Chapter One

148 54 611
                                    

"Class Dismiss"

Nakangiting tinignan ni Sandra ang katabi niyang sarap na sarap ang tulog "wahaha iniwan mo ko kahapon sa klase ngayon iwan din kita bleh" sabi ko

Si Maria Clara ang katabi kong sarap na sarap ang tulog, bestfriend ko siya since grade 1. Maganda maputi at may katabaan siya bilugan ang mukha katamtaman lang ang taas niya para sa isang babae

Nagkakilala kami sa playground nun tumakas ako sa bahay kasi nagaaway na naman sila mama at papa sa pera, si Clara yung naging taga tahan ko nun

Since then di na kami mapaghiwalay nagaral din siya sa pinapasukan kong school and ng mag highschool na kami dapat maghihiwalay na kami ng school

Pero sobrang bait ng tadhana kasi nagkascholar sa school na toh kay nagapply agad ako and sa kabutihang palad nakapasa ako

Wala na kong babayaran ang problema ko lang is allowance kaya nagpart time job ako

Dahang dahan akong lumabas ng classroom namin at tumakbo paalis. Pumunta ako sa library upang gawin na ang trabaho ko

Btw hi my name is Kassandra Jackie Librada working student ako although scholar ako need ko magtrabaho pa rin para sa mga magulang ko

Nagpapartime ako dito sa library namin maliban sa sweldo ang habol ko dito is libre kong maiiuwi yung iba books pero syempre binabalik ko din yoko pa maguidance

Iniingatan ko ang reputation ko para makagraduate dito ng walang kaso I'm a grade 12 student sa Adamson University. Humss ang kinuha kong strand kasi balak ko mag-abogado

Inaayos ko na ang last batch ng libro sa dulo ng library ng bigla akong may narinig na kuskos sa gilid ko kinabahan ako ng slight gabi na and naguwian na mga students. Ako, janitor/janitress and guardia na lang dapat nandito

Tinignan ko ang orasan 7pm na naglilinis na and mga janitor at nagroaming na panigurado ang gwardiya

Nilakasan ko yung loob ko at tinignan kong sino yun ng biglang may nahulog na box sa likod ko napatili ako ng sobra at biglang lumabas ang bestfriend ko sa tabi ko sabay hawak sa braso ko habang tumatawa ng sobrang lakas

"Tawa ng tawa ang baliw papatayin mo ba ko sa nerbyos ha!" sigaw ko sa kanya "ano ka ba bal wag ka nga iniwan mo ko sa classroom noh dapat lang sayo yan ang KJ mo talaga katulad ng pangalan mo KJ" saad niya

"Ah kasalanan ko pala sino kaya yung iniwan ako sa classroom at sinulatan pa mukha ko napagalitan ako ng librarian kasi late na ko nakapunta dito" pabalang kong sambit sa kanya sabay batok sa kanya "at di ako KJ maria clara hinhin ng pangalan mo tas para kang si sisa pag nagwala isama mo pa yung ugali mong pangkalye"

nagakto siya na parang binaril tas humawak pa sa puso niya "aray bal masakit ha KJ ka talaga pero sige lab naman kita eh muwah" ikiss niya pa sana ako sa pisnge kaso sinampiga ko na siya

"wag mo ko ginugulo dito di pa ko tapos ha" pinagpatuloy ko na lang ginagawa ko "umuwi ka na clars" tinignan ko siya saka tinaasan ng kilay "ano gusto mo"

"Sandraa pwede mo ba ko isabay pauwi naubos ko kasi baon ko eh hehe" napakamot pa siya sa ulo niya "teka yaman yaman mo eh asan ang driver mo aber"

"wala eh nagcommute lang ako papunta dito remember kasi wala si kuya roger umuwi sa probinsya ano ba yan makakalimutan" aba ako pa makakalimutin ha di ko kaya isabay toh

"Oo na may magagawa pa ba ko maghintay ka na lang dyan tapusin ko na toh" after 30 minutes natapos ko na ayusin yung mga libro

"huy clars tara na baka hinahanap ka na sa inyo" niyugyog ko siya habang tulog siya ano ba naman tong babaeng toh lagi na lang tulog "maria clara gising naa!" sigaw ko sa tenga niya

"Ano ba sandra kita mong natutulog yung tao eh" aba siya pa may ganang magalit "Oh sige bala ka dyan ha alis na ko wohoo nay multo pa naman dito"

Bigla isyang nahimasmasan at tumayo bigla "Hehe di ka na mabiro Sandra eh"

Lumabas na kami ng building at nagpaalam muna ako sa mga janitress bago umalis. Papalabas na kami ng gate ng may nakita akong kotse sa labas at may nakatayong lalaki dun

"Huy Sandra kilala mo ba yun" sabi ni Clara parang rapist ata tong lalaki eh binilasan na namin yung lakad namin nagulat ako biglang humarang yung lalaki at niyakap ako

Teka niyakap ako?! bigla akong napasigaw at tinakpan niya agad yung bunganga ko kinagat ko yung kamay niya tas sinuntok ko siya sa mukha niya

If Hearts Would FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon