Chapter 2: HER
On off Dim lights, loud music, drinks, drunken people and make outs everywhere. So this is what they called 'Bar'. Not bad. Not bad for those wasted party people.
Mahigpit ang kapit ni Zedrick sa bewang ko para habang lumalakad kami papuntang couch na ni reserve pa raw ni Maxon. Sinabi na sa akin ni Zedrick habang nasa kotse kami na ganito ang makikita ko sa loob ng bar and I should be aware of some drunk mens around us.
When we arrived at the bar, it was already 8:00 pm, special thanks to his Porsche. Note the sarcasm. Hindi naman ganon kalayo ang Bar, pero na late lang dahil pumunta pa kami sa bahay ni Zedrick dahil may kukunin siya 'don.
"Dapat nasa tabi kita palagi" sabi niya sa tenga ko para marinig ko ng mabuti dahil sa malakas na music. Sumang ayon ako sa sinabe niya. May nakita kasi akong grupo ng mga kalalakihan sa west wing na sa amin ang tingin nila, nadaanan namin sila pero ang lagkit ng tingin nila sa amin.
Ganito ba talaga sa Bar?
Agad naman namin nakita ang couch kung saan sina Ethan, Shiji, Xandro at Nash na may mga kasamang mga babae. Kaibigan at kaklase namin sila pwera lang kay Nash na college na.
"Naks naman, Clor! Parang na in love agad ako sayo ah!" bungad sa amin ni Xandro pagkarating namin sa grupo. May kasama siyang dalawang babae at may dalang bote ng beer at agad niya namang binigay ang isa kay Zedrick.
"Ligawan mo ako kung ganon" tugon ko sa kanya. Nanlaki ang mata ni Xandro at nilipat agad ang tingin sa tabi ko.
"Zedrick, pwede ba?" Natatawang wika ni Xandro.
"Harapin mo muna si Saitama" agad kong pinandilatan si Zedrick. Si Saitama ang anime character na ilang ulit niyang pinapanuod sa TV at palaging binibiro sa akin na kalahi ko raw siya.
"Binabakuran kasi ni Bespren kaya hindi makahanap ng boypren" sumabat si Nash na may kaakbay na babae.
"Gago! Kailan ka pa bumalik?" Sabi ni Zedrick at nakipag high five kay Nash.
"Kahapon lang. By the way, Girlfriend ko si Elayza" ngumiti ng marahan ang babaeng kaakbay ni Nash sa amin at sa tingin ko ay pareho kaming first time nakapunta ng bar.
"Asan na ang birthday boy?" Tanong ko kay Ethan ng nakaupo kami ng couch. Binati kami ng ilang kaibigan namin na may kanya-kanyang babae na nakakandong o nakaakbay pero iba pa rin si Shiji Lecantos, nag-iisa at tahimik lang na umiinom.
"Nasa dance floor na si Maxon!" Wika ni Ethan at tinuro pa ang mga taong sumasayaw sa gitna. Nakita ko si Maxon na halatang lasing na at may kaharutan na dalawang babae. "Kaka break up lang nila ni Boni kaya naglasing ang Gago"
"Hoy Prinsipe Cedie! Baka naman gusto mong bigyan ng alak 'tong si Princess Sarah" sigaw ni Xandro habang inaalok ako ng Alak.
I glared at him. Why they always call me in different names?
"Gusto mo ba? Hindi kita pipigilan kung gusto mo talaga pero may limitasyon" Wika ni Zedrick sa tenga ko.
"Juice lang, baka mabaril ka pa ni Papa and someone has to stay sober" wika ko. He smirked before chugging his beer.
Hindi na ako nagulat kung uminom si Zedrick na parang tubig lang ang Alcohol. Tumawag siya ng waiter para bigyan ako ng juice, ang mga kasama naman namin ay pinipilit akong uminom ng alak kaya si Zedrick na ang sumasalo ng mga inumin.
Bumalik na ng couch si Maxon at halatang-halata na lasing na dahil namumula na ang buong mukha niya. Ang ilang mga babae naman na kasama nina Ethan at Xandro ay umalis na dahil sasayaw raw sa gitna kaya ako at ang girlfriend nalang ni Nash ang natitirang babae sa grupo.

BINABASA MO ANG
Another Story [REVISING]
Dla nastolatkówEnchanted Serenity Series #1 Can she make it if she already knew that from the start the story is not hers. ♡ameizjing WARNING: Grammatical Errors ahead.