SOMEONE'S POV
Pagkauwi ko dito sa Pilipinas ay binili ko ang mansiyon na kaharap mismo ng mansiyon ng mga Hell. Ilang araw na rin akong nagmamatyag sa mga kilos na ginagawa nila.
Nagtaka ako kanina dahil maraming bahid ng dugo ang damit ni Mavis nang umuwi ito sa kanilang mansiyon kasama si Akiro Mendoza.
Hmm. Sigurado akong marami ka na namang pinatay.
Napangisi na lang ako habang nakatayo ako sa veranda ng aking mansiyon. Maraming katanungan ang pumapasok at naglalaro sa aking isipan habang ang aking mga mata'y nakatitig sa mansiyon ng mga Hell.
Nagulat ako nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Dali-dali kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Señor.
"Señor, kumusta na po kayo?" Bungad ko kay Señor sa kabilang linya habang may matamis na ngiti sa aking mga labi.
"Ayos lang ako dito, iho. Ikaw? Kumusta ka na?
"Maayos naman po ang kalagayan ko, Señor Vuico... Palagi kong binabantayan ang mga kilos ng pamilyang Hell lalo na si Mavis Zion Hell."
"Kung ano man ang plano mo, palagi akong nakasuporta sa'yo. Nahanap mo na ba sila?"
"Opo, Señor... Pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula."
"Maghintay ka lang, iho... Hintayin mo ang tamang pagkakataon at tiyempo para harapin ang pamilya mo."
"Susubukan ko po, Señor. Kaya ko namang maghintay para sa mga taong mahal ko." Sinulyapan ko ulit sa huling pagkakataon ang mansiyon ng mga Hell bago ako pumasok sa loob.
"Mabuti naman kung ganon. Huwag mo munang pairalin ang puso at damdamin mo... Gamitin mo muna ang iyong utak para magtagumpay ka sa iyong plano."
"Maraming salamat po, Señor. Mag-iingat kayo palagi diyan."
"Ikaw rin, iho... Kung kailangan mo ng tulong, huwag kang magdalawang-isip na tawagan ako."
"Sige po, Señor. Paalam." Tinapos ko na ang tawag bago ko pinatay ang aking cellphone. Humiga ako sa aking kama habang nakatingala sa kisame.
Kahit gusto kong magpakita sa inyo, siguradong pagdududahan ninyo ako. Maghihintay ako hanggang sa dumating na ang tamang pagkakataon.
Naglakad ako patungo sa aking study table bago ko kinuha ang picture frame na may litrato ng buong pamilya namin. Lahat kami ay nakangiti pero nakatago sa ngiting iyon ang katauhan naming mananatiling misteryo sa lahat ng tao.
Hinaplos ko ang litrato namin habang nanumbalik ulit sa aking isipan ang mga panahong nakasama ko sila.
Huwag kang mag-alala, Mavis. Palagi lang akong nakabantay sa inyo. Hinding-hindi ako papayag na may masaktan sa pamilya ko. Magkikita rin tayo, aking kapatid...
MIR'S POV
"Mga inutil talaga kayo! Mga walang kwenta! Bobo!" Sinigawan kami ni Dad habang nakatiim ang bagang. Dinuro niya kami ni Draco gamit ang kanyang tungkod.
"Hindi ko naman po alam na ganito ang mangyayari, Señor Fuego... Patawarin niyo po ako."
"Wala akong anak na bobong kagaya mo!" Iyon na yata ang pinakamasakit na salita na natanggap ko galing sa kanya.
After all these years, Dad... Walang kwenta pa rin ang tingin niyo samin.
"Kasalanan ko ang lahat... Kung nilabanan ko si Mavis, siguradong mahuhuli namin siya. Patawarin niyo po ako, Señor." Nanlisik ang aking mga mata nang hinampas ni Dad ang ulo ni Draco ng tungkod niyang gawa sa kahoy.
"Hindi niyo nga kayang patayin, tapos mahuhuli niyo? Milagro ang tawag diyan dahil kahit pareho kayong may armas, hindi niyo pa rin kayang labanan ang demonyong iyon!"
"Tama na! Alam naming nagkamali kami pero pwede ba, Dad?! Ituring niyo naman kami na parang anak ninyo! Kahit ngayon lang!
"Talagang ang lakas ng loob mo na sagutin ako, Vladymir! Kung hindi lang namatay ang kapatid ninyo, siguradong hindi magiging palpak ang ating mga plano! Kung sino pa tuloy ang may pakinabang, iyon pa ang namatay." Dismayadong tugon ni Dad habang nanlilisik ang kanyang mga mata.
"Bullshit!" Hinila ko si Draco palabas sa study room ni Dad bago kami pumanhik sa aming kwarto.
"I'm sorry, Kuya... Kung naging matapang lang ako, sana nagtagumpay ang ating mga plano." Kaagad kong niyakap si Draco habang hinahaplos ko ang kanyang likod.
"Wala kang kasalanan, Drac. Nadamay ka lang sa gulo ng pamilya natin... Kung meron mang dapat sisihin ay ako iyon. Naging mahina ako kaya nalagay ang buhay mo sa peligro."
"Hinding-hindi kita sisisihin, Kuya. Wala akong karapatang sumbatan ka dahil kapakanan ng pamilya natin ang palaging iniisip mo. Kahit anong mangyari, nandito lang ako palagi sa tabi mo... Mahal na mahal kita, Kuya."
"Mahal na mahal rin kita, bunso." Pinahiga ko sa aking mga hita si Draco bago ko hinaplos ang kanyang buhok.
Nakatulog ang aking kapatid dahil sa sobrang pagod kakaiyak kanina habang ang kanyang mga mata ay merong hilam na mga luha.
Napalitan ng galit ang ekspresyon ng aking mukha nang pumasok sa aking isipan ang pananakit na ginawa ni Mavis sa kapatid ko doon sa penthouse.
Inayos ko ang pagkakahiga ni Draco sa kama bago ko siya kinumutan. Isa-isa kong hinubad ang aking mga damit bago ako pumunta sa banyo para maligo.
Nang binuksan ko ang shower ay para bang nahimasmasan ang init ng ulo ko kasabay ng pag-agos ng malamig na tubig sa aking katawan.
Habang nakayuko ako dahil sa sobrang sarap ng pakiramdam ng malamig na tubig ay nag-isip ako ulit ng plano para sa demonyong iyon.
Tiningala ko ang shower habang nakapikit ang aking mga mata. Masyado akong nadadarang sa sarap ng pakiramdam ng pag-agos ng tubig sa aking katawan.
I will never give up until you die, Mavis. Get ready for my revenge.