CHAPTER 5

3 1 0
                                    

MIR'S POV

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa nagliliyab na mata ni Mavis. Kahit kinakabahan ako ngayon sa presensya niya ay hindi ko maiwasang mamangha dahil hindi niya alintana ang bahid ng dugo sa kanyang mukha at sa suot niyang damit.

"Kumusta ka na, Vladymir? Mabuti naman at humihinga ka pa."
Sarkastikong wika niya habang nakangisi. Ngunit aminado akong nagbigay iyon ng kakaibang takot sa buong katawan ko.

Bakit ako ang natatakot sa kanya? Siya dapat ang matakot sakin!

"Bitiwan mo ang kapatid ko, Mavis!"

"Ang swerte mo naman kung papakawalan ko ang kapatid mo nang ganon na lang... Mararanasan niya rin ang ipinaranas mo kay Kiro."
Kumuyom ang aking kamao dahil sa sobrang galit nang tinuhod niya ang tiyan ni Draco.

Sa sobrang lakas ng pagtuhod niya ay sumuka ng dugo ang kapatid ko. Hindi pa siya nakontento at tinadyakan niya nang paulit-ulit si Draco hanggang sa nakahiga na ito sa sahig.

Draco Magnus... Patawarin mo ako, bunso.


Wala akong magawa habang nakatitig lang ako sa kapatid kong parang uod sa sahig na namimilipit sa sakit. Walang-awang sinipa ni Mavis ang mukha ni Draco bago niya sinabunutan ang buhok nito at puwersahang itinayo.

"Magpasalamat ka na lang sakin kasi hindi ko tinuluyan ang pinakamamahal mong kapatid, Vladymir... Dahil kung sakaling namatay si Kiro sa mga kamay mo, mas malala pa sa kamatayan ang ipapatikim ko kay Draco."
Walang-emosyong sabi niya ngunit ang nagbabaga niyang mga mata ay mas lalong nagliyab na animo'y apoy na naglalagablab.

"Ibigay mo na sakin ang kapatid ko! Kung hindi, tutuluyan ko ang nobyo mo!"
Dinagukan ko nang baril ang ulo ni Akiro at napangisi ako nang tumulo ulit ang dugo nito sa kanyang noo.

"Gusto mo nang madugong laro? Paano ba iyan, Draco? Mukhang pinayagan na ako ni Vladymir na patayin ka dito..."
Bumulong siya sa tenga ni Draco at para akong nakaramdam ng habag nang tumitig sa mga mata ko ang aking kapatid.

Hilam ang kanyang mga luha habang ang kanyang mga mata'y nagsusumamo sakin na tulungan siya para makawala kay Mavis.

"Ano bang gusto mo?! Ibigay mo na sakin ang kapatid ko! Dammit!"
Sa sobrang inis ay nagpaputok ako ng baril pero hindi man lang natinag si Mavis sa kanyang kinatatayuan.

"Pakawalan mo si Kiro... Subukan mo lang maging tuso puputulin ko ang ulo nito."
Nataranta ako nang idiniin niya ang talim ng kanyang palakol sa leeg ni Draco habang ang kapatid ko ay hindi gumagalaw dahil baka malaslas ang kanyang leeg kapag nagpumiglas siya kay Mavis.

Hindi ko inaasahang naging mabilis ang paggalaw ko habang pinapakawalan si Akiro. Tinanggal ko ang kadenang nakagapos sa kanyang katawan na konektado sa silya niyang kinauupuan bago ko tinanggal ang tali sa mga kamay niya.

"Palakarin mo papunta sakin si Kiro."
Seryosong utos niya habang nakadiin pa rin ang talim ng palakol sa leeg ng aking kapatid.

"Bilisan mong maglakad kung hindi papatayin talaga kita."
Bulong ko sa tenga ni Akiro at nagulat ako nang tumakbo siya papunta sa likuran ni Mavis.

Tch. Ang tigas rin ng ulo mo.

"Sinunod ko na ang gusto mo, Mavis. Ikaw naman ang tumupad sa usapan."

"Pumunta ka na do'n sa kapatid mo... Bilisan mo ang pagkilos mo baka matuluyan ko kayong pareho."
Tumakbo papunta sa likuran ko si Draco at nakahinga ako nang maluwag dahil akala ko ay ibabato ni Mavis ang hawak niyang palakol sa likod ng kapatid ko.

"Mamamatay kang hayop ka!"
Kakalabitin ko na sana ang gatilyo nang biglang binato sakin ni Mavis ang hawak niyang palakol.

Nailagan namin ni Draco ang pag-atake niya pero napasigaw ako dahil sa sobrang inis nang makatakas na sila. Sigurado akong tumalon sila sa veranda.

Kaagad akong tumakbo patungo sa veranda pero huli na dahil pinaharurot na ni Mavis ang kanyang motor papalayo sa penthouse ko.

Humanda ka sakin, Mavis. Magtutuos pa rin tayo sa impyerno.


KIRO'S POV

Pagpasok namin ni Mavis sa mansiyon nila ay kaagad akong sinalubong ng yakap ni Mommy habang nakasunod naman si Daddy sa likuran nito.

"Akiro! Anong ginawa nila sa'yo? Ayos ka lang?"
Hinaplos ni Mommy ang aking mukha at napangiwi ako nang biglang humapdi ang mga pasa na aking natamo.

"Ayos lang ako, Mom. Mabuti na lang dumating si Mavis para iligtas ako do'n."

"Maramang salamat, Mavis. Utang na loob namin sa'yo ang buhay ni Akiro."
Nakangiting sabi ni Daddy pero tango lang ang isinagot ni Mavis.

"Kilala niyo ako, Tito Akihiro. Ayos lang kung sasaktan nila ako pero kapag dinamay nila ang mga taong mahal ko..."
Natigilan ako nang magtama ang paningin namin ni Mavis kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

I love you, Mavis. Mahal na mahal kita kahit demonyo ka kanina.


"Lahat ay gagawin ko, maging ligtas lang sila sa peligro."
Nagbalik ulit ako sa huwisyo nang magsalita ulit si Mavis. Napanguso ako nang nakatingin na pala siya kay Daddy habang nakangiti sila pareho sa isa't-isa.

"Halika na, Kiro."
Nanlaki ang mga mata ko nang nakalahad na sa aking harapan ang kamay ni Mavis.

"Saan naman tayo papunta?"
Nakakunot-noong tanong ko pero nagsitayuan ang aking balahibo nang ngumisi siya.

"Sa kwarto ko."
Aangal sana ako pero huli na kasi nahila niya na ako. Nilingon ko silang lahat para humingi ng tulong pero tinawanan lang nila ako.

"Huwag mong pagurin ang anak namin, ha? Huwag kayong gumawa ng kababalaghan!"
Pahabol na sigaw ni Mommy at nasapo ko na lang ang aking noo. Mas lalong lumakas ang tawanan nila pero napalunok ako nang makapasok na ako sa kwarto ni Mavis.

"Anong gagawin natin dito?"
Kinabahan ako nang naging mapungay ang kanyang mga mata. Naging malamlam ang tingin sakin ni Mavis.

"Ano bang gusto mong gawin, Kiro?"
Pabulong na tanong niya habang nakangisi.

Damn. My bulge is getting harder.

"Ikaw? Anong gusto mong gawin natin?"
Nakangising tanong ko habang nakakrus ang aking mga kamay sa aking dibdib.

Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit sakin si Mavis. Aatras sana ako pero huli na dahil niyakap niya ako.

"Sa susunod na aalis ka, mag-iingat ka naman. Nag-alala ako sayo ng sobra, Kiro..."
Namula ang aking pisngi dahil sa sinabi niya. Aaminin kong kinilig ako pero mas lalo palang nakakakilig kapag iyong lalakeng mahal mo ang nagsabi no'n.

Ang sarap sa tenga, Mavis... Pero mas masarap kung mga ungol mo ang naririnig ko.


"I love you, Mavis."
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang iyon lumabas sa bibig ko. Pero hindi ako nagsisisi na sinabi ko iyon dahil matagal ko na siyang mahal. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para umamin.

"I love you too, Kiro."
Mas lalo akong nawala sa katinuan nang siniil niya ang mga labi ko sa isang mainit na halik.

Wala na akong mahihiling pa, Mavis. Pagmamahal mo lang ang kailangan ko.

GAI RESORTIR 1: PROTECTING THE FUCKBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon