CHAPTER 9

191 8 0
                                    

Chapter 9- HER

"You know what? You should stop drinking cokes, it's unhealthy for you" pinandilatan ko si Zedrick na nasa harapan ko at sumisipsip ng coke.

"Nahiya naman ako sa hawak mong beer" wika ko.

"Minsan lang naman akong umiinom ng beer, hindi kagaya mo na halos makatatlong bote ng coke sa isang araw" aniya.

Totoo iyon. Pinapagalitan nga ako minsan ni Mama dahil naubos kong mag isa ang isang litro nh coke. Masisi ba nila ako kung si Lola ko mismo ang nagturo sa akin na uminom ng Coke.

"Coke is my comfort drink at saka hindi naman ako Acidic na tao, umiinom rin ako ng tubig pagkatapos kaya 'wag kang praning"

He doesn't answer immediately. Kinuha niya ang red horse beer at tinungga ito hanggang sa maubos ang isang bote.

"Let's go? Magsisimula mamaya ang party" aniya. Tiningnan ko ang siya pero umiwas siya ng tingin sa akin at bumaling sa kalye.

Huminto kami sa isang seven eleven malapit sa Subdivision nila Zedrick. May Welcome party kasi mamaya para kay Tita Zaraya-Mommy niya. Galing pa itong US dahil doon siya nagpagamot. Nagk as depressed kasi siya pagkatapos mamatay ni Tito Roderick-Daddy niya. I can still remember the day that Zedrick cried in my room when he discovered about his father's death.

Sometimes he cut classes just to be with his mother and comfort her, his grades was almost become an Axe but luckily Kuya Captain-His cousin- came to the rescue. Minsan ako na ang gumagawa ng assignments at projects niya dahil palagi niyang nakakalimutan.

'Nong araw na umalis si Tita Zaraya papuntang US, doon nagsimulang natutunan ni Zedrick na uminom ng alak.

Grade 7 kami 'non ng mahuli siya na umiinom ng alak kasama nina Maxon sa likuran ng aming classroom. Gusto ko siyang pagalitan pero hindi ko matiis ang mukha niyang puno ng luha at ang tanging magawa ko lang ay yakapin at siya at patahanin. He's alone at ako lang ang malalapitan niya kaya minsan pinapabayaan ko nalang siya na tumira sa bahay dahil alam kong mag-isa siya sa bahay niya.

Huminga ako ng malalim habang tinitingnan siyang nakatingin sa malayo. Malaki nga ang problema sa mundo. Tsk! Hinawakan ko ang kamay niya na nasa mesa, napaigtad naman ito at napatingin sa kamay namin.

"Masaya ako para sa bagong asawa ni Tita at sana ikaw rin" aniko at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Napangiwi siya sa sakit. "At subukan mo lang ulit na mag cutting classes at pabayaan ang projects at thesis, igudgud ko gid imong itsura sa inidoro" mariin kong wika sa kanya.

"Aray Clorizette! Yung kamay ko!" ngumiwi siya ng mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya "Bata pa ako 'nun kaya hindi ko alam yung ginagawa ko!"

At dahil naawa ako, inalis ko na ang kamay ko sa kamay niya. Ngumingiwi niyang hinihimas ang kamay niyang namumula at nginusuan ako.

"Akala ko pa naman, pagaanin mo ang loob ko" he said and I laughed at him.

"Just buy some beer, my treat"

"No need. Kailangan na nating umalis" aniya at tumayo na.

MARAMING bisita ang dumalo, makikita pa lang sa mga nakaparadang mga kotse sa labas ng Gate nila. Sa isla ng Panay, isa sa ang mga Luxenia ang pinakamayaman sa buong bansa dahil sa mga companya na nasa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas. Nang nakapasok kami sa loob, agad bumungad ang maraming tao na naka pormal na suot na halatang halos lahat dito ay mga mayayaman. Nakakahiyang sumali dahil pareho kami ni Zedrick na naka school uniform pa.

"Magbibihis muna tayo sa kwarto ko" wika sa akin ni Zedrick habang papalapit kami sa mga magulang niya. May mga nakasunod na mga tingin sa amin kaya napahawak ako sa laylayan ng polo niya dahil nahihiya ako. Narinig ko naman ang pagtawa niya at hinawakan ako kamay.

Another Story [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon