba sa labas?"

"Wala po ma'am, may naghahanap lang po sa inyo," nagtaka ako sa ipinakitang ngiti ni Mayette, "Sino?"

"Friends nyo po since high school ma'am, nasa labas po sila," pagkasabi nya non ay naglakad na din sya palabas ng kitchen.

Nagtaka naman ako. I'm not expecting anyone's visit today. Medyo friendly akong tao at ang clue na iniwan ni Mayette na high school friends ko daw ang nag aantay sa akin sa labas ay hindi nakatulong.

Tinapos ko ang hinihiwa kong bawang. Naghugas ako ng kamay at nagtanggal ng apron. Pagkalabas ko ng kusina, ilang couple ang naabutan kong nagtatanghalian. Medyo romantic ang ambiance ng resto ngayon. Malapit na kasi ang Valentine's day. Ang mga couple na nandito ngayon ay marahil maagang nagcelebrate.

Lumingon ako sa paligid ko at naghanap ng pamilyar na mukha. "Selene!" tawag sa akin ni Jacky. Nakangiti akong lumapit sa kanila. Kasama nya si Graciella.

Jacky is my friend since junior high school, si Graciella naman kasama ko na way back grade school pa.

I heard the sound of my heels as I walk towards them.

"What brought you two here?" Masaya akong makita sila pero hindi ko maiwasang magtaka kung bakit sila nandito. Bihira lamang kung magkaroon ng free time ang dalawa. Busy kami sa iba't-iba naming trabaho.

Jacky is an architect. Balita ko ay kakaclose lang niya sa isang malaking deal. Inaasar ko nga sya na sya na ang magdesign ng ipapatayo kong bahay sa QC, ang gaga tinataga ako sa presyo. Accountant naman si Graciella, she's currently working at a bank. Wala akong masyadong ideya sa trabaho nya, ang alam ko lang milyon milyon ang hinawakan nyang pera kada araw. Kinakantyawan ko nga sya na magbulsa ng kahit isang libo lang e.

Nginitian nila ako. Nakapwesto sila sa isang pabilog na lamesa. Umupo ako sa bakanteng upuan. Hindi na ako nagtanong kung ano pa ang gusto nila dahil may nakita na akong drinks sa lamesa. Baka mamaya ay madagdagan pa ang libre ko.

You Were Beautiful (DAY6' YOUNGK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon