Chapter 18: Worth The Wait

196 2 0
                                    

Present time. December 3, 2020

Isang taon na pala. Isang taon at apat na buwan na pala ang nakalipas matapos ang gabing 'yon.

Ngayon ko lang 'yon na-realize nang muli ko 'yong alalahanin. Ang lahat ng mga pinagdaanan namin ni Ali. Ang lahat ng panahon na kasama ko siya.

It's been a year and four months, Ali. Ang bilis ng panahon, 'no? Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Gumuhit ang isang maliit na ngiti sa labi ko nang maalala ko ang lahat nang 'yon.

'Yon ang bahagi ng buhay ko na kahit papiliin ako, gugustuhin ko pa ring maulit kahit na alam ko na ang magiging ending. Gugustuhin ko pa ring maranasan ang sakit.

She's worth the pain, after all.

Mabilis na lumipas ang tatlong araw na bakasyon ko katulad nang mabilis na paglipas ng isang taon matapos mangyari 'yon kay Ali.

Bumalik agad ako ng Pilipinas dahil kailangan ko pang maghanda sa big day ko. Ang araw na ipapakita ko sa lahat ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

The day that I met her, my lost star.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong sa 'kin ni Mama, na nakaupo sa passenger's seat.

Mabilis ko naman siyang nilingon at nginitian. "No, not at all. Excited nga po ako e."

Muli kong itinuon ang atensyon ko sa daan dahil ako mismo ang nagmamaneho ng kotse ko.

Yes, I managed to buy my own car now. Sa kompanya na kasi ako ni Tito Peter nagta-trabaho ngayon e. He offered me a job in his company last January, after makaalis ni Penelope papuntang Manila for her exam.

Speaking of Penelope, kumusta na kaya siya? Wala na 'kong balita sa kaniya after naming makapag-usap months ago. Kumusta kaya ang naging exam niya?

"H'wag mong intindihin si Mama, Kuya. Siya talaga ang kinakabahan kagabi pa." Singit naman ni Gin, na nasa may likuran nakaupo, kaya nawala ang lahat ng iniisip ko.

Napatawa naman ako. "Mukha nga."

Kahit hindi ako tumingin ay alam kong masama na ngayon ang tingin ni Mama sa 'ming dalawa.

"Kayong dalawa! Lagot kayo sa 'kin pag-uwi!" Sigaw niya.

Imbis na matakot ay natawa lang kami pareho ni Gin. Sanay na kami sa ugaling meron si Mama. Husto lang siya sa ganiyan pero hindi naman niya tino-totoo.

"Totoo 'yon!" Pahabol pa ni Mama na parang nabasa ang nasa isip ko.

"OKAY PO!" Sabay naming sagot ni Gin habang nakangisi.

Makalipas ang isang taon simula nang mangyari ang lahat nang 'yon, pinilit kong ipagpatuloy ang buhay ko kahit na mahirap.

Sobrang hirap at sobrang sakit na magpatuloy at magpanggap na okay ka lang pero alam kong hindi 'yon gugustuhin ni Ali para sa 'kin. Na tumigil ang buhay ko dahil sa kaniya.

Naging mahirap ang mga naunang buwan simula, para sa 'kin, para kay Penelope, at lalo na para kay Tito Peter. It was like hell for all of us. Sobrang hirap. Sobrang sakit, pero pinilit naming lahat na magpatuloy sa kaniya-kaniya naming mga buhay.

Mahirap sa umpisa, pero nasanay na rin kami. Hanggang sa hindi namin namalayan na unti-unti nang bumabalik sa dati ang lahat. Hindi na nga lang gaya nang dati, but we managed. At least, we're trying.

Si Penelope, although wala pa ulit akong balita sa kaniya after ng pag-uusap namin last January, alam kong nakapag-exam na siya at resulta na lang ang hinihintay niya. Mukhang tinutupad niya talaga ang sinabi niya sa 'king abogada na siya sa susunod naming pagkikita, kaya hindi na nagparamdam sa 'min ni Tito Peter.

Reach The Stars (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon