KIRO'S POV
Alas-otso ng gabi na ako nakauwi sa mansiyon namin. Pagpasok ko sa loob ay kaagad akong sinalubong ni Mommy.
"Bakit ngayon ka lang, Akiro?" Niyakap ako ni Mommy bago ako dumiretso sa sofa para umupo.
"May pinuntahan lang, Mom... Hindi ko naman po alam na matatagalan ako do'n kaya gabi na po ako nakauwi."
"Sigurado ka ba, Akiro? Baka iniiwasan mo lang si Mavis kasi dito namin siya pinatira at katabi mo siyang matulog sa kwarto mo?" Tinaasan ako ng kilay ni Mommy at napailing na lang ako.
"Hindi ko po iniiwasan si Mavis. I swear, Mom... Kahit mamatay pa siya—aray!" Napangiwi ako nang biglang piningot ni Mommy ang aking tenga habang nakatingin sakin nang matalim.
"Ikaw talagang bata ka! Bakit di mo bigyan ng chance si Mavis? Mabait naman siyang bata, matalino, masipag at talagang mahal ka niya."
Kahit mahal ako ni Mavis, hinding-hindi ko siya mamahalin.
"I don't care, Mom. Kahit labag man sa loob ko, pumayag ako na patirahin niyo dito si Mavis at doon siya sa kwarto ko matutulog. Pero yung mamahalin ko siya? Hinding-hindi iyon mangyayari, Mom." Walang-emosyong tugon ko bago ako huminga nang malalim.
"Huwag kang magsalita nang patapos, Akiro... Cupid always strike unexpectedly." Nasapo ko ang aking noo nang dahil sa pinagsasabi ni Mommy.
Tch. Love sucks.
"Hinding-hindi ko hahayaan na panain ni Kupido ang puso ko. Magpapahinga na po ako, Mom." Niyakap ko ulit si Mommy bago ako naglakad patungo sa aking kwarto.
Kumunot ang noo ko nang biglang may nag-play na tugtog at talagang galing pa mismo sa kwarto ko.
Pft. Mukhang tinotopak na naman si Mavis.
Pagbukas ko ng pinto ay natigilan ako nang biglang umindayog ang katawan ni Mavis kasabay ng maharot na tugtog.
Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang tumayo ang aking burat nang dahil sa pagsasayaw ni Mavis habang hinahaplos niya ang kanyang katawan.
What the fuck?! Hindi ako dapat tinitigasan nang dahil sa kanya!
Mas lalong tumigas ang aking alaga nang mahagip ng aking mga mata ang suot niyang damit. Isang pink na oversized shirt at itim na Calvin Klein na boxers.
Kahit hindi ko siya mahal, aaminin ko na talagang nadidistract ako kapag nakikita ko ang maputi at makinis niyang hita. Lalo na kapag gumigiling ang matambok niyang puwet na mas lalong nagpatigas sa aking burat.
Hindi ko nga mahal pero pinagnanasaan ko naman? So fucking wrong.
Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya at nagsalubong ang kilay ko nang inirapan niya ako bago niya pinatay ang bluetooth speaker.
"Hmm. Bakit mo pinakialaman ang gamit ko? Sinabi ko bang pakialaman mo iyan?" Malamig na wika ko habang hinuhubad ko ang suot kong pulang polo.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkagat niya ng labi habang nakatingin siya sa katawan ko.
"Eyes up here, Mavis." Nang magtama ang mga mata namin ay bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Dammit! Why do I feel this shit?!
"Anong gusto mong gawin ko? Umupo lang dito sa kama mo habang hinihintay kitang umuwi? You're so pathetic, Kiro." Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang dahil sa sinabi niya.
"Alam mo kung anong gusto ko? Sana mamatay ka na kasi sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo." Nakangising sabi ko at nagulat ako nang bigla siyang tumawa.
"Joker ka pala? Such a nice joke." Sarkastikong tugon niya habang naglalakad siya papalapit sakin.
"What do you think you're doing?" Napalunok ako nang sumandal ang aking likod sa pader at nakatayo na siya sa mismong harapan ko.
"You don't love me, right?"
"H-Ha?"
Shit! Bakit ako nauutal?
"You don't love me, right?" Halos mapugto ang aking paghinga nang ilang pulgada na lang ang layo ng mga labi namin.
"Mabuti naman at alam mo. It will never change, Mavis... I will never love you."
"Talaga? Hindi mo ako mahal?" Nakagat ko ang aking labi nang bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking leeg habang tumatama naman ang kanyang hininga sa tenga ko.
"Talagang hindi kita mahal. So you better fuck off or else I will slap you hard." Walang-emosyong sabi ko.
"I don't care if you'll slap me, Kiro..." Bigla akong kinabahan nang dahil sa sinabi niya habang nakatitig siya sa mga mata ko.
"May sasabihin ako." Hindi ako makahinga nang maayos nang bigla siyang bumulong sa tenga ko.
"Spit it out, slut. Sinasayang mo lang ang oras ko." Pinilit kong hindi maapektuhan sa ginagawa niya pero mas lalo lang tumitigas ang alaga ko dahil sa posisyon naming dalawa.
"I don't love you anymore... Goodnight." Tinalikuran niya ako at naglakad siya patungo sa aking kama habang ako naman ay nakamasid lang sa bawat galaw niya.
Pero bakit nasasaktan ako? Dapat nga masaya ako kasi hindi niya na ako mahal.
Hinubad ko ang suot kong sapatos at denim jeans bago ako pumasok sa banyo para maligo.
MAV'S POV
Nagising ako nang biglang mag-ring ang aking cellphone na nakapatong sa bedside table. Sinigurado ko munang mahimbing ang tulog ni Kiro bago ko sinagot ang tawag.
"Oh? Bakit ka tumawag?"
"Gumagalaw na ang mga kalaban. Ano ngayon ang plano mo?" Kinabahan ako nang dahil sa sinabi niya bago ko sinulyapan ang maamong mukha ni Kiro na ngayon ay mahimbing na natutulog.
"Mukhang dadanak na nga ang dugo at magsisimula na ang paghihirap nilang lahat." Nakangising sagot ko habang nakatingala sa kisame.
"Pero alam mo naman ang batas ng ating organisasyon at kapag nilabag mo iyon... Siguradong sa hukay ang bagsak mo, Mavis. Kahit ako ay hindi kayang iligtas ka sa parusa na ipapataw sayo ng Cerebrus kaya mag-iingat ka, First Zironia."
"Ginawa ko lang naman ang trabaho ko, mamatay ang dapat mamatay. Hindi ko na kasalanan kung namatay ang taong pinakamamahal nila... Walang personalan pagdating sa mga utos ng organisasyon at alam kong alam mo ang ibig kong sabihin."
"Ngunit miyembro pala ng pamilya nila ang pinatay mo. Nagkataon na miyembro pa ng kalaban nating organisasyon... Paano kung maghiganti sila at idamay ang mga taong mahal mo?" Napabuntong-hininga na lang ako habang nag-iisip ako ng matibay ngunit madugong plano para sa mga kalaban.
"Subukan lang nila, ililibing ko sila nang buhay sa impyerno." Seryosong wika ko habang hinahaplos ang buhok ni Kiro.
"Pasensya ka na kasi hindi kita matutulungan, Mavis... Alam mo naman ang batas, bawal mangialam ang isang Zironia sa mas mataas na Zironia pagdating sa buhay at mga desisyon nito. Sinunod mo ba ang utos ng organisasyon?" Bigla akong nakaramdam ng kirot habang pinipigilan ko na mangilid ang aking mga luha.
"Wala naman akong magagawa kahit ang posisyon ko ay hindi sapat ang kapangyarihan para suwayin ang utos ng organisasyon. Their perception about love is an enemy... A distraction that can be the downfall of Cerebrus." Hinalikan ko ang noo ni Kiro habang iniinda ko ang sakit na nararamdaman ngayon ng aking puso.
Kahit ayokong sundin sila, wala akong magagawa. Kailangan kong isakripsyo ang pagmamahal ko para sa'yo...
"Kahit ako ang Second Zironia, hindi ko rin maintindihan kung bakit pinagbabawalan nila tayong magmahal. Hindi pa ba nila nakakalimutan iyon? Matagal nang nangyari iyon, parte ng madilim na nakaraan ng organisasyon... Bakit ipinagbabawal nila na makaramdam tayo ng pagmamahal?" Nahihimigan ko ang sakit sa boses ni Xyro at kahit ako ay nalulungkot dahil sa buhay at sitwasyon na kinasasadlakan ko ngayon.
"Mahirap talagang kalimutan sa kasalukuyan ang sakit na idinulot ng nakaraan... Alam naman nating lahat na pagmamahal ang naging dahilan kung bakit muntikan nang mawasak at mabura ang Cerebrus."
"Siguro nga mahirap kalimutan, pero hindi ba nila pwedeng tanggapin? Lahat naman ng tao nagkakamali at dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon. Mukhang mahihirapan tayo na ipaglaban ang salitang pagmamahal sa organisasyon." Pareho kaming natawa nang dahil sa huling sinabi niya habang hindi pa rin mawala ang lungkot sa puso ko.
Kapag natapos na ang lahat ng ito, ipaglalaban kita kahit sa impyerno...
"Umaasa ako na kapag nagtagumpay ako na patayin ang kalaban ng ating organisayon, sana pagbigyan nila ang kahilingan ko... Sana hindi na nila ipagbawal sa atin ang magmahal kasi tao rin tayo, Xyro. Kahit nagkukubli tayo bilang mga demonyo na walang-puso, nanghihina pa rin tayo... Nasasaktan... Nagmamahal..." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya habang pinipigilan ko naman ang pagbugso ng aking damdamin.
"Ipagdarasal ko palagi na sana'y magtagumpay ka sa plano mo. Siguraduhin mo lang na luluhod sila sa harapan mo para sa kanilang mga buhay... Magandang panoorin iyon, Mavis." Batid kong nakangisi siya ngayon bago ako tumawa nang mahina dahil nasasabik na akong mangyari ang araw na iyon.
"Don't worry, Xyro... It's my pleasure to bring them to hell and bury them on their graves. Goodnight, Second Zironia."
"Have a good night, Mavis. Show them no mercy, First Zironia..." Pinatay niya na ang tawag at ibinalik ko ulit sa bedside table ang aking cellphone.
"Hindi man ako perpekto pero susubukan ko pa ring maging karapat-dapat sa pagmamahal mo... I love you, Kiro." Hinalikan ko siya sa labi habang mahimbing siyang natutulog bago ko ipinikit ang aking mga mata.