CHAPTER 12

53 6 0
                                    

Chapter 12- HER





"Ano ba girl" bulong sa akin ni Connor at pasimpleng hinila ang dulo ng buhok ko. Kanina ko pa tinitimpi itong baklang ito, pinipilit niya akong iwanan ko raw silang dalawa pero itong si Zedrick naman ay sunod ng sunod sa akin.

Kasalukuyan kami ngayon nanonood ng fireworks display at pinapagitnaan namin ni Zedrick si Connor, sumingit kasi itong hilaw na bakla sa gitna namin ni Zedrick. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito ginagawa, ni hindi nga ako umoo sa kasunduan niya kanina.

Nasa pangalawang batch ng fireworks ay biglang tumabi sa akin si Zedrick at ako ngayon ang pinapagitnaan nila. Kung titingnan ang sitwasyon namin ngayon parang ako ang pa ang pinag aagawan ng dalawang lalake pero sa kasamaang palad ay may isang hilaw na bakla ang umepal.

Hindi talaga ako makapaniwalang bakla itong si Connor, ikinalaro na rin niya kanina na ang totoong dahilan talaga kung bakit siya nag transfer ay dahil nalaman ng Papa niya na may relasyon siyang lalake sa dating school niya pero itong hilaw na bakla ang landi pa rin. Ginamit pa ako.

"Anong pinag usapan niyo ng lalakeng iyan?" Bulong sa akin ni Zedrick. Bakla kamo. Tapos na ang fireworks display at bumalik sa pagsasayaw ang mga tao, nakailang inom na rin ng alak si Zedrick at itong si Connor naman na abusado panay tapik o hagod sa likod ni Zedrick at tinatanong na 'Are you drunk?'.

Pesteng 'Are you drunk!'. Pwet niyang lasing!

"Tinatanong lang kung pwede niya akong maging partner sa Ball" tugon ko. Naranig ko naman ang pagtikhim ng isa kong katabi at marahang siniko. "Ikaw? Sino ang partner mo?" Bumaling ako sa kanya para iwasan ang katabi kong hilaw na bakla.

"A-Actually, I still haven't find a partner" aniya at tumungga ng isang baso ng alak. Hindi ko alam kung anong alak ang iniinom niya pero alam kong malaki na ang tama niya, namumula na kasi ang mukha at pansin ko rin na hindi siya makatayo ng tuwid.

Mas naging malakas ang tikhim ng hilaw na bakla sa likod ko ng marinig niya ata ang sinabe ni Zedrick. Bahala ka sa buhay mo.

"Tayo na lang kaya" ngumiti ako.

Nanlaki ang mga mata niyang singkit na para bang may mali sa sinabe ko. Umiwas siya ng tingin at mahinang napamura. Sa tingin ko lasing na ang isang ito, mas namula kasi ang puti niyang mukha, hindi ko alam kung epekto pa ba ito ng alak.

"I think I'm drunk" aniya at hinilot ang sintido.

"Yeah, I think you are" I sighed, glancing over to my other side. He gave me death glare but I just rolled my eyes and stick my tongue out to pissed him. "He's mine. Find another boy" I whispered but not specifically 'Mine',

"Shut up girl" he pouted and sighed " Kinikilig yung Nervous system ko sa kanya eh" he said, pinching my arm.

"Sinabe mo na yan kanina ng makita mo si Kuya Damon"

"Hmp! Maybe I'll just find another boy. Your so possessive kasi, hindi ka marunong mag share!" Pumadyak pa siya at bumaling kay Zedrick "By the way, pakilala mo rin sa akin ang isa sa mga pinsan ni Zedrick" he giggled like a pabebe girl. Duh!

"Tumigil ka nga! At tungkol sa sinabe mo kanina na-" hindi na niya ako pinatapos dahil agad siyang sumingit.

"No need na. Akala ko kasi pumapatol itong best friend mo sa bakley pero sa tingin ko ikaw ang pinatulan" tumaas ang kilay ko sa kanya. May sasabihin pa sana ako ng may narinig kaming singhapan malapit sa amin.

Nanlaki ang mga mata kong lumapit kay Zedrick para awatin siya sa pagsuntok ng isang lalake. Halatang parehong lasing ang dalawa, mabuti nalang dumating na rin si Kuya Colton, Kuya Aspen, Kuya Damon, Khalil at Ate Hannah. Tinulungan nila akong awatin sila pero itong si Ate Hannah, sinampal muna ang lalakeng kalaban ni Zedrick bago lumapit sa amin.

Another Story [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon