CHAPTER 2

3 1 0
                                    

KIRO'S POV

Nagising ako nang biglang tumunog ang alarm ng aking cellphone. Nagulat ako nang biglang pumasok si Mommy sa kwarto ko habang may dalang tray.

"Good morning, baby. Pasensya na kung dinalhan kita ng breakfast dito sa kwarto."
Inilapag ni Mommy ang tray sa bedside table habang kinukusot ko ang aking mga mata.

"Ayos lang, Mom. Nasaan po si Mavis?"
Kumunot ang noo ko nang nginisihan ako ni Mommy.

"Maaga siyang umalis... Uuwi raw siya muna sa kanila, may aasikasuhin lang. Bakit, namiss mo?"
Napasimangot ako nang dahil sa tanong ni Mommy bago ako pumunta sa banyo para maghilamos at magsepilyo.

Kahit pumuti pa ang uwak, hindi kita mamimiss.


"Nakakatawa ang joke mo, Mom."
Nakabusangot na tugon ko bago ako nagsimulang maghilamos.

"Huwag mo na kasing i-deny, Akiro... Baka magulat ka na lang paggising mo, pangalan niya na ang palagi mong bukambibig."
Natigilan ako sa paghilamos nang dahil si sinabi ni Mommy.

Tch. Kalokohan.


Pagkatapos kong magsepilyo ay napangiwi ako nang paglabas ko sa banyo ay nasa harapan ko na si Mommy.

"B-Bakit, Mom?"
Nauutal na tanong ko habang paulit-ulit ang aking paglunok.

"Alam kong hindi ko na mababago ang pagtingin mo sa kanya... Pero subukan mo lang na bigyan siya ng pagkakataon, Akiro. He's worth it."

"Hindi ko maipapangako na bibigyan ko siya ng pagkakataon... Pero susubukan ko, Mom."

"Huwag mong subukan, gawin mo. Sige, mauna na ako. Pupuntahan ko pa si Kira, naglilihi kasi."
Hinalikan ako ni Mommy sa noo bago siya lumabas sa aking kwarto.

Nakahinga ako nang maluwag nang ako na lang mag-isa sa aking kwarto. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nalulungkot ako dahil wala si Mavis.

Ano bang nangyayari sayo, Akiro? Nawawala ka sa sarili mo!


Dahil sa kapraningan ko ay naisipan kong tawagan si Rath. Nagsimula na akong kumain ng breakfast habang hinihintay ang kanyang pagsagot sa aking tawag.

"Morning, dre. Bakit ka napatawag?"

"Busy ka ngayon, dre?"

"Wala naman akong ginagawa. Bakit, dre?"

"Pwede ba tayong magkita, dre?"

"Magde-date tayo, dre?"
Nabulunan ako nang dahil sa tanong ni Rath at mabilis kong ininom ang orange juice.

"Putsa ka, dre! Hindi tayo magde-date!"
Nasapo ko ang aking noo nang tinawanan niya na naman ako.

"Nyay! Kahit kailan talaga, dre! Hindi ka mabiro!"
Natatawang tugon ni Rath at sininghalan ko lang siya sa kabilang linya.

"Ulul! Huwag mo akong igaya kay Rio na palaging sinasakyan ang trip mo!"

"Saan tayo magkikita, dre? Anong isusuot ko?"

"Siraulo! Pupunta ako mamaya sa bahay niyo. Hintayin mo na lang ako diyan!"
Pinatay ko na ang tawag bago pa siya makasagot.

Kailangan kitang makausap, dre. Baka mabaliw na ako sa kakaisip.


MAV'S POV

"Ya!"
Sinugod ako ni Xyro gamit ang kanyang arnis pero bago pa niya ako maabutan ay kaagad kong pinadausdos ang katawan ko pababa para patirin siya.

Pero nagulat ako nang bigla siyang tumambling kaya hindi siya natumba at sakto ang kanyang pagbagsak sa kahoy na sahig. Kinuha ko ang dalawang espada na nakapatong sa mesa bago ko siya sinugod.

Inatake ko siya habang baliktad ang paghawak ko sa dalawang mahaba at matalim na espada. Sa bawat paghampas ng talim ng aking sandata ay kamangha-mangha na nakakaiwas siya kaagad habang inaatake niya rin ako nang pailalim.

Akala niya siguro ay matatamaan niya ako kaya hindi niya inaasahan ang pagsipa ko nang patalikod. Nabitawan niya ang isang arnis at nagpagulong-gulong ako sa sahig para hindi niya ako matamaan.

"Mukhang marupok na ang tuhod mo, Xyro... Tumatanda ka na yata."
Nakangising sabi ko bago ko ibinato pataas ang dalawang espada. Inatake niya ulit ako nang sobrang bilis na para bang maikukompara sa hangin ang aming paggalaw.

Nakailag ako sa bawat binibitawan niyang pag-atake ngunit hindi niya inaasahan ang pagsalo ko sa dalawang espada at laking gulat niya nang nakatutok na sa kanyang leeg ang aking hawak na sandata.

"Akala mo siguro susuko ako kaagad."
Sa sobrang bilis ng paggalaw niya ay hindi ko inaasahang aagawin niya ang aking espada pero bago niya pa mahawakan ito ay pinatid ko siya.

Sa kanyang pagbagsak ay kaagad siyang nakabangon pero napangisi ako nang ibang sandata na ang kanyang kinuha. Kaagad niyang pinanggigilan ang pana at hindi siya nagdalawang-isip na panain ako.

Ngunit sa isang mabilis na galaw ay ibinato ko ang dalawang espada patungo sa kinatatayuan niya at sa sobrang pagmamadali ay ibinato niya sa sahig ang pana.

"Punyeta ka talaga, Mav!"
Natawa ako nang sinugod niya ako nang sipa ngunit naiwasan ko naman kaagad.

Sa bawat pag-iwas ko ay saktong nakahanap ako ng tiyempo na tumambling mismo sa harapan niya at sa aking pagbagsak ay sinipa ko siya sa likod.

Susugurin niya sana ako nang biglang pumasok si Mommy na may dalang tray. "Kumain na muna kayo ng pananghalian. Baka malipasan kayo ng gutom." Natatawang sabi ni Mommy bago niya ipinatong sa mesa ang tray na naglalaman ng dalawang plato, isang pitsel ng mango juice at dalawang baso.

Napailing na lang ako nang tumakbo si Xyro papalapit sa mesa at hindi na niya hinintay ang aking permiso sa kanyang pagsubo.

Tch. Patay gutom talaga kapag napapagod.

"Mom, ayos lang ba kayong lahat dito sa mansiyon?"
Isinalin ko ang mango juice sa baso bago ko hinarap si Mommy.

"Ayos lang kami, Mavis... Nandito naman ang Daddy mo para protektahan kaming dalawa ni Maverick."

"Kung hindi lang siguro namatay si Kuya Mavi, kompleto sana ang pamilya natin."
Malungkot na tugon ko bago ako nagsimulang kumain.

"Kung nasaan man ang kuya mo ngayon, siguradong palagi niya tayong binabantayan sa itaas. Kahit wala na siya, masaya ako kasi nandiyan kayo ni Maverick."
Kaagad kong niyakap si Mommy nang bigla siyang umiyak.

"Shhh... Huwag ka nang umiyak, Mom. Bibisitahin ko naman kayo dito."
Nginitian ko lang si Mommy habang pinupunasan ko ang kanyang mga luha.

Kumunot ang noo ko nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Wala naman akong inaasahang tawag ngayon dahil imposible namang si Kiro ang tumawag sakin.

Kinabahan ako nang makita ko ang pangalan ni Kiro sa screen ng aking cellphone habang patuloy pa rin ang pagtunog ng aking ringtone.

Hindi na ako nagdalawang-isip na sagutin ang tawag. "Kiro? Bakit ka tumawag?"

"Alam mo bang nasa impyerno ngayon ang pinakamamahal mong nobyo?"
Napatiim-bagang ako nang marinig ko ang pamilyar niyang boses.

Punyeta! Saktan nila ako, huwag lang si Kiro!


"Nasaan siya? Saan mo siya dinala?"
Kalmadong tanong ko habang nakakuyom ang aking kamao.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Nasa impyerno ngayon ang nobyo mo."
Tatawa-tawang sagot niya at batid kong nakangisi na siya ngayon.

"Huwag mo lang siyang sasaktan... Dahil kapag nagkaroon lang siya ng konting galos, ililibing kita nang buhay."

"Paano ba iyan? Binugbog na siya ng mga bata ko... Anong magagawa mo?"
Parang huminto ang pag-inog ng aking mundo nang dahil sa aking narinig.

"Anong magagawa ko? Marami akong pwedeng gawin na talagang magdadala ng kaluluwa mo sa impyerno."
Tinapos ko ang tawag niya bago ko kinuha ang dalawang espada na nakapatong sa mesa. Sa sobrang galit ko ay kaagad kong dinampot ang dalawang palakol na nakakabit sa dingding.

"Mav, saan ka pupunta?" Nahihimigan ko sa boses ni Xyro ang takot at kaba pero nginisihan ko lang siya.

"Sa impyerno."


Tayong dalawa ang magtuos, Vladymir... Hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka lalo na ang pamilya mo.

GAI RESORTIR 1: PROTECTING THE FUCKBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon