CHAPTER 17

22 1 0
                                    

CHAPTER 17- Her


Tiningnan ko ang cellphone kong puno ng mga messages ng mga kaibigan ko, nagulat pa nga ako nang makitang nag message rin si Phillip, Jake, Kito at Neon. Tinatanong nila kung kamusta na raw ako pero lahat sila hindi ko pinansin.

"Dinadalaw ka pa rin ba ng migraine, Clor?" Tumingin ako kay Doc Wesley at tumango "Lagnat?" I nodded again.

It's really hard waking up sometimes with a heavy headache. Twice a month ako minsan dinadatnan ng lagnat habang ang migraine naman ay halos araw-araw kaya minsan tinutulog ko o iniinom ng gamot.

"Si Easton? Kailangan ko siyang makausap" wika niya.

"Pumuntang Flower Shop muna pero papunta na ata iyon" I sighed. I don't know why I'm feeling gloomy today. Maybe just because of the weather. Or maybe I'm kinda nervous because after this appointment I'm going to school.

Alam kong late ulit ako sa Precal ko at sa ibang subject, hindi ko alam kung paano mag catch up sa mga nahuli kong mga lessons.

"You're paler than before, Clor. You shouldn't stress yourself" Doc Wesley said. "And I'm glad you finally decided. Alam kong mga magagaling ang mga doctor sa Iloilo, you're in a good hands" ngumiti lang ako ng tipid.

"Do you think, Doc I'm going to be free after my operation?"

His smile were slowly faded and looked at me with sympathy "Let's just pray, Clor. God can do miracles"

Lumabas ako ng clinic ng nakarating na si Kuya. Iniwan ko muna sila kahit gusto kong marinig ang kanilang usapan. Pumunta ako sa Garden ng hospital kung saan may mga tao na na-admit dito nagpapalipas ng oras.

Napangiti ako at umupo sa upuan kung saan makita ang maraming namumulaklak na hydrangea. Napakagandang tingnan ang bulaklak, halatang inaalagaan ng mabuti.

"Ate baby girl!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may tumakbo galing sa gilid ako at agad ako dinamba ng yakap.

Natawa ako at sinuklian ang yakap ni Caden "Hello baby boy"

I saw his Mom also smiled at me while sitting beside me. Pinisil ko ang magkabilang pisngi ni Caden at hinalikan ang noo niya bago ko siya pinakawalan sa yakap. Ang cute cute niya parang naalala ko sa kanya si Poppy, they have the same squishy cheeks and doe eyes.

Umupo sa tabi ko ang ina ni Caden habang ang bata naman ay sumama sa pakikipaglaro sa iba.

"Kamusta na po kayo?" Tanong ko sa Ina ni Caden habang tinatanaw ang kanyang anak.

"I haven't formally introduce myself to you, ako pala si Adelaide but you can call Laide naman and We're Good. Thank you for asking" ngumiti siya. Maganda talaga si Ate Laide kahit sa unang pagkita namin masasabi ko talaga na parang isa siyang Model.

Tumango ako "If you don't mind, Ate. Bakit kayo nandito sa hospital?" Tanong ko.

"Inuubo si Caden kaya pina check up ko. Palagi niya kasing kinukuha ang moring towel na nilalagay ko sa likod niya sa tuwing naglalaro siya. He's very stubborn" she chuckled. "Ikaw? If you also don't mind"

I smiled "Same. Nagpa check up rin" she nodded.

We talked many things about Caden and how they end up here in Antique. After a while she stood up.

"Well, we're going back home to Manila" aniya at nalungkot naman ako sa biglaang pag-alis nila "We'll see each other again, Clor"

I nodded and smiled "Be safe"

Ate Laide called Caden and beckoned him. Niyakap ko ng mahigpit si Caden dahil alam kong mamimiss ko ang cute na batang ito.

"Laide" bumaling ako sa gilid ko at nakita ko si Kuya Easton. Nakatingin ako sa kanya pero si Ate Laide ang tinitingnan niya.

Another Story [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon