CHAPTER 5
EERIE"ANONG nangyari nang mag-walk out ka kanina? 'Di ba sumunod sa 'yo si Blue? Blue yung name niya, right? Mag ex-lover ba kayo, ha? Akala ko ba hindi mo siya kilala? Bakit ganoon kayo umakto? May something ba kayo?"
Hindi pa man nakakalapat ang pwet ni Bailey sa upuan niya ay pinaulanan niya kaagad ako ng tanong.
"Please lang," matamlay kong saad. "Huwag muna ngayon."
Hinilot ko ang sariling sentido. Sa sobrang kaiisip ko sa nangyari kanina ay sumakit na ang ulo ko. Hindi na yata nito kayang irehistro ang mga pangyayari.
"Eerie," seryosong saad ni Bailey at umupo sa tabi ko. "Nandito lang ako. Alam ko namang hindi kaibigan ang turing mo sa akin, but I want you to know na nandito lang ako para pakinggan ang mga sasabihin mo."
Natigilan ako sa sinabi niya.
Hindi ko man siya lingunin ay ramdam ko ang sinseridad sa pagsasalita niya. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Dati ay halos walang gustong umalam sa nararamdaman ko. Dati ay walang nagsasabi sa akin ng mga salitang kailangang-kailangan ko.
Pero ngayong mayroon na, hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksyon.
Mabuti na lamang ay dumating na ang guro namin para sa first subject ngayong hapon. Hangga't maaari ay ayaw ko munang pag-usapan ang nararamdaman ko. Nasanay akong sinasarili iyon kaya hindi ko alam kung kailangan ko pa iyong sabihin sa iba.
Napabuntong-hininga ako sa napagtanto.
Tuloy ay buong maghapon akong lutang sa klase. Nakakapanibagong walang gustong matutunan ang utak ko sa mga nagdaang oras. Gusto lang muna nitong magpahinga.
"Tara. Sabay na tayong pumunta ng parking lot," untag ni Bailey sa akin habang nag-aayos na kami ng gamit para umuwi.
Tinanguan ko siya. Akala ko ay hindi na niya ako papansinin pa. Ngayon ko lang ding napansin na kaming dalawa nalang ang natira sa loob ng room.
Matapos makapag-ayos ay sabay na kaming naglakad palabas. Parang gusto ko tuloy bumalik sa loob nang makita kung sino ang naghihintay sa labas ng room namin. Pero masyado ng over acting kung babalik pa ako gayong nakalabas na kami.
"Hello, Bailey! Hello, Eerie!" masiglang bati ni Hans.
"Hello rin sa inyo! Hi, Vio!" kinikilig namang sagot ni Bailey.
Agad itong tumabi kay Vio at inangkla ang kamay sa braso ng binata.
'Hindi ko alam na may pagkaharot ang isang 'to..'
"Hep! Hep!" Pinaghiwalay ni Hans ang dalawa. "Bailey naman, know your limits."
"Hala? Bakit? Mag-jowa ba kayo?"
Agad namang nakatanggap ng pitik sa noo si Bailey mula kay Hans.
"Ouch! Makapitik 'to, close ba tayo?! Amp!" Hinimas niya ang sariling noo.

BINABASA MO ANG
The Fake Protagonist
Teen FictionIf you think you're part of the story, then think about it again.